Zie
It's been three days mula nang huli kong makita si Chino, hindi ko na rin ito nakita sa university dahil hindi naman kami magkaklase. Not that I care though, pero nakokonsensya lang kasi ako dahil hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap, gusto ko sanang humingi ng paumanhin dito pero pinangunahan ako ng pride kaya naman tahimik lang kami habang hinahatid ko ito patungo sa kanyang apartment na tinutuluyan.
"Fvck! Bakit ko ba iniisip ang putang iyon?" Mahinang sambit ko sa aking sarili.
"Sino ang puta, kuya Zie?" Biglang tanong sa akin ni Zuck, muntik ko nang makalimutan na kasama ko pala sila rito sa loob ng sasakyan. Wala akong klase every Wednesday pero kailangan kong ihatid ang mga kapatid ko sa school.
"Kuya, hindi pa ba tayo aalis? Malapit na akong ma-late sa unang subject ko." Tanong naman ni Zach, napabuga na lamang ako ng malalim na hininga at binuhay ang makina ng sasakyan, walang pasabi na pinaharurot ko ng takbo ang sasakyan at tiningnan lamang ako ni Zuck at Zach ng may pagtataka habang si Zeke naman ay abala sa paglalaro sa kanyang cellphone.
Pagkarating sa school ay mabilis na lumabas ng sasakyan sina Zuck at Zach, tanging si Zeke lamang ang nagpaalam sa akin.
Nang mapag-isa na ako sa loob ng kotse ay bigla akong naka-isip ng isang ideya, mabilis kong pinatakbo ang kotse patungo sa McDonald at um-order ako ng dalawang chicken fillet, spaghetti at Coke Float. Pagkabigay sa akin nang order ko ay muli kong pinaharurot ng takbo ang aking kotse.
Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa tapat na ng pintuan sa apartment ni Chino, bigla akong nagdalawang-isip kung itutuloy ko ba ang binabalak ko pero huli na para umatras dahil biglang bumukas ang pintuan sa apartment ni Chino. Agad akong napakunot noo nang makita sa aking harapan ang isang may edad nang babae pero halata sa pananamit at mga alahas sa katawan nito na mayaman ito.
Bigla ako nitong tiningnan mula ulo hanggang paa at ngumisi ng maloko sa akin.
"Tsk! So this is why you want me to go home already, Chino? You have another client." Sambit ng babae na mas lalo pang ikinakunot ng aking noo. What the fvck is she talking about? I am not Chino's client, I will never be.
Ilang sandali pa ay lumabas si Chino mula sa bathroom na walang saplot, may hawak itong isang tuwalya na ipinapahid niya sa kanyang pawis sa katawan. Hindi ko alam pero bigla akong napalunok nang makita ang semi-erect na alaga ni Chino, halatang nagulat ito nang makita ako sa may pintuan dahilan para mapahinto ito sa pagpupunas at parang hindi nito alam ang gagawin.
"Well, can you give Chino an hour to relax? Medyo napagod kasi siya sa ginawa namin kaya baka hindi niya maibigay sa'yo ang best performance niya kapag nagsimula kayo agad." Sambit ng babae na malawak ang ngisi sa labi at tuluyan na itong lumabas sa apartment ni Chino, ni hindi ko man lang nasabi rito na hindi ako kliyente ni Chino.
"Z-Zie? Anong ginagawa mo rito?" Tanong sa akin ni Chino, napalunok ako ng laway dahil sa pagbanggit niya sa aking pangalan, ito ang unang beses na tinawag niya ako sa aking pangalan dahil kadalasan sa tawag niya sa akin ay bro or dude. Nang tingnan ko si Chino ay nakapulupot na sa bewang nito ang tuwalya.
"Um, I brought a chicken fillet, spaghetti and coke float." Sambit ko at kahit na hindi niya ako iniimbitahan ay kusa na akong pumasok sa loob ng kanyang apartment at agad isinarado ang pintuan.
"Bakit? Anong okasyon? Na-celebrate na naman natin ang pag-top mo sa exam ha?" Tanong ni Chino at nagtungo ito sa kanyang cabinet, humugot ito roon ng isang puting boxer brief at isang puting sando. Nakatingin lamang ako sa kanya habang nagbibihis siya.
"Hoy! Kako anong okasyon?" Sambit nito matapos maisuot ang kanyang sando.
"Wala! Sige alis na ako." Sambit ko at inilapag ang dala kong pagkain sa kanyang mini table, nang aktong lalabas na ako ay bigla ako nitong hinawakan sa aking braso dahilan para pagtaasan ko ito ng kilay.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
Storie d'amoreZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...