44: The Present

2.1K 47 10
                                        

Zie

Hindi ako makatingin ng diretso kay Nick pagkatapos kong i-kwento sa kanya ang nangyari sa akin. Pero aaminin ko kahit papaano ay nakakagaan pala ng loob kapag inilalabas mo sa isang tao ang mga pangyayaring akala mo ay hindi mo kayang sabihin. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya sa tuwing naaalala ko ang ginawa sa akin ni mommy.

"That's why galit sa'yo si Luciano? Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari, b-bakit hindi mo sinabi sa kanya?" Tanong ni Nick at bigla nitong hinawakan ang aking kamay, nang una ay bigla akong nanginig nang maramdaman ko ang kamay nito pero nang ma-realize na si Nick ang humawak ay mabilis ding pumayapa ang aking pakiramdam.

"I don't have the courage to tell him, naisip kong mas mabuti na rin sigurong galit kaming dalawa sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nito ang totoong nangyari sa akin." Tugon ko kay Nick at humigpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay.

"That's why I'm scared with guns, feeling ko kasi kapag nakakahawak ako ng baril ay may isa na namang taong mahalaga sa akin ang mawawala." Sambit ko kay Nick, hindi ko mapigilang gumaralgal ang aking boses dahil nanariwa na naman sa akin ang pinagdaanan namin ni Chino.

"Am I a monster if I told you that I didn't regret killing my mother?" Tanong ko kay Nick, hanggang ngayon ay medyo naiilang pa rin akong makipagtitigan sa kanya.

"Am I a monster if I told you that your fvcking mother deserved the bullet?" Ganting tanong ni Nick sa akin imbes na sagutin ako, hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi ni Nick. Hindi ko alam pero may ginagawa at sinasabi si Nick na kahit hindi nito alam ay napapagaan nito ang aking pakiramdam at iyon ang isa sa nagustuhan ko sa kanya.

"So Chino, is he your first love?" Tanong ni Nick, walang himig nang pagseselos, talagang curious lang ito kay Chino. Napangiti ako nang maalala ko si Chino.

"He's my greatest love, alam mo 'yon? Parang kami 'yong pinagtagpo pero hindi itinadhana. Well, you can say that he is my first love." Tugon ko kay Nick at nararamdaman ko ang paninikip ng aking dibdib, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Chino. Chino was the only person back then that's keeping me sane.

"Hmm." Hum ni Nick.

"Until now, I still think that he doesn't deserve to die. Sobrang dami pa niyang pangarap sa buhay. It was just one mistake, he was forced to take the drugs kaya niya nagawa iyon. But I can't blame my brother for doing it." Sambit ko kay Nick at malungkot na napangiti.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan namin, nakatuon lamang ang aking atensyon sa karagatan at pinagmamasdan ang mga ibon na sinusubukang makahuli ng isda sa dagat.

"You win, Zie." Biglang basag ni Nick sa katahimikan habang ako ay napakunot-noo lamang sa kanyang sinabi.

"What do you mean?" Takang tanong ko sa kanya.

"Wala namang kwenta ang pinagdaanan ko kumpara sa'yo." Tugon ni Nick but I can hear a hint of bitterness in the tone of his voice.

"I don't think so, kagaya nga ng sinabi mo, we're so fvck up that we compliment each other." Sambit ko at sa pagkakataong ito ay nangahas na akong tumitig kay Nick. Malungkot ang mukha nito, siguro ay nagsisimula na itong sariwain ang mga nangyari sa kanya noon at alam ko kung gaano ka-shit sa feeling sa tuwing maaalala mo iyong mga pangyayari na ayaw mo nang maalala or gusto mo nang kalimutan.

"Now, I have a question." Sambit ko kay Nick.

"Ano?" Tugon nito.

"Will you help me carry my burden from the past? Those shíts that happened to me will always be a part of me forever and there are days na siguro ay mahihirapan akong pasanin lahat ng iyon." Sambit ko kay Nick at hinalikan ang kanyang palad, sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon na para bang ilang minuto lang ay maiiyak na naman ako.

"I don't know, Zie." Tugon ni Nick dahilan para tumigil sa pagtibok ang aking puso at malungkot na tumingin sa kanya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Matapang kong tanong kahit na ayokong marinig ang susunod nitong sasabihin, ayokong marinig na sabihin nitong hindi niya kayang tulungan ako para pasanin ang mga mabibigat na ala-alang dala-dala ko.

"Baka panahon na para itigil mo na ang pagpasan sa mga ala-alang iyon, Zie. Alam kong sobrang sakit pero kailangan mong subukan." Sambit ni Nick at sa pagkakataong iyon ay bigla na lamang tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung kaya kong gawin ang sinabi nito, hindi ko alam kung kaya kong bitiwan ang mga ala-alang iyon na tumatak na sa aking isipan.

"Have you seek professional help, Zie?" Tanong sa akin ni Nick at marahan akong tumango-tango bilang pagtugon sa kanya.

"Yes, and to tell you the truth? Iyan din ang sinabi nila sa akin. Bitawan ko na ang mga ala-alang iyon na para bang sobrang dali lang gawin niyon, madali lang iyong sabihin pero mahirap gawin Nick." Tugon ko sa kanya.

"The only thing that's keeping me sane now is having séx, I always have the control when it comes to that thing. You know what, when I met your twin brother, sinabi ko sa sarili ko na sa akin lang siya at wala ng iba pa na pwedeng makatikim sa kanya. But then I remember Chino, the man I always love. Bigla akong pinangunahan ng takot na baka kapag minahal ko si Ashton ay mangyari sa kanya ang nangyari kay Chino. I was traumatized thinking that whenever I love someone, they'll end up dying. And somehow it's true, look what happened to Ashton now." Sambit ko kay Nick at napahagulhul na lamang ako ng iyak dahil sa sobrang bigat na talaga sa loob ko. Hinaplos ni Nick ang aking mukha at pagkatapos ay ihinilig niya ako sa kanyang braso.

"It's okay, Zie." Alo ni Nick sa akin.

"That's why sometimes I'm skeptical about our plan Nick, because I don't want to lose you." Sambit ko kay Nick sa totoong nararamdaman ko.

"You won't, Zie. I'm always here for you." Bulong sa akin ni Nick at hinalikan ako sa aking pingi. Sana lang ay totoo ang sinabi nito.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakayakap kay Nick, tumigil lamang ako sa pag-iyak nang gumaan na ang aking pakiramdam. Hindi ko man aminin pero alam kong sobrang nakatulong sa akin na naikwento ko na kay Nick ang aking nakaraan.

"So what about you? What's your story, Nick?" Tanong ko sa kanya dahilan para matigilan ito sa paghaplos sa aking likuran.

"I don't think you want to hear my story." Sambit nito na walang emosyon ang kanyang boses.

"That's not fair. I want to know your story, I want to know you better, Nick." Tugon ko at bigla na lamang itong napabuntong-hininga.

"Well, I think I don't have a choice anymore." Sambit nito at mahina lamang akong natawa.

Daddy (Book 3) ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon