13: Seeking Chances

1.6K 45 2
                                    

Rex

"I'm sorry, I've been overly dramatic these past few days." Sambit ko kay Gabriel at agad na humiwalay sa pagkakayakap dito, ramdam ko na ayaw pa akong bitawan ni Gabriel pero wala itong nagawa ng mahina ko itong itulak palayo sa akin.

"Stop saying sorry, babe, there's nothing wrong with being overly dramatic." Tugon naman ni Gabriel pero tinaasan ko lamang ito ng kilay.

"It doesn't suit my reputation." Sambit ko at tinalikuran na si Gabriel at nagsimula nang maglakad patungo sa may ubasan.

"You know that you can always be yourself whenever you're with me, babe." Sambit ni Gabriel at hindi ko mapigilang bahagyang mapangiti pagkarinig sa sinabi niya. Kahit hindi nito sabihin alam kong hindi ako mahihiya na ipakita sa kanya ang totoong ako, hindi dahil sa may nakaraan kami kundi dahil sobrang komportable ko lang sa tuwing kasama ko siya.

"Thanks, Gab." Sinsero kong sambit at lumingon sa kanya habang patuloy pa rin sa paglalakad sa maputik na daan.

"Look at your way!" Biglang sambit ni Gabriel na nanlaki ang mata sa hindi ko malamang kadahilanan, nang tingnan ko ang aking harapan ay huli na dahil sa bilis ng mga pangyayari, bigla akong nadulas dahil maputik na daan at wala akong ibang mahawakan kaya ang nangyari ay lumagapak ako sa putikan.

"Fvck! Fvck! Fvck!" Sunod-sunod na pagmumura ko sa aking sarili nang makaramdan ng sakit sa aking pwet, ramdam ko rin na parang pumasok ang putik sa suot kong jeans.

"Hey! Calm down, let me help you." Sambit ni Gabriel at inilahad ang kanyang kamay at walang pagdadalawang-isip na tinanggap ko iyon, mabuti nalang at hindi ito nandire nang dumikit ang aking maputik na palad sa kanyang palad. Humugot muna ako ng lakas at sinubukang tumayo sa tulong ni Gabriel. Pero sa kamalas-malasan ay muli na namang nadulas ang aking paa at hindi sunasadyang nasipa ko si Gabriel dahilan para mawalan din ito ng balanse at matumba sa aking ibabaw.

Bigla akong natigilan nang napagtantong ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha namin ni Gabriel, sobrang magkadikit din ang katawan namin na nararamdaman ko talaga sa aking binti ang tumitibok nitong alaga.

"Fvck! I'm so sorry, Gab." Hinging paumanhin ko at marahang itinulak si Gabriel dahil baka kung saan pa umabot ang pagtititigan namin kapag nagtagal.

"It's okay." Tanging tugon lamang ni Gabriel at tumayo, tinulungan na rin ako nitong makatayo.

"Sobrang putik mo, babe, umabot hanggang sa buhok mo." Komento ni Ganriel dahilan para agad kong hawakan ang aking buhok at totoo nga ang sinasabi nito, parang buong likod ko ay napuno ng putik.

"Well, at least I'm not wearing a white jeans right now." Sambit ko na pinaparinggan si Gabriel na puno na rin ng putik ang maputi nitong jeans. Hindi ko mapigilang mahinang matawa pagkakita sa nakasimangot nitong mukha.

"Tsk, I can always buy another jeans." Tugon nito at sinubukang alisin ang mga putik sa suot nitong jeans.

"Yabang mo talaga." Komento ko.

"Well, paano ba 'to? Siguro hindi na matutuloy ang pag-ani natin sa mga ubas? Puno na tayo ng putik." Sambit ko kay Gabriel dahilan para bigla itong malalim na mapaisip, alam kong isa ito sa mga hilig niya, ang mamitas ng mga prutas dito sa Hacienda niya.

"We can always go back here some other day. Let's clean ourselves first, may malapit na poso rito." Sambit ni Gabriel at tumango lang ako bilang tugon sa kanya, alam ko kung saan ang posong sinasabi nito dahil naabutan ko pa ito nang nandito ako noon, ito iyong poso ng mga tauhan ni Gabriel sa rantso kung saan sila naglilinis sa kanilang mga katawan.

"I can't believe that nothing has changed in this place, parang kagaya pa rin ito ng dati." Sambit ko at nagsimula na kaming maglakad.

"This place is the only place that reminds me of you, I wouldn't change anything in this paradise." Tugon naman ni Gabriel dahilan para mapalunok ako ng laway nang maramdamang bumibilis ang tibok ng aking puso dahil sa kanyang sinabi.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon