21: Getaway Car

1.3K 48 27
                                    

Zie

"I need your help, Zie. Someone took me on a yacht and now I'm in Mexico. Gusto ko nang umuwi, I don't want to be here." Sambit ni Ashton sa kabilang linya, halatang naiiyak na ito. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, muli ko na namang narinig ang kanyang boses.

"A-Ash? Ikaw ba talaga 'yan?" Tanong ko sa kabilang linya kahit na sigurado na naman akong siya talaga iyon. Agad na napatingin sa akin si Nick, hindi ko masyadong mabasa ang kanyang ekspresyon pero mukhang natatakot ito at kinakabahan.

"Yes. Please, help me get out of here. Tumakas lang ako kay Luciano, I don't want to be with him. I wanna go back home, with you." Sambit ni Ashton sa garalgal ang boses, mukhang kanina pa nito pinipigilan ang sarili na mapa-iyak.

"It's you. Fvck! S-Send me your location, baby. I'm going to get you, oh gosh, I miss you so much baby. I'm so sorry for what I did to you, baby." Sambit ko at hinintay na sumagot pero ilang segundo ang lumipas at wala akong marinig na tugon mula sa kabilang linya. Kunot-noong napatingin ako sa screen ng aking cellphone at napamura na lamang pagkakitang naputol na pala ang tawag.

Akmang tatawagan ko si Ashton pabalik nang biglang may humablot sa aking cellphone, nanlaki ang aking mata na napatingin kay Nick.

"What are you doing? It's your twin brother." Sambit ko rito at kukunin na sana pabalik ang aking cellphone nang umatras ito at ipinasok sa loob ng kanyang bulsa ang aking cellphone.

"I don't care." Matigas ang boses na tugon ni Nick.

"What are you talking, Nick? He told me that he escape Luciano, we have now a chance to get him back. Give me back my phone now." Sambit ko rito at dahan-dahang lumapit sa kanya. Mariing umiling-iling si Nick.

"Then what? Kapag bumalik na siya rito anong mangyayari sa atin? What will happen to me, Zie?" Tanong ni Nick dahilan para mapahinto ako sa paglapit sa kanya, kita ko ang pangamba at takot sa mukha nito habang tinatanong niya ako.

"Ano? Bakit hindi ka makapagsalita? I thought you want to start something new with me?" Tanong ni Nick na hindi na mapigilan pa ang sariling mapaiyak, para namang piniga ang aking puso pagkakita sa mukha nito na para bang pinagbagsakan siya ng sandamakmak na problema ng mundo.

Ngumiti ako kay Nick at hinigit ang katawan nito palapit sa akin. Nang ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mga labi ay agad kong siniil ito ng halik na agad namang tinugunan ni Nick. Tumigil lamang kami sa paghahalikan nang kapusin na kami ng hangin.

"I know you're scared, Nick. But I am not leaving you, we're still doing what we're planning to do." Sambit ko kay Nick dahilan para mapangiti ito.

"But I can't go on with our plan knowing that Ashton is in Mexico expecting some help from me. I want to start a new life with you but I want to prove Rex that I am not heartless." Sambit ko kay Nick.

"So you want to stay here?" Tanong ni Nick, ipinikit ko ang aking mga mata at malalim na nag-isip.

Dahan-dahan akong umiling kay Nick.

"No! I want you to give me my phone back, I'll give Ashton's number to Rex and I know that he can ask Gabriel for help. Kahit sa ganitong paraan man lang ay makatulong ako kay Ashton." Sambit ko kay Nick at mukhang nakumbinse ko naman ito sa gusto kong mangyari, kinuha nito ang aking cellphone sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin.

"Thank you, just wait for me here." Sambit ko kay Nick at hinalikan ito sa labi bago ako naglakad pabalik sa mansion. Mabuti na lamang at hindi pa nila nai-lock ang pintuan kaya agad akong nakapasok sa loob.

"R-Rex." Pagtawag ko sa atensyon ni Rex na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin kay Gabriel, hindi ko alam kung umiiyak pa ba ito dahil nakatalikod ito sa akin.

"What the fvck are you doing here? You've done too much trouble today, Zie. If you're leaving then leave already." Galit na sambit sa akin ni Gabriel dahilan para agad na mapatingin sa akin si Rex, bigla itong napasimangot pagkakita sa akin.

"Umalis ka na, Zie." Walang emosyon na sambit ni Rex dahilan para mapalunok ako ng laway.

"A-Ashton just called me, nakatakas siya kay Luciano." Imporma ko aa kanila dahilan para biglang mapatayo si Rex at lumapit sa akin.

"Fvck! Where is he? We need to help him, Zie." Sambit ni Rex na parang biglang nabuhayan dahil sa narinig.

"He's in Mexico, hindi ko alam ang eksaktong lokasyon niya dahil biglang naputol ang tawag but I got his number." Tugon ko kay Rex at ibinigay sa kanya ang aking cellphone kung saan naka-flash sa screen ang numero ni Ashton, agad na kinuha ni Rex ang kanyang cellphone at sinave ang numero ni Ashton.

"We're still leaving." Muli kong sambit pagkatapos nitong makopya ang numero ni Ashton, ibinalik ko sa aking bulsa ang aking cellphone.

"Wala ka na ba talagang pakialam kay Ashton? You're still leaving knowing that we have now a fat chance of getting Ashton back?" Tanong ni Rex na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim at tumango kay Rex. Kahit kailan hinding-hindi mawawala ang nararamdaman ko kay Ashton, it's just different that Nick is here now.

"Luciano won't stop until he find Ashton." Sambit ko kay Rex at agad itong tinalikuran.

"I can't believe you, Zie." Sambit ni Rex pero hindi na ako tumugon pa sa kanya at tuluyan nang lumabas sa loob ng mansion ni Gabriel.

Sobrang gulo ng isipan ko ngayon, pero alam ko na kung magtagumpay man sina Rex at Gabriel na makuha si Ashton, hinding-hindi titigil si Luciano hanggang sa hindi ito makuha pabalik.

Pagkalabas ko sa loob ng mansion ay nakita ko si Nick na nakasandal sa sasakyan at naghihintay sa akin. Sinipat nito ng tingin ang aking mukha pagkalapit ko sa kanya.

"I guess it went smooth? Wala akong makitang bagong pasa sa mukha mo." Sambit ni Nick at bahagyang natawa. Hindi ko mapigilang mapangiti sa biro nito.

"You can say that." Tugon ko rito at inaya na itong pumasok sa loob ng sasakyan. Pagkapasok namin sa loob ng sasakyan ay agad kong binuhay ang makina ng aking sasakyan at tumingin kay Nick.

"There's no turning back anymore, Nick." Sambit ko sa kanya at bahagyang ngumiti.

"I don't have plans, Zie. Let's start a new life with this getaway car." Tugon naman ni Nick at biglang hinawakan ang aking kamay ng mahigpit.

Indeed, this is the most craziest plan I ever did. Siguro nga tama si Rex, I'm selfish. Tanging kaligayahan ko lamang ang iniisip ko pero kung dito naman ako sasaya bakit naman hindi ko ito piliin.

Minsan sa buhay natin, kailangan nating saktan ang mga taong mahalaga sa atin para makuha ang isang bagay na sobrang bihira lang kung dumating sa buhay natin. I might be hurting Rex and Ashton by doing this but I think it's worth the shot.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon