Zie
*one month later*
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Nick na pupungas-pungas pa ang mata dahil talagang sinadya ko itong gisingin ng maaga.
"Come on, let's have a coffee outside." Sambit ko sa kanya at hinila ang kanyang katawan hanggang sa makatayo ito, agad kong hinalik-halikan ang kanyang pisngi at mahigpit na niyakap ang katawan nito. Dinig ko ang mahinang paghalinghing nito dahil sa paghalik ko sa kanyang pisngi.
"Ano na namang pumasok sa isip mo at gusto mo na namang mag-coffee outside? You're not a morning person." Reklamo ni Nick at naglakad patungo sa banyo habang ako ay nakasunod lamang sa kanya. Agad itong naghilamos at nag-toothbrush pagkapasok nito sa banyo, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood itong gawin ang kanyang morning routine.
"I just feel that today will be a good day, so I want to start it by getting a coffee and as my boyfriend, you are obliged to accompany me." Sambit ko sa kanya na nakangisi dahilan para mahinto si Nick sa pagsisipilyo, nagmumog muna ito at pagkatapos ay lumingon sa akin.
"You know that I don't like coffee right?" Sambit nito at tinaasan ako ng kilay pero nagkibit-balikat lamang ako sa kanya.
"It doesn't mean you can't have coffee today, just for today." Tugon ko kay Nick at nag-pout dahilan para matawa ito, alam kong hindi effective ang pagpapa-cute ko sa kanya pero alam ko namang hindi niya ako matitiis at hindi ako titigil hanggang sa hindi ito pumayag sa gusto ko.
"Sinabi mo na rin sa akin 'yan nang nakaraang araw, Zie. But okay, we can have a coffee and walk outside, malakas ka yata sa akin." Sambit ni Nick at muling bumalik sa pagsisipilyo, hindi ko mapigilang mas lalo pang lumawak ang ngiti sa aking labi. Lumapit ako kay Nick at niyakap ito mula sa kanyang likuran.
"Thank you!" Sinsero kong sambit kay Nick at inamoy-amoy ang kanyang leeg na sobrang nakakaadik ang bango.
"Nakikiliti ako, Zie." Reklamo ni Nick pero wala naman itong ginawa para paalisin ako kaya ipinagpatuloy ko lamang ang aking ginagawa hanggang sa matapos ito sa pagsisipilyo.
Pagkalabas namin sa banyo ay agad na nagbihis si Nick habang ako ay kinuha ang aking wallet at isinuksok sa aking bulsa.
"Let's go." Pagyaya ko rito at tumango lang si Nick bilang tugon, hinawakan ko ang kanyang kamay habang palabas kami sa penthouse.
Hindi pa gaanong maliwanag ang paligid habang nilalakad namin ni Nick ang pinakamalapit na cafe dito sa subdivision.
"This isn't bad after all, sobrang serene ng paligid na pinapakalma nito ang pakiramdam ko." Sambit ni Nick dahilan para mapangiti ako, inakbayan ko ito at sumabay sa kanyang paglalakad.
Isa ito sa dahilan kung bakit gusto ko ang lumabas sa penthouse ng sobrang aga, dahil wala pang mga sasakyan sa daan, sobrang tahimik ng paligid na talagang makakapag-isip ka ng maayos kung sakali mang may gumugulo sa isipan mo at malamig ang hangin na dumadampi sa aking katawan na sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay nagpapakalma sa akin.
Nang makarating kami sa cafe ay agad akong um-order ng dalawang cup ng kape at apat na piraso ng donut. Ilang minuto lang ang hinintay namin ni Nick at nakuha rin naman ang aming order kaya agad din kaming lumabas sa cafe at muling naglakad patungo sa usual spot namin kapag naglalakad kami ng ganito kaaga.
Ibinigay ko kay Nick ang isang cup ng coffee at inabot ko rin sa kanya ang isang piraso ng donut, tahimik lang kaming naglalakad habang umiinom ng kanya-kanya naming kape.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad at halos maubos ko na rin ang aking kape ay nakarating din kami ni Nick sa usual spot namin.
The Garden of Eden, isa itong malaking garden na puno ng ibat-ibang klase ng bulaklak, maihahalintulad ito sa isang parke dahil may mga bench kung saan pwede kang umupo at magpahinga, mayroon ding mga damo kung nais mo namang mahiga. Malinis ang buong paligid dahil exclusive lamang ang lugar na ito sa mga naninirahan sa subdivision at wala masyadong pumupunta rito kaya kapag gusto kong mapag-isa paminsan-minsan ay dito ako pumupunta.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
RomanceZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...