Zie
Malakas ang kabog ng aking puso, panay ang tingin ko sa relo na nakakapit sa aking kanang kamay. Kanina pa ako naghihintay kay Nick na pumasok sa kwarto ko pero ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumubukas ang pintuan sa aking kwarto.
"Where the fvck are you, Nick?" Bulong ko sa aking sarili at isinuot ang aking sweater dahil alam kong sobrang lamig na ngayon sa labas. Tanging isang maliit na bag lamang ang aking dala kung saan naroon ang ilang pares ng damit, mga ATM cards at cash money ko. Hindi na ako nag-abala pang dalhin lahat ng gamit ko dahil siguradong makakasagabal lang ito sa plano namin ni Nick.
Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at agad na tinipa ang numero ni Nick, ilang sandali pa ay nag-ring ang cellphone nito pero hindi ito sumasagot.
"Puta naman, Nick! Pick up the phone." Mura ko sa aking sarili at nang makailang ulit na akong tawag sa kanyang cellphone at hindi pa rin ito sumasagot ay nagdesisyon na akong puntahan ito sa kanyang kwarto. Isinukbit ko ang aking bag at akmang lalabas na sa kwarto nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok sa loob ng aking kwarto si Nick na nakabihis na rin at tanging maliit na sling bag lang ang dala.
"Fvck! You're making me nervous, Nick. Akala ko hindi mo na ako sisiputin." Sambit ko sa kanya at patakbo itong nilapitan. Mahigpit ko itong niyakap pagkatapos ko itong halikan sa kanyang labi.
"Sorry, kinakabahan lang talaga ako rito sa pinaplano natin." Tugon naman ni Nick, ramdam ko sa tono ng boses nito ang pag-aalala kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya para iparating sa kanya na magiging okay lang ang lahat.
"I'll always be with you no matter what happens, Nick." Bulong ko sa kanya at tumango-tango lang ito bilang tugon.
"Is everything set with you? We need to get out of this place as soon as possible." Sambit ko kay Nick at pinakawalan na ang katawan nito mula sa pagkakayakap.
"Yeah! You told me not to carry all my belongings." Tugon naman nito.
"Yeah! We'll just buy brand new clothes when we get there." Sambit ko naman rito at inakbayan ito sa kanyang balikat. Niyaya ko na ito palabas sa aking kwarto.
Tahimik lamang ang pasilyo sa mansion ni Gabriel habang marahan kaming naglalakad palabas.
Nang marating namin ang living room ay hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil nakapatay ang ilaw sa buong paligid, sa sobrang dilim ay hindi ko na makita pa ang daan palabas sa mansion kaya naman hinugot ko ang aking cellphone sa loob ng aking bulsa at akmang bubuksan ko na ang flashlight sa aking cellphone ng biglang bumukas ang ilaw sa buong living room.
Kapwa kami natigilan ni Nick pagkakita sa pigura nina Rex at Gabriel na nakaupo sa may sofa paharap sa amin, kita ko ang pagtataka sa mga mukha nila. Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway lalo nang makita ko ang unti-unting pagbabago sa ekspresyon ni Rex, hindi naman ito tanga para hindi makakutob kung ano ang binabalak namin ni Nick.
"Where are you going guys? Sobrang aga niyo naman ata para sa training ngayong araw?" Tanong ni Rex na hindi ko mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"We're leaving." Matapang kong sagot at hinawakan ang kamay ni Nick na nanginginig na dahil sa kaba at takot.
"Leaving? What kind of leaving? Iyong babalik pa o iyong hindi na?" Nakataas ang kilay na tanong ni Rex, tumayo ito mula sa sofa at dahan-dahang lumapit sa amin habang si Gabriel ay nanatiling nakaupo lamang at parang walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
"We're leaving, Rex." Ang tanging itinugon ko kay Rex at alam kong nakuha na nito kung ano ang ibig kong sabihin.
"Are you out of your mind, Zie? This is not Ashton, he is Nick, Ashton's twin brother." Sambit ni Rex na halatang nagsisismula nang magalit dahil sa pagtataas nito ng boses.

BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
RomanceZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...