41: Flashback Part 8

1.5K 39 0
                                        

Zie

It's been three days simula nang mag-stay ako rito sa apartment ni Chino pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang ginawa ni mommy sa akin, hindi ko alam kung bakit kahit na anong pilit kong gawin ay hindi ko pa rin makalimutan iyon, pati sa pagtulog ay hindi ako nilulubayan ng mga pangyayaring iyon. Alam kong nakakahalata na si Chino sa akin, sabi nga nito sa akin kahapon na naninibago raw ito dahil sa hindi na raw ako nag-aangas sa kanya.

Nakaupo lamang ako sa sofa nang hapong iyon nang bumukas ang pintuan sa apartment at pumasok sa loob si Chino.

"Hindi ka na naman pumasok?" Tanong sa akin ni Chino at umiling-iling lang ako bilang tugon sa kanya, kita ko ang pagsimangot nito at dumiretso sa kanyang closet para magbihis.

Fvck! This is so frustrating. Gusto kong pumasok sa paaralan, gusto kong lumabas dito sa apartment ni Chino, gusto kong magtungo sa mall ngunit hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagbibihis na ako para umalis ay tila tinatablan ako ng hiya at napa-paranoid ako na paano kung pinagbubulungan ako ng mga tao kahit na hindi naman nila alam kung ano ang nangyari sa akin.

This is not so fvcking me! Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko noon pero ngayon ay halos mabaliw na ako sa sobrang pag-iisip. This is not healthy anymore.

"C-Chino." Pagtawag ko sa pangalan nito, agad na napahinto si Chino sa pagbibihis, tanging boxer palang nito ang naisusuot nito.

"I want you to kiss me." Utos ko sa kanya dahilan para mapakunot ang noo nito, alam kong hindi nito inaasahan ang utos ko pero wala naman itong magawa dahil binabayaran ko siya.

"Why so suddenly?" Takang tanong ni Chino. Napabuga na lamang ako ng malalim na hininga at nakipagtitigan kay Chino.

"Just fucking come here and kiss me." Inis kong sambit kay Chino at bigla itong napangisi.

"Ayan! Ganyan ang nakasanayan kong Zie, maangas at mahilig magmura." Natatawang tugon ni Chino at mabilis itong naglakad palapit sa akin at bigla itong kumandong sa aking ibabaw, bigla akong nakaramdam ng pandidiri nang kumandong ito sa aking ibabaw, nanginginig ang aking kalamnan at nagsisimula na rin akong pagpawisan. Sunod-sunod ang ginawa kong paghugot ng malalim na hininga at mariing tinitigan ang mukha ni Chino.

'This is Chino on top of me and not my fvcking mother,' kausap ko sa aking sarili.

"Your lips is trembling, Zie." Komento ni Chino dahilan para mapalunok ako ng laway.

Humugot ako ng lakas ng loob at mabilis na siniil ng halik ang mga labi ni Chino, nang una ay hindi ito tumugon sa aking halik pero kalaunan ay binuksan na nito ang bibig at nakipaglaban sa pakipaghalikan sa akin.

It felt good, itinatak ko talaga sa aking isipan na si Chino ang kahalikan ko ngayon. Magaling humalik si Chino at talagang nakakadala. I never expected na ganito ang magiging response ko sa halikan namin, I really hate it when someone touch me but now I didn't feel anything but pleasure.

Mas lalo pang lumalim ang halikan namin ni Chino, sa pagkakataong ito ay sinubukan kong hawakan ang katawan ni Chino, ang kanyang maskuladong dibdib, ang kanyang matigas na braso.

"Fvck! Sobrang wild mo naman ngayon, Zie." Hinihingal na sambit ni Chino at malokong ngumisi sa akin. Hingal na hingal na rin ako pero hindi ko mapigilang makaramdam ng saya na kahit papaano ay nagagawa ko nang humawak kay Chino at makipaghalikan sa kanya.

"Wanna try another one?" Tanong ko kay Chino at muling sumilay ang malokong ngisi sa kanyang labi.

"Tangina! Alam mong ikaw ang unang lalaking nakahalikan ko, Zie. Nang una ay hindi ko alam kung masasarapan ba ako sa gagawin mo dahil sa totoo lang ay tinanggap ko lang naman ang alok mo dahil kailangan ko talaga ng pera. Pero ngayong nakahalikan na kita, puta pare, mukhang naadik na ata ako sa'yo." Mahabang sambit ni Chino at sa pagkakataong ito ay ito na mismo ang sumiil ng halik sa aking labi.

Daddy (Book 3) ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon