49: Nicklaus Part 5

1.1K 40 0
                                    

Nicklaus

"Get out of the car, Nicklaus! Makakauwi ka lang sa bahay kapag hindi ka na bakla." Sambit ni daddy dahilan para mapalunok ako ng laway sa sobrang kaba, kahit na ayokong bumaba sa kotse ay wala naman akong magagawa sa utos ni daddy. Bumaba ako sa sasakyan ni daddy at hinila ko naman pababa ang aking suitcase. Pagkababa ko ay walang paalam na pinaandar ni daddy ang kanyang kotse at pinaharurot ito ng takbo palayo.

"Fvcking hell!" Mura ko na lamang habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan ni daddy.

"Where the hell I am?" Mahinang tanong ko sa aking sarili at tumalikod, napakunot ang aking noo nang makita ko sa aking likuran ang isang napakahabang gate at sa taas ay may nakalagay na 'Home For The Changes'. Sa labas ng gate ay may isang lalaking nakatayo roon na nakasuot ng sutana, nang magtama ang aming mga mata ay tipid itong ngumiti sa akin at sumenyas na lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang humakbang ang aking mga paa at nagsimula akong naglakad palapit sa lalaki habang hila-hila ang aking suitcase.

"Ikaw ba iyong anak ni Roger?" Tanong ng lalaki at tanging tango lang ang aking itinugon.

"Ako si father Yves, welcome to the home for the changes. Sumunod ka sa akin." Sambit ni father Yves at agad itong tumalikod at pumasok na sa loob habang ako ay kunot-noong nakasunod lang sa kanya.

"W-What is this place, father?" Tanong ko kay father Yves na puno ng kuryusidad. Napaka creepy ng ambiance ng lugar na ito, may isang napakalaking building sa aking harapan, maituturing na itong isang hotel sa sobrang laki, halatang matagal na ang building na ito dahil pang-sinaunang panahon pa ang design ng building, iyon siguro ang dahilan kung bakit feeling ko ay napaka-creepy ng lugar, idagdag pa na parang nasa gitna ng gubat ang building na ito kaya naman sobrang tahimik ng lugar na mas lalo lamang nagpadagdag sa creepy vibes ng lugar.

"Itinayo ang building na ito para sa mga taong nalilihis ng landas, we're helping them find the right path. Huwag kang mag-alala, Nicklaus, lalabas ka sa lugar na ito as a change man." Makahulugang sambit ni father Yves at hindi ko mapigilang makaramdam ng galit kay daddy. Talagang dinala ako nito sa bahay ng mga taong nalilihis ng landas.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kahit siguro isang taon ang gugulin ko rito ay hinding-hindi talaga ako magbabago.

"Come, let's get inside." Pagyaya sa akin ni father Yves at hinila nito pataas ang suot na itim na sutana habang humahakbang ito sa may hagdanan. Sumunod ako kay father Yves papasok at bigla akong nakaramdam ng takot nang sumalubong sa akin ang medyo may kadiliman na hallway at sobrang tahimik din dito na mas lalo lamang nagpadagdag sa creepy vibes ng lugar.

Hindi ko na alam kung nasaan na ako basta ay nakasunod lamang ako kay father Yves, marami kaming kwartong naraanan at ilang pasilyo rin ang aming nilikuan kaya hindi ko na mamemorya pa ang bawat pasikot-sikot sa lugar.

Hanggang sa huminto si father Yves sa harapan ng isang pintuan at binuksan iyon.

"This will be your room, get inside." Sambit ni father Yves kaya agad kong hinila ang aking suitcase at pumasok sa loob ng kwarto. Maganda naman ang loob ng kwarto, maaliwalas ito pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit walang bintana sa loob ng kwarto.

Habang tinitingnan ko ang kabuuan ng kwarto ay nagbalik ang aking atensyon kay father Yves nang isara nito ang pintuan. Hindi ko mapigilang mapakunot-noo sa kanya.

"I'm sorry father pero gusto ko po munang mapag-isa ngayon." Sambit ko sa kanya pero tinaasan lamang ako ng kilay ni father Yves.

"I want you to strip your clothes, Nicklaus." Utos sa akin ni father Yves na ikinanlaki ng aking mata, hindi ko alam kung tama ba ang aking pagkakarinig sa sinabi ni father Yves.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon