32: Father and Son

1.6K 46 18
                                    

Zie

Nakapiring ang aking mga mata kaya wala akong maaninag, hindi ko na rin alam kung nasaan si Nick dahil pinaghiwalay kami ni Brandon kanina pagkapasok sa loob ng sasakyan. Hindi ko rin alam kung saan kami dadalhin ni Brandon.

"Take off my blindfold, Brandon." Utos ko sa kanya nang maramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin narinig na nagsalita si Nick kaya nagsisimula na akong kabahan.

"Sadly, you're not the one in charge here, Zie." Tugon naman ni Brandon at sigurado akong sa pagkakataong ito ay malawak ang ngisi nito sa kanyang labi.

"What do you want from us?" Tanong ko kay Brandon pero lumipas ang ilang minuto at hindi na ito tumugon sa aking tanong.

"Nick?" Tawag ko sa kanyang pangalan, gusto kong malaman kung nandito rin ba siya sa loob ng sasakyan kasama ko.

"Puta! Magsalita ka naman, Nick." Mura ko at hindi na mapigilang pang pagtaasan ito ng boses. Pero kagaya kanina ay wala pa rin akong nakuhang tugon mula sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan at narinig ko ang pagbukas ng pintuan, naramdaman ko na lamang na may humablot sa akin at marahas akong hinila palabas sa loob ng sasakyan.

"Fvck you!" Malutong kong mura sa kung sino man ang marahas na humila sa akin, dinig ko ang pagak na pagtawa ng lalaki pero hindi ko alam kung sino iyon. Hila-hila ako ng lalaki habang naglalakad, halos magkandatalisod-lisod na ako dahil mahigpit ang pagkakapiring sa aking mata at puro madilim lang talaga ang aking nakikita. Narinig ko ang muling pagbukas ng pintuan pero sa pagkakataong ito ay alam kong hindi iyon pintuan ng sasakyan.

"Putangina!" Muli kong mura nang hilahin na naman ako ng lalaki at makalipas ang ilang segundo ay sapilitan niya akong pinaupo sa isang bakal na upuan kaya ramdam na ramdam ko ang ginaw, ngayon ko lang naalala na tanging boxer brief lang pala ang suot ko at tanging basang boxer lang din ang suot ni Nick, hindi na kami nakapagbihis pa dahil sapilitan na kaming pinasakay ni Brandon sa kanyang sasakyan.

Napabuga na lamang ako ng isang malalim na hininga at pinakiramdaman ang aking paligid, mukhang iniwan na ako rito ng lalaki.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa aking direksyon. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay unti-unti akong nakaramdam ng kaba.

"Fvck!" Mura ko nang marahas na tinanggal ng kung sino man ang aking blindfold habang aking kamay ay nakatali pa rin. Nang imulat ko ang aking mata ay wala akong makita kaya muli akong pumikit at makalipas ang ilang segundo ay dahan-dahan kong muling iminulat ang aking mata.

"What the fvck?" Sambit ko nang makita ko sa aking harapan si Nick, may tape sa labi nito kaya hindi ito makapagsalita, kaya siguro hindi ito makatugon nang tawagin ko ang pangalan niya kanina kasi binusalan ni Brandon ang kanyang labi. Sa aking gilid naman ay naroon sina Rex at Gabriel na kagaya ko ay wala na ring piring sa mata pero nakatali ang mga kamay sa bakal na upuan.

Pero ang mas lalo pang nagpagulat sa akin ay nang makita ko ang taong kinamumuhian ko, ang taong kahit na sa hinagap ay hindi ko ninais na makitang muli. Nag-igting ang aking panga pagkakita sa kanya, lalo nang makita ang mapang-uyam na ngisi sa kanyang mga labi.

"How are you my child?" Tanong sa akin ni Luciano na puno ng sarkasmo ang tono ng boses, ibinaling ko kay Nick ang aking tingin, ayokong tingnan ang mukha ni Luciano.

"What the fvck do you want from us, Luciano? Bakit kami nandito ni Rex?" Galit na tanong ni Gabriel, sinubukan nitong kalasin ang tali sa kamay pero sobrang higpit nito at kahit na gaano pa siya kalakas ay sigurado akong hindi siya makakawala sa mahigpit na pagkakatali.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon