29: Worth The Shot

1.3K 40 10
                                    

Zie

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan, alas-kwatro na ng hapon at kami nalang dalawa ni Nick ang nakikita kong tao rito sa may dagat. Nakaupo lamang ako sa may buhangin habang pinapanood si Nick sa pagsu-surfing.

This is our second day here sa lugar nina Nile at Joe, parang katulad lang din sa Hacienda ni Gabriel ang ambiance sa lugar na 'to, sobrang tahimik at payapa, malayo sa nakagisnan kong pamumuhay sa syudad.

"Are you okay, dad?" Tanong sa akin ni Nick, hindi ko man lang namalayan na naka-ahon na pala ito sa mula sa dagat sa sobrang lalim ng aking iniisip.

"Hmm? I'm okay, baby." Malumanay kong tugon sa kanya. Inilapag ni Nick ang kanyang surf board sa may buhangin at tumabi sa akin.

"Parang ang lalim kasi ng iniisip mo, dad." Sambit ni Nick na nakatingin sa akin habang ako naman ay diretso lang ang tingin sa may dagat.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang aking pinakawalan bago ako tumingin kay Nick, nagpang-abot ang aming mga mata.

"Naninibago lang ako sa lugar. Don't worry, baby, I'll get used to this." Sincere na tugon ko kay Nick. Hindi ko alam but I have this feeling that I don't belong here, this place feels like my home when I was still a child, the home that I'm trying to avoid for years now.

"Then why don't we go back to the city?" Tanong sa akin ni Nick.

"This is not the right time to go back to the city, let's just enjoy our stay here." Tugon ko kay Nick pero tinaasan lamang ako nito ng kilay na para bang hindi siya sumasang-ayon sa aking sinabi.

"Ayaw mong bumalik sa city kasi ayaw mo siyang maalala." Malungkot na sambit ni Nick, hindi ko mapigilang mapalunok ng laway dahil sa kanyang sinabi.

"Hindi naman sa ganoon, Nick. Paminsan-minsan lang talaga ay sumasagi sa isip ko kung tama pa ba itong ginagawa ko. I don't know, I don't know anymore, Nick." Sambit ko sa kanya at parang nadurog ang aking puso nang makita ang nangungusap nitong mata na nangingilid na ang luha, parang ilang segundo na lang ay maiiyak na ito.

"I thought this is worth the shot, Zie." Mahinang sambit ni Nick at itinuon nito ang tingin sa karagatan bago ko pa makita ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mata.

"Hey! This is worth the shot, Nick. Pero hindi mo naman maiaalis sa akin na hindi maalala si Ashton, we were engaged for goddamn sake. Ako ang rason kung bakit siya nasa Mexico ngayon and I can't ask Rex for an update dahil siguradong galit iyon sa akin ngayon." Paliwanag ko sa kanya pero wala akong tugon na nakuha mula sa kanya, nakatuon pa rin ang tingin nito sa karagatan, tila pinagmamasdan ang bawat paghampas ng alon.

Hindi ko na ito kinulit pa at hinayaan na lamang na magmuni-muni. Kapwa kami nakaupo sa may buhangin at ninanamnam ang bawat haplos ng malamig na hangin sa aming katawan.

I can tell that Nick is devastated by me right now. Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang hita at marahan iyong pinisil-pisil para pakalmahin siya.

"Alam kong wala akong karapatan para sabihin to sa'yo, Zie. But if you'll leave me at the end, do it now, habang hindi pa ako tuluyang nahuhulog sa'yo, habang kaya ko pang tiisin ang sakit. Gosh! Maybe this is my karma for snatching my twin brother's fiance." Basag ni Nick sa katahimikan at mabilis nitong pinunasan ang luha na tumulo sa kanyang mga mata at sa ikalawang pagkakataon ay para na namang piniga ang aking puso dahil alam kong nasasaktan ito ngayon.

"Hey! Don't say that, I'm not leaving you. Kahit na bigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon ikaw pa rin ang pipiliin ko, Nick." Sambit ko sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi dahilan para mapatingin sa akin si Nick.

"I'm sorry for being so emotional right now." Sambit ko sa kanya at matamis na ngumiti.

"I'm scared, Zie."

"I'm scared too." Tugon ko.

"Hindi ko alam kung saan tayo dadalhin nitong ginagawa natin pero isa lang ang maipapangako ko sa'yo, Nick. I'm not gonna leave you no matter what." Sambit ko at kahit papaano ay napangiti si Nick sa sinabi ko. Hindi ko alam pero may kakaiba talaga kay Nick, sobrang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya.

"I'll hold on to that, Zie." Tugon naman ni Nick sa akin at muli kong nasilayan ang kanyang mapanuksong ngiti.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon