Zie
"Hey! Are you mad at me?" Tanong ko kay Nick, kanina ko pa kasi ito napapansin na sobrang tahimik niya at hindi ako komportable na ganito siya, sa tuwing magkasama kami ay hindi ito nauubusan ng kwento, he always makes me smile by his jokes and sweet talks pero ngayon ay hindi na ako nito pinapansin at parang umaakto ito na hindi niya ako kasama.
"Can you please stop pretending that everything is okay? Can you at least tell me what's going on your mind? Hindi ako manghuhula, Nick." Sambit ko sa kanya dahilan para mapatingin ito sa akin, hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon, hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o naiinis.
"Ang gago natin, Zie." Mariing sambit ni Nick dahilan para pagtaasan ko ito ng kilay.
"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya, mapakla itong ngumiti sa akin at pinahid ang luha na tumulo mula sa kanyang mata. Parang pinipiga ang aking puso sa tuwing nakikita itong umiiyak, gusto ko itong yakapin at punasan ang kanyang luha pero alam kong hindi iyon ang kailangan niya sa pagkakataong ito.
"Ang gago natin, ang selfish natin, we're fvcking heartless. Nang una, sumama ako sa'yo kasi akala ko everything will turn out okay eventually, hindi mo alam kung gaano ako nakokonsensya sa ginawa natin, Zie. We're supposed to save my twin brother and then we ended up running away. I just hope this will be all worth it, Zie." Sambit ni Nick at ipinikit nito ang kanyang mga mata habang patuloy na tumutulo ang kanyang luha. Itinuon ko ang aking tingin sa karagatan, hindi ko na kaya pang tingnan ang itsura ni Nick na umiiyak.
"My plan is not a perfect plan, Nick. Sa tingin mo ba hindi rin ako nakokonsensya sa tuwing sumasagi sa aking isipan si Ashton? I always blame myself for what happened to him. Ashton was nothing but a good partner to me and yet nagawa ko siyang ibenta, I've been blaming the alcohol and my tolerance kung bakit ko nagawa iyon but the truth is, ang gago ko lang talaga kaya ko nagawa iyon. Then instead of finding a way to get him back? All I did was clubbing and had séx with any men instead. And then this, I'm running away with his twin brother. Gago na kung gago, Nick, pero sa lahat ng ginawa ko, isa lang ang hinding-hindi ko pagsisisihan, itong nangyari sa atin." Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon ay hindi ko magawang tumingin kay Nick, ayokong tingnan ang kanyang ekspresyon.
"I'm so sorry for what happened to your brother, Nick. I know that Ashton won't forgive me anymore." Sambit ko kay Nick.
"So what will happen to us now?" Tanong ni Nick, nangahas akong makipagtitigan sa kanya.
"You already know the answer, Nick. I want you to stay with me, please stay with me." Sambit ko sa kanya, wala na akong pakialam kung para na akong nagmamakaawa sa kanya pero isa lang ang alam ko, ayokong iwanan ako ni Nick. I don't know if I can endure another heartbreak.
Fvck! Hindi ko alam kung bakit lahat na lang ng mga nagmamahal sa akin ay nasasaktan ko, intentional man o hindi.
"I'll stay with you, Zie." Tugon ni Nick dahilan para mapangiti ako, para akong nabunutan ng tinik sa aking puso nang marinig ko ang sinabi nito.
"Thank you, Nick." Sinsero kong sambit sa kanya at ipinulupot ang aking kamay sa kanyang bewang, ipinatong naman ni Nick ang kanyang ulo sa aking balikat.
"It's better to have companion in hell you know." Biro ni Nick dahilan para matawa kami, ginulo ko ang kanyang buhok at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Kung sa impyerno man ang patutunguhan namin ni Nick, siguro magiging masaya pa rin kami, kasi hanggang doon ay alam naming magkasama pa rin kami.
"Bumalik na tayo sa bahay, baka nilalamig ka na." Sambit ko kay Nick, tumango lang ito bilang tugon. Kinuha nito ang surf board pero agad ko ring kinuha iyon sa kanya at ako na ang nagdala habang naglalakad kami pabalik sa bahay nina Nile at Joe, hindi naman iyon kalayuan dito sa dagat kaya nagdesisyon kami ni Nick na maglakad na lang nang sabihin ni Nile na dalhin namin iyong sasakyan niya.
"On a second thoughts, this place is actually a good escape. Sobrang payapa at sariwa ng hangin, marami ring mga tourist spot malapit dito na pwede nating puntahan if ever we get bored in the house." Sambit ko kay Nick at inakbayan ito, kita ko ang pagngiti nito dahil sa aking sinabi and somehow it makes me smile also.
"I'll follow wherever you go, daddy. I think having you by my side is already enough for me." Nakangiting tugon naman ni Nick, mas lalo pang lumawak ang ngiti sa aking labi.
"Thank you, sorry for being too emotional awhile ago." Sambit ko at ginulo ang kanyang buhok, he loves it when I do that.
"It's okay, dad." Tugon ni Nick.
Halos limang minuto na rin kaming naglalakad hanggang sa marating namin ang bahay ni Nile, hindi ko mapigilang mapakunot-noo nang makitang may nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay nina Nile.
"Mukhang may bisita sila, mamaya na lang kaya tayo pumasok?" Tanong sa akin ni Nick pero nang tingnan ko ang nanginginig nitong katawan dahil basa ang suot nitong damit ay mariin akong umiling-iling.
"You need to change or else you'll catch a cold." Sambit ko sa kanya at iniwan ko ang surf board sa labas ng bahay. Tatlong beses muna akong kumatok sa pintuan at dahan-dahang ipinihit pabukas ang seradura.
"What the fvck?" Sambit ko at napalunok na lamang ng laway nang makita ang isang lalaking sobrang pamilyar sa akin, may hawak itong baril at nakatutok sa pwesto namin ni Nick, hinigpitan ko ang pagkakaakbay sa balikat ni Nick nang mapansing kinakabahan ito, kagaya ko ay mukhang gulat na gulat din ito sa nadatnan naming eksena. Hindi lang nag-iisa ang lalaki, may mga kasama ito na may hawak ding baril at nakatutok naman ito kina Nile at Joe na mukhang galit na galit.
"What the fvck are you doing here, Brandon?" Mapangahas kong tanong sa lalaking nasa harapan namin ni Nick. Ngumisi lamang si Brandon sa amin.
"Long time no see, Nick." Sambit nito dahilan para mapakunot ang aking noo at tinapunan ko ng tingin si Nick, kita ko ang paglunok nito ng laway.
"You know him?" Tanong ko kay Nick, hindi ito makatingin sa akin ng diretso sa hindi ko malamang kadahilanan.
"Save the confession later, we don't have time. I want you to start walking and get in the car if you don't want me to blow your heads." Sambit ni Brandon, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng galit.
Paano nakilala ni Nick si Brandon? Ngayon ko lang na-realize na marami pa pala kaming mga hindi alam sa isa't-isa.
"Hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko, you know me well Zie and Nick, I won't hesitate to pull the trigger so start walking now!" Mariing utos ni Brandon. Huminga ako ng malalim at nauna nang maglakad kay Nick patungo sa sasakyan. Kung paano nagkakilala si Nick at Brandon? I'll figure it out later.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
RomanceZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...