Zie
I was wearing a black shirt, ripped jeans and a boots. Nakikinig lang ako kay Gabriel habang pinapaliwanag niya sa amin kung paano gamitin ang iba't ibang klase ng baril.
"Are you ready for this, bro? Alam kong sinabi mo sa sarili mo na hindi ka gagamit ng baril kahit na ano pa ang mangyari pero we need to learn how to use guns if we want to increase our chances of getting Ashton." Sambit sa akin ni Rex na halatang nag-aalala sa akin. Alam kasi nitong nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi gagamit ng baril, alam nito kung ano ang trauma na inabot ko dahil lang sa baril kaya hindi ki rin ito masisisi kung bakit ganoon na lang kung mag-alala ito sa akin.
"It's okay, Rex, I think I'll get used to it." Determinado kong tugon kay Rex at bahagyang ngumiti para hindi na ito mag-alala pa sa akin.
"You're scared with guns?" Tanong ni Nick na nakakunot-noo pero tinaasan ko lamang ito ng kilay, ayokong sagutin ang tanong nito.
"Let's continue." Pagkuha ni Gabriel sa atensyon namin at muling bumalik sa pagtuturo sa amin kung paano gamitin ang baril. Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway habang nakatitig ako sa baril na hawak ni Gabriel, ikinumyos ko ang aking mga kamao para pigilan ang panginginig ng aking kamay.
"Okay, I'll go first in the shooting range." Sambit ni Gabriel makalipas ang ilang segundo. Naglakad na nga ito sa shooting range at wala na itong sinayang pa na oras, agad nitong itinutok ang hawak na baril sa shooting target na nakapwesto ilang metro ang layo mula kay Gabriel.
Then I heard the roaring sound of a gunshot. Mabilis kong itinakip ang aking kamay sa aking tenga at ipinikit ang aking mata. Ramdam ko ang pagbilis ng aking paghinga at kahit na anong gawin ko para pakalmahin ang aking sarili ay parang wala lang din. Kahit na nakatakip na ang aking kamay sa aking tenga ay dinig na dinig ko pa rin ang malakas na tunog ng baril ni Gabriel.
"It's okay, bro. This is just a training and we're not shooting a real person." Bulong sa akin ni Rex at hinaplos-haplos ang aking likuran para tulungan akong pakalmahin.
"Yeah! This is not true." Tugon ko at sunod-sunod na tumango kay Rex habang unti-unting binubuksan ang aking mata.
"It's your turn, Zie." Dinig kong sambit ni Gabriel dahilan para mapalunok ako ng laway.
"How about I'll go first? I think he's not ready for this." Biglang sambit ni Nick dahilan para mapakunot ang aking noo. It doesn't feel good when someone is telling me that I wasn't ready for this, na para bang isa akong bata na walang alam at takot na takot. And I hate to admit it that Nick is saying the truth, I wasn't ready for this pero hanggang kailan ba ako matatakot humawak ng baril?
"Give me the gun." Sambit ko dahilan para mapalingon silang lahat sa akin. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nina Nick at Rex habang hindi ko naman mabasa ang ekspresyon ni Gabriel, pero sigurado akong wala itong pakialam sa akin.
"Sigurado ka, bro?" Nag-aalalang tanong ni Rex, tumango-tango lang ako sa kanya at naglakad na palapit kay Gabriel.
"Remember what I told you, Zie." Sambit sa akin ni Gabriel at ibinigay ang hawak na baril, tumango lang ako sa kanya at muling naglakad patungo sa shooting range.
Sinunod ko ang lahat ng sinabi ni Gabriel kung paano gamitin ang baril at makalipas ang ilang segundo ay itinutok ko na ang hawak kong baril sa shooting target, nakalagay ang aking isang daliri sa trigger ng baril. Hindi ko mapigilang pagpawisan habang pinapakalma ang aking sarili, nagdadalawang-isip kasi ako kung kakalabitin ko ba ang gantilyo ng baril.
"Fvck!" Mura ko sa aking sarili, bakit ba sobrang nahihirapan akong gawin ito?
It's been almost a decade, a fvcking decade.
Huminga muna ako ng malalim at nagsimulang magbilang.
One.
Two.
Three.
Dahan-dahan kong kinalabit ang gantilyo ng baril at ilang segundo lang ay muli ko na namang narinig ang nakakabinging tunog nang pagputok ng baril na hawak ko, biglang nanlaki ang aking mata nang tingnan ko ang shooting target at makitang tinamaan ko ito sa kanyang noo. Parang biglang nagbalik sa aking alaala ang bangungot na nangyari sa akin ilang taon na ang nakalipas.
Bigla kong nabitawan ang hawak kong baril at napakapit na lamang sa aking dibdib, nahihirapan na akong huminga.
"Mom?" Hindi ako makapaniwala sa aking nakita, she was there lying on the cold hard ground, wala ng buhay habang nagkakagulo ang mga tao sa aking paligid.
"Zie!" Dinig kong may tumawag sa aking pangalan pero hindi ko na alam kung sino iyon, biglang nawalan ng lakas ang aking paa at mapaluhod na lamang ako.
"I'm so s-sorry, I didn't mean it." Sambit ko sa aking sarili at mabilis na humihinga.
"Hey, Zie! Look at me." Muli kong narinig na may tumawag sa aking pangalan, bigla ko na lamang nakita si Rex sa aking harapan. He was looking at me with disgust, sinisigaw-sigawan niya ako na para ba akong isang kriminal.
"Hindi ko sinasadya, Rex. I didn't mean it." Depensa ko sa aking sarili at hindi na mapigilan pang maiyak.
"Yeah! It was just an accident, Zie." Sambit sa akin ni Rex at hinaplos-haplos nito ang aking likod.
"Follow my lead, Zie. Breathe in." Utos sa akin ni Rex na agad ko namang sinunod.
"Breath out." Muling sambit nito at nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.
Hindi ko na mabilang kung ilang inhale at exhale ang pinagawa nito sa akin hanggang sa mamalayan ko na lamang na bumabalik na sa normal ang aking paghinga.
"I think we're done for today, let's go back to the mansion." Sambit ni Rex at inalalayan akong makatayo. Nakita ko si Gabriel na pinulot ang baril na nabitawan ko kanina habang si Nick naman ay nakatingin lang sa akin na para bang nagtataka ito sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
"What the fvck just happened?" Nagtatakang tanong ni Nick pero wala itong nakuhang sagot mula sa amin.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
RomanceZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...