Zie
Pagkapasok ko sa game room ay nadatnan kong magkayakap pa rin sina Zeke at Zuck habang si Zach naman ay nakatingin lang sa nakababatang kapatid namin at alam kong nag-aalala na ito.
"We should tell dad about what's happening here, kuya Zie." Sambit sa akin ni Zach.
"I'm calling dad." Tugon ko sa kanya at agad itong tumango-tango, huminga muna ako ng malalim bago ko kinuha sa aking bulsa ang aking cellphone at tinawagan ang numero ni dad. Naglakad ako palayo kina Zuck dahil ayokong marinig ni Zeke ang pag-uusapan namin ni daddy.
"Hello, Zie?" Tugon ni daddy sa kabilang linya, makalipas ang isang minutong pagri-ring ay doon niya pa lamang sinagot ang aking tawag.
"When are you coming back? Zeke is looking for you." Sambit ko at pasimpleng tumingin kay Zeke na nakayakap pa rin kay Zuck. Narinig kong tumikhim si daddy sa kabilang linya.
"I don't know, maybe this weekend. Tell Zeke that I'll be back soon." Sambit ni daddy at bigla kong narinig na may lalaking tumawag sa kanya, gusto kong isipin na tauhan niya lang iyon pero hindi naman ako tanga, alam kong lalaki na naman niya iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang aking ama na isang sundalo noon na sobrang gymfit ng katawan ay pumapatol sa kanyang kapwa lalaki.
"Mom is asking you to transfer a million into her account or else ibebenta niya ang bahay." Sambit ko kay daddy, alam ko na sinabi ko kay mommy na ako na ang matgtra-transfer ng pera sa kanyang account pero nang marinig ko ang tinig ng lalaki ni daddy ay bigla akong nakaramdam ng inis.
"Fvck that women! Wala na talagang ibang ginawa 'yan kung hindi ilustay ang pera ko sa mga probinsyano niyang callboy." May pagkadisgustong tugon ni dad pero alam ko namang sa huli ay ibibigay niya rin ang gusto ni mommy.
"Mom hasn't changed dad, she's still using drúgs and she always comes home drunk." Sumbong ko sa kanya, hindi ko na sinabi pa na umuuwi ito na may dalang iba't ibang lalaki dahil sigurado akong wala na naman itong pakialam. Iniisip siguro nito na mas mabuting nandito si mommy para may mag-alaga sa amin pero kung ako ang tatanungin, mas mabuti siguro na wala rito si mommy o kaya ay bumukod na ito. I can take care of my siblings.
"Oh tapos? Anong gusto mong gawin ko? Umuwi ako riyan at kaladkarin ko palabas iyang mommy niyo? You're the eldest, Zie, and soon you'll take over the business. Dapat may sarili ka nang solusyon at alam mo na ang dapat mong gawin sa mga ganyang sitwasyon, dalhin mo sa rehab iyang mommy niyo kung kinakailangan." Sambit ni daddy at hindi ko mapigilang makaramdam ng inis sa kanyang sinabi, ikinumyos ko na lamang ang aking kamao habang humihigpit ang hawak ko sa aking cellphone.
"I already did that, dad. But instead she swear to kill herself if hindi ko siya ilalabas sa loob ng rehab, and you don't want that to happen so you instantly release her to the rehabilitation center." Sambit ko as a matter of fact, dinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni daddy sa kabilang linya.
"Fvck! We should confine that woman to the mental hospital, what do you think, Zie?" Tanong sa akin ni daddy pero napaismid lamang ako dahil alam kong nagbibiro lang siya. He wouldn't do that, I don't know why but he's scared that mom will kill herself, siguro despite of what happened between them, they still love or maybe care about each other. Hindi nga lang nila pisikal na naipapakita iyon pero alam kong may nararamdaman pa rin sila sa isa't-isa, sa tuwing lasing si mommy at umuuwi ito ay si daddy agad ang hinahanap niya habang si daddy naman ay walang palya sa pagpapadala ng pera kay mommy kahit alam nito kung saan napupunta ang mga pinapadala niyang pera.
Siguro ganyan talaga ang pagmamahal. Sadly, love wasn't enough to fixed their marriage. At ang ending, kaming mga anak ang kailangang umintindi sa kanila and I hated it. My brother's doesn't deserve to be treated like this.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
RomantiekZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...
