Zie
Kinabukasan pagkarating ko sa skwelahan ay hindi muna ako bumaba sa aking sasakyan, hawak-hawak ko ang aking cellphone at hinihintay ang resulta ng exam kahapon. Kahit na si Chino ang sumagot sa exam ko ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan at mag-alala, bigla ko kasing naisip na paano kung ginagantihan pala ako ni Chino sa pag-aangas ko sa kanya at puro mali ang sinagot niya sa questionnaire ko? Tangina! Kapag hindi ako pumasa rito ay talagang hahanapin ko si Chino para bugbugin.
Muli kong tiningnan ang oras, sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na kanina pa pala naka-post ang result ng exam. Agad kong binuksan ang university app sa aking cellphone at tiningnan ang results, hindi na ako nag-abala pang tingnan ang mga topnotchers dahil sigurado naman akong wala ako sa listahan, dumiretso ako sa baba at hinanap ang aking pangalan, madali lang namang hanapin ang mga pangalan namin dahil naka alphabetical order naman ito. Habang hinahanap ko ang aking pangalan ay bigla na lamang akong pinaghinaan ng loob nang hindi ko makita ang aking pangalan, isa lang ang ibig sabihin nito, bumagsak ako sa exam.
"Tangina mo, Chino." Mariing mura ko at sinuntok ang manibela ng aking sasakyan. Muli kong tiningnan ang aking cellphone at hinanap ang pangalan ni Chino sa listahan ng mga topnotchers dahil sigurado akong naroon ang pangalan niya dahil kung tama ang pagkakaalala ko ay skolar ito ng paaralan.
Habang hinahanap ko ang pangalan ni Chino ay bigla na lamang nanlaki ang aking mata nang makita ko ang aking pangalan sa listahan ng mga topnotchers. Napakurap ako at zinoom-in ang screen para tingnan kung pangalan ko nga ang nakalagay doon, para kasi akong namamalikmata sa aking nakita.
Pero kahit na ilang ulit kong i-zoom ang screen, talagang pangalan ko ang nakalagay sa listahan. Napabuga na lamang ako ng aking hininga sa sobrang pagkagulat.
"Tangina! Sinong maniniwala na nag-top 1 ako sa differential equation exam namin?" Tanong ko sa aking sarili, hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya o mangamba dahil tanging ako lang ang nakakuha ng perfect score sa exam, sumunod sa akin si Chino na may markang 97.4%. Gusto kong magsaya dahil sa markang nakuha ko pero nangangamba ako na baka hindi maniwala ang propesor sa aking score at ipaulit niya sa akin ang exam.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatanga lamang sa loob ng aking sasakyan, bigla akong nawalan ng lakas na bumaba sa aking sasakyan. Nagbalik lamang ang aking ulirat nang sunod-sunod akong nakarinig nang pagkatok sa bintana ng aking sasakyan. Agad kong ibinaba ang bintana sa aking sasakyan at bumungad sa aking harapan ang nakangising si Chino.
"Congrats sa pagiging top 1, pare." Nakangising sambit ni Chino pero imbes na gantihan ito ng ngisi ay itinaas ko lamang ang aking kamay at isinaludo sa kanya ang aking middle finger.
"Fvck naman, Chino. Sinong maniniwala sa akin na nag-top 1? Sana naman ay pinaabot mo lang iyon ng passing grade." Reklamo ko at inismiran ito, tinaasan naman ako ng kilay ni Chino at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Totoo ka ba, pare? Sobrang choosy mo naman, ikaw na nga ang tinulungan. Tsaka huwag kang mag-alala, hindi ipapaulit sa'yo ang exam." Tugon ni Chino.
"Dapat lang, dahil kapag pinaulit nila sa akin ang exam, hindi ka na sisikatan ng araw." Pagbabanta ko sa kanya pero imbes na matakot ay bigla lang na natawa si Chino.
"Tsk! Well, this calls for a celebration, inom tayo?" Tanong sa akin ni Chino.
"May klase pa ako." Pagtanggi ko sa kanya pero inismiran lamang ako nito.
"No classes today, rest day ngayon dahil sa madugong exam kahapon." Sambit ni Chino at mukhang pursigido talagang yayain akong uminom kahit na umaga pa at tirik na tirik pa ang araw.
"Your car or mine?" Tanong ko rito para lang inisin ito. Agad na napasimangot si Chino na ikinangisi ko naman.
"Pakyo ka! Nang-aasar pa eh! Siyempre kotse mo, unless gusto mong maglakad o sumakay ng jeep." Naiinis na tugon ni Chino, hindi ko mapigilang matawa dahil sa pagkapikon nito sa akin. Binuksan ko ang kabilang pintuan ng sasakyan at sumenyas kay Chino na sumakay na ito. Agad kong pinaharurot ng takbo ang aking sasakyan pagkapasok ni Chino sa loob.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
RomanceZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...