Rex
"Hindi pa rin ba sumasagot?" Tanong ko kay Gabriel pero imbes na sagutin ako ay nagpakawala lamang ito ng isang malalim buntong-hininga at mariing umiling-iling sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pagkakataong ito, buong akala ko ay malapit na naming matulungan si Ashton.
"It's been five days, Gabriel. Limang araw na nating tinatawagan iyong numero na binigay ni Zie pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natin siya ma-contact. Fvck! What if Luciano already found him?" Napalunok na lamang ako ng laway habang iniisip ang mga posibleng kinahinatnan ni Ashton kapag tama ang hinala ko na nakita na siya ni Luciano.
"Hey! Calm down, babe." Sambit ni Gabriel at naglakad ito palapit sa akin, niyakap niya ako at hinaplos ang aking likod para pakalmahin ako.
"Hindi ba pwedeng i-trace si Ashton gamit iyong number niya?" Tanong ko kay Gabriel at huminto na ito sa paghaplos sa aking likuran, tumingin ito sa akin at malungkot na ngumiti.
"My men can't trace the location not unless matawagan natin iyong number ni Ashton." Tugon ni Gabriel, hindi ko mapigilang panghinaan ng loob. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kay Ashton and I'm still fuming in anger dahil sa ginawa nina Zie at Nick sa akin.
I should trust my instinct next time, napapansin ko na talagang may kakaiba sa kinikilos nina Nick at Zie pero binalewala ko iyon dahil akala ko ay determinado si Zie na makuha si Ashton, buong akala ko ay mahal niya pa rin ito hanggang ngayon.
Pero kagaya ni Gabriel, sinukuan din ni Zie si Ashton at alam ko kung gaano kasakit iyon. Hindi ko alam kung ano pa kaya ang mararamdaman ni Ashton kapag nalaman nito na magkasama na sina Nick at Zie.
"Si Ashton ang pinakamasasaktan dito, Gab. Tangina! Kahit man lang sana makuha natin siya kay Luciano. He's suffered enough physical and emotional pain, he doesn't deserve this." Ang maluha-luha kong pahayag kay Gabriel.
"No one deserves the hell that Ashton went through, babe. And I am doing everything to help him, but please stop acting like it's all your fault. This is all Zie's fvcking fault, siya ang dahilan kung bakit nangyayari kay Ashton ang lahat ng ito." Tugon ni Gabriel at kumawala na sa pagkakayakap sa akin, itinuon nito ang atensyon sa hawak niyang cellphone at mukhang sinusubukan na naman niyang tawagan iyon.
Nagtungo ako sa may sofa at naupo roon habang ang aking mata ay nakatuon pa rin kay Gabriel, nagbabakasakaling sumagot na sa mga tawag namin si Ashton. Sana lang kung nasaan man ito ay nasa mabuti itong kalagayan.
"Hello?"
Agad akong napatayo nang marinig ang sinabi ni Gabriel, sumenyas ito sa akin na huwag magsalita na siya ko namang ginawa habang naglalakad ako pabalik sa pwesto ni Gabriel.
"Is this Ashton?" Tanong ni Gabriel sa kabilang linya, sumenyas ako sa kanya na i-loud speaker ang tawag para marinig ko ang pag-uusap nila.
"I'm sorry but this is not Ashton, who is this?" Tugon naman ng boses ng lalaki sa kabilang linya, ang excitement na naramdaman ko kanina ay unti-unting nawala at napalitan na naman ng pagkadismaya. Tiningnan ni Gabriel ang screen ng kanyang cellphone para siguro i-double check kung tama ba ang numerong tinawagan niya at base sa kanyang ekspresyon ay mukhang tama naman ang numerong natawagan nito.
"This is Gabriel, I'm sorry but I just want to ask if someone ever borrow your phone? My friend told me to call this number, I thought this was his number." Tugon naman ni Gabriel sa kausap nito.
"Is this Ashton's boyfriend?" Tanong ng lalaki sa kabilang linya, para akong nabuhayan pagkarinig na binanggit nito ang pangalan ni Ashton, ibig sabihin ay kilala nito ang lalaking hinahanap namin.
"N-No! I'm not his boyfriend but–." Hindi na natapos pa ni Gabriel ang kanyang sasabihin dahil mabilis na hinablot ko ang cellphone mula sa kanya, kita ko sa mukha nito na hindi nito nagustuhan ang ginawa ko pero hindi ko na muna inisip iyon.
"Hey, my name is Rex and I am Ashton's friend, can I talk to him?" Tanong ko sa kabilang linya at napalunok ng laway nang makita ang nagpupuyos sa galit na mukha ni Gabriel.
"I'm sorry but I'm not in the house as of this moment, I'll just let him know that you called." Tugon ng lalaki sa kabilang linya at narinig kong parang may tumatawag na sa kanya.
"Okay, I need to end the call." Sambit ng lalaki at bago ko paman ito mapigilan ay naputol na ang tawag. Tatawagan ko na sanang muli ang numero pero marahas na binawi ni Gabriel sa akin ang kanyang cellphone at bago paman ako makaangal ay bigla ako nitong sinampal ng malakas sa aking pisngi dahilan para manlaki ang aking mata sa gulat. Hindi ko mapigilang makaramdam ng galit dahil sa ginawa niya sa akin.
"What the fvck is wrong with you?" Galit kong tanong sa kanya at dumura ng malasahan ko ang dugo sa aking labi dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa aking pisngi.
"No! What the fvck is wrong with you? You know that I don't like it when someone disrespect me and you fucking snatched the phone from me." Tugon ni Gabriel sa akin na hindi na mapigilang pagtaasan ako ng boses.
"I can't believe you, Gabriel. Until now, you still treat me like I am just your toy." Malungkot kong sambit at tinalikuran ito. Kita ko ang pag-iba ng ekspresyon nito, mula sa pagiging galit ay napalitan ng lungkot ang ekspresyon nito.
"You know that you're not just my toy, Rex." Malungkot na sambit ni Gabriel dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Sasagutin ko na sana ito nang biglang sunod-sunod na tumunog ang doorbell.
"Ako na ang magbubukas." Sambit ko na lamang at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa may pintuan, nararamdaman kong nakasunod sa aking likod si Gabriel.
Pagkarating ko sa may pintuan ay agad ko iyong binuksan at nanlaki ang aking mata nang bumungad sa aking harapan ang isang malaking rifle na bitbit ng isang lalaki na hindi ko kilala. Bumilis ang tibok ng aking puso pagkakitang hindi nag-iisa ang lalaki.
"What the fvck is happening, Gabriel?" Mahinang tanong ko kay Gabriel na mabilis akong hinila at itinago sa kanyang likuran na para bang pino-protektahan niya ako.
"I want you to raise you hands and slowly walk outside, don't even attempt to do something stupid if you still love your lives." Sambit ng lalaki habang ang baril ay nakatutok pa rin sa pwesto namin ni Gabriel.
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago ko dahan-dahang itinaas ang aking kamay.
"Fvcking do it, Gabriel." Bulong ko kay Gabriel nang makitang parang nagmamatigas ito at ayaw sumunod sa gustong mangyari ng lalaki.
"If you don't want to do it, then I'll do it." Mariin kong sambit sa kanya at naglakad na palabas sa mansion ni Gabriel, dinig ko ang sunod-sunod na pagmumura nito at wala na rin itong nagawa pa kundi ang sumunod sa akin. Pagkalabas ay bigla na lamang tinakpan ng mga lalaki ang aking mata at marahas nila akong hinila pasakay sa kanilang sasakyan.
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Pamilyar sa akin ang mukha ng mga lalaki at kahit papaano ay may ideya na ako kung ano ang pakay nila.
They are Luciano's assassin, at isa lang ang ibig sabihin nito, hindi pa nila nahahanap si Ashton and I am not helping them.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
RomanceZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...