08: Joining Force

1.6K 55 1
                                    

Zie

"I don't think this is a good idea, bro." Sambit ko kay Rex habang isa-isa kong inilalagay sa maliit na maleta ang aking mga gamit.

"This is a more convenient plan compare to our plan, bro. Joining the mafia group will not really guarantee us that we can take Ashton back from Luciano, and once you join the mafia group you'll struggle making your way out." Tugon ni Rex at tinulungan ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa aking maleta, kanina pa kasi ito nakapag-ayos sa mga gamit niya.

"You don't have to fo this, bro. Hindi mo na naman kailangan pa akong samahan doon, I can manage at tsaka nandoon naman si Gabriel para samahan ako." Sambit ko kay Rex, sobra-sobra na ang naitulong nito sa akin at ayoko nang abalahin pa ito lalo na't marami rin itong mga negosyong kailangang pagtuonan niya ng pansin.

"It's okay, I'm coming." Tugon ni Rex na parang desidido na talaga itong sasama sa amin ni Gabriel. Nagkibit-balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa aking mga gamit.

Halos abutin din kami ng sampung minuto bago ko naayos lahat ng gamit na dadalhin ko.

"Gabriel will be here any minute from now." Sambit ni Rex at naglakad na palabas ng kwarto ko, kinuha ko ang aking maleta at lumabas na rin sa aking kwarto. Naabutan ko si Rex sa may living room na umiinom ng wine dahilan para mapataas ang aking kilay.

"It's not the oldest wine in your storage, stop whining." Sambit ni Rex at ipinagpatuloy ang pag-inom ng wine.

"I'm not whining." Tugon ko rito at ipinatong ang hawak kong maleta sa may sofa at nakisali na rin kay Rex sa pag-inom ng wine.

Makalipas ang ilang minutong pag-iinom namin ni Rex ng wine ay biglang tumunog ang doorbell sa penthouse. Sabay kaming napatayo ni Rex dahilan para mapakunot-noo na naman ako.

"Ako na ang magbubukas, bro." Sambit ni Rex at akmang maglalakad na patungo sa pintuan ng mabilis ko itong mapigilan.

"This is my penthouse, don't you think I should be the one to open the door?" Tanong ko sa kanya at tinaasan ito ng kilay.

"Sabi ko nga ikaw na ang magbubukas." Tugon ni Rex at bumalik sa pagkaka-upo at kinuha ang baso niya na may laman pang wine.

Agad akong naglakad patungo sa may pintuan at binuksan iyon. Napahinto na lamang ako nang pagbukas ko ay hindi si Gabriel ang bumungad sa akin. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay parang bumilis sa pagtakbo ang aking puso nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Fvck!" Mahinang mura ko sa aking sarili at mariing umiling-iling, dapat kong isaksak sa aking isipan na hindi si Ashton ang aking kaharap kundi si Nick, ang kakambal nito.

"What the fvck are you doing here, Nick?" Takang tanong ko, napataas na lamang ang aking kilay pagkakita na may dala rin itong maleta.

"At bakit may dala kang maleta?" Tanong ko rito, bahagya itong ngumiti sa akin.

"I'm joining you, gusto kong sumama sa pagsagip sa kakambal ko." Tugon ni Nick at pinipilit na patigasin ang boses. Hindi ko maiwasang mapatawa dahil sa sinabi nito.

"Nagpapatawa ka ba? How can you help, marunong ka bang bumaril? Baka tumakbo ka na kapag nakaharap na natin ang mga tauhan ni Luciano." Singhal ko rito na hindi nito nagustuhan, inirapan lamang ako nito at tinabig ang aking katawan para makapasok ito sa loob.

"This is why we're going to train, to prepare ourselves when shíts happen." Tugon ni Nick at tuluyan na ngang pumasok sa loob ng penthouse.

Pagkarating sa living room, kagaya ko ay napataas din ang mga kilay ni Rex pagkakita kay Nick at sa dala nitong maleta.

"What the fvck are you doing here, Nick? I told you to just stay in the house." Tanong ni Rex pero inirapan lamang siya ni Nick.

"What do you want me to do in your house? Clean it and guard it? Aw please, I didn't sign up for that." Maarting wika ni Nick at naupo sa may sofa katabi ni Rex, kinuha nito ang basong nakalapag sa may center table at sinalinan ng wine.

"That's my glass, Nick." Sambit ko rito.

"And? Wala ka naman sigurong rabbies diba?" Pabalang nitong tugon at napailing-iling na lamang ako.

Kung titingnan sina Ashton at Nick, you can't really tell which is which. Bukod sa sobrang magkapareho ang kanilang mukha ay magkapareho rin ang build ng kanilang katawan at magkasingtangkad din sila. Kung may pagkakaiba man sila, masasabi ko ngayong ang kanilang mga ugali. Medyo may pagkamahinhin si Ashton, iyong tipong kailangan niyo munang magkasama ng ilang araw para maging komportable siya sa tabi mo habang si Nick naman ay hindi marunong mahiya, mahilig din itong magmura at medyo extrovert ito.

"You're bored at the house so you decided to join us?" Tanong ni Rex, ibinaba muna ni Nick ang hawak na baso at nagkibit-balikat.

"Why not? Ashton is my twin brother, I should be there kapag sinagip na natin siya mula kay Luciano, diba?" Tugon ni Nick at tiningnan kami na para ba kaming mga stupidong nakatayo sa harapan niya.

"Fair enough." Sambit ni Rex dahilan para mapatingin ako sa kanya at pagtaasan ito ng kilay.

"You're allowing him to join us?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Rex.

"Bakit hindi? Hindi naman siguro masama kung apat tayong magliligtas kay Ashton diba? We have more chances of winning now." Tugon ni Rex at mahinang natawa na ikinainis ko naman.

"That's not funny at all, at tsaka wala akong tiwala kay Gabriel na 'yan. Baka akala niya kakalimutan ko na ang ginawa niya sa warehouse ko dahil tinulungan niya ako ngayon, puwes, nagkakamali siya." Sambit ko kay Rex at padabog na naupo sa may sofa.

"Gabriel won't betray us, he wouldn't dare." Tugon ni Rex na para bang sobrang sigurado na ito na hindi magagawa ni Gabriel ang paratang ko sa kanya.

"Sana nga." Tanging nasambit ko na lamang at huminga ng malalim. Hindi naman siguro masama kung apat kaming magliligtas kay Ashton.

Bibalot ng katahimikan ang buong paligid, wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para mag-isip ng maayos sa mga hakbang na gagawin ko upang matagumpay ko na mabawi si Ashton kay Luciano. Kailangan kong maging matalino dahil alam kong hindi magiging madali ang lahat para sa aming apat.

Lumipas ang halos limang minuto nang muling tumunog ang doorbell sa penthouse, kagaya kanina ay sabay na naman kaming napatayo ni Rex dahilan para pagtaasan ko naman ito ng kilay.

"Ako ang mas malapit sa pintuan, ako na ang magbubukas." Sambit ni Rex at hindi ko na ito napigilan pa dahil nagsimula na itong maglakad patungo sa may pintuan.

"What a lame excuse." Mahinang sambit ko sa aking sarili at bumalik sa pagkakaupo. Ilang sandali pa ay bumalik na si Rex sa living room pero sa pagkakaraong ito ay may nakasunod na sa likuran nito.

Si Gabriel, bigla akong napabuga ng isang malalim na hininga at pinipilit na pakalmahin ang aking sarili nang makita ko ang nakangiting mukha ni Gabriel.

"Let's go, medyo malayo pa iyong lugar na pupuntahan natin." Sambit ni Gabriel pero hindi ako gumalaw, sa kabilang banda naman ay napa-igik na lamang si Nick na parang batang excited at agad na kinuha ang kanyang dalang maleta.

"You're coming?" Hindi mapigilang tanong ni Gabriel pagkakita kay Nick, agad namang nawala ang ngiti sa mga labi ni Nick pagkarinig sa tanong ni Gabriel.

"Yeah, he's coming, Gab." Mahinang tugon ni Rex.

"Teka nga! Bakit ba parang ayaw niyo akong makasama? Lahat kayo ay parang nagulat nang malamang sasama ako, mga puta kayo." Sambit ni Nick na pasigaw, halatang naiinis na ito sa amin ngayon.

"Okay, he's coming with us. Grab your suitcases and let's get going." Sambit ni Rex at itinulak na si Gabriel palabas sa penthouse, wala na akong nagawa pa kundi ang kunin ang aking maleta at sumunod kina Rex palabas sa aking penthouse.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon