34: Flashback Part 1

1.4K 40 14
                                    

Zie

*flashback*

Nasa kolehiyo pa rin ako kahit na 23 years old na ako, marami kasi akong subject kung saan bumagsak ako. Hindi ko alam kung bakit pa ako nag-aaral kung pagdating ng panahon ay mamanahin ko lang din naman ang kompanya ni daddy, palagi niyang sinasabi sa akin na ako ang magmamana sa lahat ng mga business niya bilang ako ang nakakatanda sa aming apat na magkakapatid.

"Ano ba naman 'yan kuya, kanina ko pa tinuturo 'to sa'yo pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ma-gets, simpleng math lang naman ito." Sambit ni Zuck sa akin na yamot na yamot at napakamot na lamang sa kanyang ulo, kanina niya pa ako tinuturuan ng differential equation, ang subject na dalawang beses ko nang ibinagsak.

"It's not a simple math, Zuck." Reklamo ko sa kanya, napabuntong-hininga na lamang ito at itiniklop na ang notebook kung saan nakalagay ang isang equation na tinuturo niya sa akin.

"Ano ba naman 'yan, kuya Zie. Dapat alam mo na 'to dahil pangatlong beses mo na 'tong kinuha, kaya ka napapagalitan ni daddy." Sambit ni Zuck at ininat ang kanyang katawan, inismiran ko lang ito.

"Tsk! He doesn't care naman if I flunk my subjects. Bakit kasi hindi na lang ikaw ang gawin niyang tagapagmana total ikaw naman ang matalino sa ating dalawa." Sambit ko pero tinaasan lamang ako ng kilay ni Zuck, alam ko na kung saan patungo ang usapan na'to.

"Aw please, I'd rather be stuck in the kitchen than holding guns and drúgs paraphernalia." Tugon ni Zuck, simula bata pa lang ay gustong-gusto na talaga ni Zuck ang pagluluto, gusto ko rin naman ang pagluluto dahil tumutulong kami ni Zuck kay mommy noong bata pa kami sa tuwing magluluto ito pero si Zuck talaga ang mas nahilig sa pagluluto. My mom always teach Zuck how to cook, sa aming apat ay si Zuck din ang paborito ni mommy dahil sa pareho sila ng hilig ni mommy, she's always thankful for Zuck dahil buong akala nito ay walang magmamana sa hilig niya dahil nga sa puro lalaki ang kanyang anak.

Everything was great, until dad became so busy with the family business and my mom became a drúg addict and alcoholic.

"Kuya! Ano ba naman 'yan, nagmo-moment ka na naman. Hinahanap na tayo nina Zeke at Zach, tayo na sa pool." Sambit ni Zuck at nauna na itong lumabas sa aking kwarto, agad kong tiningnan ang orasan na nakakabit sa may wall, alas singko na ng hapon. Tuwing hapon kasi at wala kaming mga kanya-kanyang lakad ay nagba-bonding kaming magkakapatid, minsan ay naglalaro kami ng playstation sa game room, minsan naman ay lumalabas kami at naglalaro sa arcade, sa golf course at minsan ay nagtutungo kami sa mga paborito naming kainan. Ngayong araw ay napagdesisyunan namin na mag barbecue party sa may pool area namin.

Hinubad ko ang aking suot na damit hanggang sa tanging ang aking swimming trunks na lang ang natira, agad akong lumabas sa aking kwarto at nagtungo na sa may pool area. Pagkarating ko roon ay naabutan ko si Zuck na nagsisimula nang mag-barbecue habang si Zach naman ay may seryosong kausap sa kanyang celpphone. Kasama ni Zeke ang si yaya Minda at binabantayan niya ito dahil hindi pa gaanong marunong si Zeke lumangoy at mabilis itong pulikatin kaya hindi ko ito hinahayaang mag-isa sa pool.

"Ate Minda, ako na ang magbabantay kay Zeke, tulungan niyo na lang po si Zuck." Utos ko kay yaya Minda na agad naman nitong sinunod, pagkaalis ni yaya Minda ay agad akong umupo sa tabi ni Zeke at inakbayan ito.

"You're all busy, no one ever talks to me. Kuya Zuck is busy tutoring you while kuya Zach is busy with his girlfriend." Nagmamaktol na sambit sa akin ni Zeke pero alam ko na kapag nagiging ganito na siya ay gusto niya lamang magpalambing.

"Sus! Tampo naman agad si bunso. What do you want to do now? I'm not busy anymore." Sambit ko kay Zeke at ginulo ang kanyang buhok, sumilay ang munting ngiti sa mga labi ni Zeke.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon