Zie
Pagkarating namin sa mansion ay agad akong hinatid ni Rex sa aking kwarto, hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking isipan ang nangyari kanina. I saw my mom, lying on the floor with a blood on her face, it feels so real that until now my hands is still trembling.
"Magpahinga ka muna, bro. Tawagin mo na lamang iyong maid kapag nagutom ka, alam kong hindi mo gustong lumabas ng kwarto ngayon o kaya ay magpa-disturbo kaya iiwan na muna kita rito." Sambit ni Rex na hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin sa akin kahit na kanina ko pa ito sinisiguradong okay na ako.
"Thank you, bro." Sinsero kong sambit kay Rex at niyakap ito, narinig ko ang pagbuntong hininga nito at niyakap din ako ng mahigpit, kahit papaano ay naibsan ang pangamba ko sa aking sarili.
"Anything for you, bro." Tugon ni Rex at kumawala na sa pagkakayakap sa akin. Nginitian muna ako nito bago ito nagpaalam na lalabas na sa aking kwarto, tumango lamang ako rito at sinundan siya ng tingin habang naglalakad palabas sa aking kwarto.
"Fvck!" Mariing mura ko sa aking sarili at napasabunot na lamang sa aking buhok, naglakad ako patungo sa may pintuan at agad na pinihit ang seradura.
"I'm so fvcking sorry, mom." Sambit ko kahit alam kong wala naman akong kausap. Akala ko okay na ako, ilang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat sa sobrang sariwa nito sa aking isipan.
Gulong-gulo ang aking isipan habang naglalakad ako patungo sa aking kama at pasalampak na nahiga roon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung tama ba itong desisyon kong magtungo rito para mag-ensayo. Alam ko nang sa simula pa lang ay darating ang araw na muli akong makakahawak ng baril, pero hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto nito sa akin.
I feel so embarrassed, kalalaki kong tao at takot akong humawak ng baril.
Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakahiga sa aking kama at tulala, natinag lamang ako sa pagkakahiga nang makarinig ng mga katok sa pintuan ng aking kwarto. Kunot-noong bumangon ako mula sa kama at walang ganang naglakad patungo sa may pintuan. Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang pigura ng isang maid na may dalang tray ng pagkain.
"Ipinadala po ni Don Rex itong pagkain sir, baka raw nagugutom na kayo." Sambit ng maid at bahagyang ngumiti sa akin.
"Thank you pero hindi pa kasi ako gutom." Tugon ko sa maid at hindi na hinintay pa ang sasabihin nito at agad kong isinarado ang pintuan. Wala na akong pakialam kung sabihin man nitong masungit ako, gusto ko lang mapag-isa at walang kahit na sino man ang mang-iistorbo.
Bumalik ako sa pagkakasalamapak sa malambot na kama. Nakahiga lang ako roon habang lumilipad ang aking isipan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon, everything doesn't make sense to me to the point na parang wala akong ibang gustong gawin kundi ang mahiga sa kama. Kahit na nakakaramdam na ako ng gutom sa ilang oras na lumipas ay hindi pa rin ako bumangon para kumain.
It feels like I was lying on the bed for the entire day. Lumilipad pa rin ang aking isipan nang muli na naman akong makarinig ng katok sa aking pintuan. Napasimangot na lamang ako pero hindi na ako nag-abala pang buksan ang pintuan, siguradong mababagot lang din ang kung sino mang kumakatok sa may pintuan hanggang sa tumigil na ito.
Hinayaan ko lamang itong kumatok nang kumatok pero nang lumipas na ang ilang minuto at hindi pa rin tumitigil ang pagkatok nito sa may pintuan at mas lalo lamang nitong nilalakasan ang pagkatok.
"I'm not hungry." Sigaw ko sa kung sino man ang kumakatok sa may pintuan pero hindi pa rin tumitigil ang mga katok kaya kahit labag man sa aking kalooban ay wala na akong nagawa pa kundi ang bumangon sa aking kama at inis na inis na naglakad patungo sa may pintuan.
"Sabing hindi pa nga ako gutom, manang. Ang kulit niyo naman." Galit kong sambit habang binubuksan ang pintuan pero napataas na lamang ako ng kilay nang hindi ang maid ang nabungaran ko sa labas kundi si Nick.
"What the fvck are you doing here, Nick?" Takang tanong ko sa kanya at tinaasan ito ng kilay.
"Alam mo ba kung anong oras na ngayon?" Tanong nito dahilan para mapasimangot ako.
"Oras na para umalis ka at tumigil sa kaka-istorbo sa akin." Tugon ko rito at sinarhan ito ng pintuan, akmang maglalakad na ako pabalik sa aking kama ng bigla akong makarinig ng malakas na tunog na para bang hinahambalos na ang pintuan ng aking kwarto.
"What the fvck is wrong with him?" Tanong ko sa aking sarili na hindi mapigilang makaramdam ng matinding pagkainis dahil sa ginagawa nito. Hindi ito tumitigil sa kakahampas sa pintuan hanggang sa hindi ko ito muling pagbuksan kaya wala na akong nagawa pa kundi ang buksan ang pintuan at galit na galitna hinarap ito.
"What do you want from me? Stop disturbing me at nagpapahinga ako." Galit kong sambit dito na hindi na mapigilan pa ang sariling pagtaasan ito ng boses.
"It's already midnight, Zie. Kailangan mong kumain kahit papaano. Why are you sulking here in your room all day?" Tanong nito na nakakunot-noo.
"Why do you care?" Ganting tanong ko naman sa kanya.
"What's with that mood? It's just a fvcking gun, there's nothing to be scared of that." Sambit ni Nick dahilan para mag-igting ang aking panga sa sobrang galit, kanina ko pa pinipigilan ang aking sarili na suntukin ito dahil sa inis at galit, pero sa tuwing gusto ko nang gawin iyon ay naaalala ko sa kanya si Ashton at ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko kay Ashton.
Sobrang dali lang para sa kanya na sabihing baril lang iyon at hindi dapat katakutan dahil wala naman itong alam sa kung ano talaga ang totoong nangyari at wala akong balak na sabihin pa sa kanya ang nakaraan ko. Kahit na si Ashton nga ay hindi alam ito.
"Did you just come here to tell me that I shouldn't be scared with guns? Kung iyon lang, makakaalis ka na." Sambit ko rito at muling isasara na sana ang pintuan nang iharang nito ang paa sa may pintuan.
Napabuga na lamang ako ng hangin dahil unti-unti na talagang nauubos ang aking pasensya.
"What now?" Tanong ko rito at pinandilatan ito ng mata.
"I'm here because I brought you your midnight snack." Sambit ni Nick at biglang itinulak ang pintuan at pumasok ito sa loob ng aking kwarto.
Hindi ko mapigilang mapakunot-noo at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.
"And where the fvck is my midnight snack?" Takang tanong ko rito dahil wala naman akong nakikitang bitbit nito na kahit anumang pagkain.
"Here." Tugon ni Nick at itinuro ang kanyang sarili, lumawak ang ngiti nito sa mga labi habang hindi makapaniwalang nakatingin lamang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
RomanceZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...
