Bonus Chapter: Ashton Part 2

1.6K 60 11
                                    

Ashton

Halos mag-iisang oras na ata akong nakaupo lang sa may sofa, wala akong ganang gumalaw dahil medyo napagod din ako sa kakaiyak dahil lang sa sinabi ni Zuck sa akin, hindi ko alam kung bakit sa lahat ng masasakit na salitang sinabi niya sa akin mula nang dumating ako rito sa kanilang bahay, iyong sinabi niya sa akin kanina ang pinakamasakit na kung tutuosin ay pawang katotohanan naman ang sinabi nito at hindi panghahamak sa aking pagkatao.

"This is my life now." Bulong ko sa aking sarili, alam kong kahit na gusto kong bumalik sa normal kong buhay ay napaka-imposible na nito, isa pa ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula kung sakaling sundin ko ang sinabi ni Zuck.

Nanatili akong nakaupo sa may sofa ng bigla akong makarinig ng sunod-sunod na tunog na parang may nababasag. Awtomatiko akong napatayo at napakunot na lamang ang aking noo habang sinusubukan kong alamin kung saan nanggagaling ang malakas na tunog na iyon.

"Zuck?" Pagtawag ko sa pangalan nito dahil ito lang naman ang kasama ko ngayon dito sa bahay, pinauwi ni Luciano ang lahat ng kanilang maids at ang narito lang ay ang mga guards at ang hardinero na sigurado akong nasa labas ng bahay.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa may kitchen, mukhang doon kasi nanggagaling ang tunog nang pagkabasag. Napamura na lamang ako nang pagpasok ko sa may kitchen ay nagkalat na ang bubog ng mga bote ng alak at mukhang mayroon ding bubog ng baso, pero ang kumuha talaga sa atensyon ko ay ang katawan ni Zuck na nakahiga na sa malamig na sahig habang dala-dala ang isang bote ng alak at tinutungga iyon.

"What the fvck happened to you, Zuck?" Tanong ko rito pero hindi ko alam kung naririnig pa ako nito dahil mukhang lasing na lasing na ito base na rin sa mga bote ng alak na nagkalat sa sahig.

Puta! Isang oras lang ang lumipas tapos lasing na lasing na ito. Napailing-iling na lamang ako habang lumalapit kay Zuck.

"Zuck! Tama na nga iyang pag-inom mo." Sambit ko rito at inagaw ang kanyang hawak na bote.

"A-Ashton?" Tawag nito sa aking pangalan, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba sa tuwing tatawagin niya ako sa aking pangalan dahil sobrang bihira niya lang naman ako kung tawagin sa aking pangalan, kadalasan kasi sa tinatawag niya sa akin ay slut, whore, wanton, pakantot, putangina at kung anu-ano pa na sa sobrang dami ay nakalimutan ko na ang iba. Not that I care though.

"Hick! Is it al-already new y-yearsh?" Tanong sa akin ni Zuck na nauutal dahil sa sobrang kalasingan, sinubukan nitong bumangon pero sa tuwing sinusubukan niyang iangat ang kanyang ulo ay bumabalik lang siya sa pagkakahiga.

"Malapit na mag new year kaya kailangan mo nang mahimasmasan at baka buong taon kang lasing nito." Tugon ko sa kanya at tinampal-tampal ang kanyang pisngi para kunin ang atensyon nito pero mukhang hindi na ata ito nakakaramdam.

"Tulungan na kita, Zuck." Sambit ko rito at tinulungan ito na makatayo, madali lang naman sa akin na ibangon ang mala-higanting katawan nito dahil sanay na naman akong magbuhat ng mga mabibigat. Hinawakan ko ang kamay ni Zuck at ipinulupot ito sa aking balikat habang ang isang kamay ko naman ay nakasuporta sa kanyang likod para tulungan itong hindi matumba.

Dahan-dahan ang paglalakad namin palabas sa may kitchen, huminga muna ako ng malalim nang makarating kami sa mataas na hagdan patungo sa second floor kung saan naroon ang kwarto ng magkakapatid.

"Huwag ka masyadong magpabigat, Zuck." Sambit ko rito at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya at nagsimula nang maglakad sa hagdan. Mabuti na lamang at nairaos ko itong iakyat sa hagdan na hindi kami natutumba dahil kapag nangyari 'yon, iiwan ko talaga ito sa hagdan.

"Nasaan nga ba iyong kwarto mo, Zuck?" Tanong ko rito at tinampal-tampal ang kanyang pisngi, hindi ko matandaan ang kwarto nito dahil pare-pareho lang kasi ang disenyo ng mga pintuan sa kanilang kwarto.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon