Zie
Hinayaan kami ni Luciano na makalabas mula sa kanyang yate kung saan niya kami ikinulong. Hanggang ngayon ay wala pa ring gustong magsalita sa amin ni Nick, hindi ko na rin alam kung nasaan sina Rex at Gabriel dahil nauna silang lumabas at nang makalabas na kami ni Nick ay hindi ko na sila naabutan pa.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, everyone blames me and I'm not surprised anymore, palagi namang ganito. It's always my fault, for being selfish and heartless.
"Where the fvck are we?" Naiinis kong tanong sa aking sarili, hindi ko tinapunan ng tingin si Nick kahit na kanina ko pa gustong tingnan ang itsura nito na sigurado akong puno ng pasa at dugo.
Nasa may pantalan pa rin kami ni Nick at mabuti nalang at wala masyadong tao sa paligid, siguradong magtataka sila kung bakit kami naka-boxer lang ni Nick at may pasa pa sa mukha nito. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad kahit na hindi ko alam kung saan ako patungo, nakasunod lamang sa akin si Nick at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagsasalita.
"Are you okay guys?" Tanong ng isang lalaki na tanging pantalon lang ang suot at nakalabas ang kulay puting waistband nito, maganda ang kanyang katawan, hindi gaanong pulido pero halatang sanay ang katawan nito sa gym. Mayroong collar na nakakabit sa kanyang leeg at nang makita ko iyon ay agad kong napagtanto na isang submissive ang lalaking ito o talagang hilig niya lang magsuot ng collar. Hindi halatang submissive ito dahil sa built ng kanyang katawan pero wala naman talaga iyon sa katawan.
"Are you okay guys?" Muling tanong ng lalaki.
"Do you have extra clothes? I'm sorry pero giniginaw na kasi ako." Sambit ni Nick, ito ang unang nagsalita nang mapansin nitong wala akong balak tugunan ang sinabi ng lalaki.
"Yeah! Come and follow me, I think kailangan mo ring magamot, you have bruises on your face." Sambit ng lalaki, hindi na nagdalawang-isip pa si Nick na sumama sa lalaki, inalalayan ito ng lalaki sa pag-akyat sa kanyang yate. Hindi ko tuloy maiwasang mainis kay Nick dahil kung umakto ito ay parang hindi niya ako kasama, wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kanila. Pagkapasok ko sa loob ng yate ay naabutan ko ang lalaki na may hawak na isang pantalon at dalawang malaking t-shirt. Inabot nito ang isang oversized shirt kay Nick.
"Sorry, wala kasi akong maliit na damit pero I think okay na rin 'yan, hanggang tuhod mo naman ang shirt." Nakangiting sambit ng lalaki at pagkatapos ay itinuon ang atensyon sa akin.
"Thank you, Jim." Sambit ni Nick sa lalaki pero hindi na ito pinansin pa ng lalaki dahil naglakad na ito palapit sa akin. Kung hindi lang ako sobrang stress at hindi lang magulo ang isipan ko ngayon ay iisipin kong inaakit ako ng lalaki.
"Here, you must be cold also. Magkasinglaki lang naman ang katawan natin so I think my shirt and pants will fit on you." Sambit ni Jim, iyon ang tinawag sa kanya ni Nick. Inabot ko ang ibinigay niyang damit at agad iyong isinuot, hindi ko na pinansin pa pagkindat nito sa akin.
"Thanks for this, Jim." Pasasalamat ko kay Jim, ayoko talagang sabihin iyon pero ayoko namang isipin niya na wala akong utang na loob sa kabutihang ipinapakita niya sa amin ni Nick kahit na alam ko namang hindi niya ito ginagawa dahil gusto niya kaming tulungan ni Nick, he wants something in return.
"I'm not a fortune teller, Jim. Tell me what you want in return." Sambit ko sa kanya dahilan para lumawak ang ngiti sa kanyang labi.
"I like you, very straightforward." Tugon naman ni Jim, mukhang nabagot na ata si Nick sa usapan namin ni Jim at naglakad na ito palabas sa yate pagkatapos nitong hubarin ang basang boxer short.
"You want it soft or hard?" Tanong ko kay Jim, hindi ko na ito hinayaang makasagot dahil alam ko na naman kung ano gusto niyang mangyari.
"I want it soft at the start, then rough towards the end." Malokong sambit ni Jim at talagang kinagat-kagat pa ang kanyang pang-ibabang labi para akitin ako. I admit na nalilibugan ako sa ginagawa niya, I have a low tolerance when it comes to someone seducing me.
"Ibibigay ko sa'yo ang gusto mo mamayang gabi. Nick and I will stay the night here." Sambit ko kay Jim, kung gusto niya talagang akong matikman then I want something in return also and not just these fvcking shirts and pants. Hindi ko alam kung nasaan kami kaya I need to stay the night here and figure out our way back to Nile and Joe's place.
Hindi ko na hinintay pa na makatugon si Jim at agad akong naglakad palabas sa yate kung nasaan si Nick, I need to talk to him.
"Okay, be my guest then. I'll prepare some foods for you and Nick, sir." Sambit ni Jim bago pa ako tuluyang makalabas, hindi ako lumingon sa kanya at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Naabutan ko sa labas si Nick na nakatanaw sa malayo, nakatukod ang mga kamay nito sa railing.
"Luciano is the one who auctioned you that night." Sambit ko kay Nick at tumabi sa kanya, ilang segundo akong tiningnan ni Nick pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa may karagatan.
"Yes, and I know that Luciano is your father." Tugon naman ni Nick, pagak akong napatawa pagkarinig sa sinabi niya.
"At wala kang balak na sabihin sa akin iyon?" Mariin kong tanong sa kanya.
"Does it matter? May mababago ba kapag sinabi ko sa'yo ang totoo?" Tugon ni Nick at pinanlakihan ko lamang ito ng mata.
"Are you even for real? Of course it matter. I don't know what to believe now, inutusan ka ba ni Luciano na akitin ako?" Tanong ko kay Nick.
"What the fvck? Lahat ng ipinakita ko sa'yo totoo iyon, no one is telling me what to do. Luciano get tired of me that's why he auctioned me and there's no hidden agenda. This is why I don't want to tell you this, dahil alam kong iisipin mo na inuutusan lamang ako ni Luciano, that I am seducing you and diverting your attention." Sambit ni Nick, nararamdaman kong nasaktan ito sa paratang ko sa kanya.
Ipinikit ko ang aking mata at huminga ng malalim.
"I'm sorry, you can't blame me for thinking about those things. Fvck! Ang dami nating hindi alam sa isa't-isa, Nick." Malungkot kong sambit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"Then why don't we tell each other's secret?" Tanong sa akin ni Nick, hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil sa sinabi niya.
"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya.
"Tell me why you're scared of guns, tell me why you keep on saying sorry to your mother. Then I will tell you why Ashton think that I'm dead already." Tugon ni Nick, sobrang seryoso ng ekspresyon nito.
Napalunok ako ng laway sa kaba, hindi ko alam kung handa na akong sabihin sa kanya ang mga pangyayari sa aking buhay na pilit ko nang ibinabaon sa limot. Tanging si Rex lamang at si Zuck, ang aking kapatid, ang tanging nakakaalam sa katotohanan. Ni hindi ko iyon magawang sabihin kay Ashton at kahit na sino man.
"We're fvck up, Zie. We're broken trying to mend each other's pain. Baka sakaling kapag nalaman natin ang masalimuot na pinagdaanan natin ay mas lalo nating maintindihan ang isa't-isa." Sambit ni Nick.
Nilukob kami ng nakakabinging katahimikan, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. May parte sa aking utak na nagsasabing ikwento ko kay Nick ang naging karanasan ko pero natatakot ako.
But I've been holding this misery for quite a long time now, baka sakaling kapag sinabi ko kay Nick ang karanasan ko ay tutulungan niya akong makalimot o tutulungan niya akong pasanin ang dinadala ko at tutulungan ko naman ito sa kanya.
"Why don't we find a perfect spot where we can have a heart to heart conversation?" Tanong ko kay Nick at ngumiti sa kanya, hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
RomanceZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...