40: Flashback Part 7

933 37 0
                                    

Zie

Maaga akong nagising kinabukasan, kinuha ko ang aking malaking bag at inilagay roon ang ilang pares ng aking damit at sapatos. Nang matapos na ako sa pag-aayos ay isinukbit ko sa aking likuran ang aking bag at agad na lumabas sa aking kwarto. Mabilis kong tinungo ang kwarto ni Zuck at pumasok sa loob, naabutan ko itong mukhang naglalaro sa kanyang cellphone.

"Kuya Zie?" Tawag nito sa akin nang mapansin niya ang pagpasok ko, napakunot noo ito nang makita ang malaking bag na nakasukbit sa aking likuran. Lumapit ako kay Zuck at umupo sa kanyang kama.

"Hey, buddy, I just want to let you know that I will be gone for a week or maybe two, hindi ko pa alam. Ikaw na muna ang bahala kina Zach at Zeke okay? And while I'm not here, pwede bang magtabi muna kayong tatlo sa pagtulog and don't forget to lock the door. Do you understand me, Zuck?" Sambit ko rito at ginulo ang kanyang buhok.

"What the fvck is happening, kuya Zie? Where are you going? Are you okay?" Sunod-sunod na tanong ni Zuck pero tipid ko lamang itong nginitian.

"Well, dad is asking me a favor that's why I'll be gone in a week." Pagsisinungaling ko kay Zuck. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong rason kung bakit ako aalis pero hindi ko magawa, nahihiya akong sabihin sa kanya ang katotohanan.

"Sigurado kang iyon lang? You seem so troubled kuya, tsaka ang lamlam ng mata mo na parang magdamag kang hindi nakatulog." Sambit ni Zuck dahilan para mapalunok ako ng laway, totoo naman talagang hindi ako nakatulog, buong gabi akong nakababad sa may bathtub at inii-scrub ang aking katawan hanggang sa magkasugat-sugat na ito.

"Don't worry, I'm okay Zuck." Tugon ko sa kanya pero tinaasan lamang ako ng kilay ni Zuck. He knows me so damn well.

"There's something that you're not telling me, you know that you can trust me, kuya Zie." Mahinang sambit ni Zuck at hinawakan ang aking mukha, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pandidire nang hawakan ako nito sa mukha dahilan para pasimple kong sinagi ang kanyang kamay para mabitawan ako.

"What? I'm okay, Zuck. Stop worrying with me, just promise me you'll take care of Zach and Zeke okay?" Sambit ko rito at kahit na nagdududa pa ito sa akin ay wala itong nagawa kundi ang tumango na lamang. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi bago ko ito hinalikan sa kanyang noo bilang pagpapaalam. Pagkatapos kong magpaalam ay agad na akong naglakad palabas sa kwarto ni Zuck.

Tahimik lamang ang bahay, nagmadali akong bumaba patungo sa living room, medyo madilim pa sa labas pero nagdesisyon akong umalis na ngayon at huwag nang maghintay na mag-umaga. Lumabas na ako sa bahay at nagtungo sa garage.

Pagkapasok ko sa aking kotse ay agad kong binuhay ang makina ng kotse at pinaharurot ito ng takbo patungo sa kung saan man ako dalhin ng aking isipan.

Hanggang sa muli ko na namang matagpuan ang aking sarili na nasa harapan ng pintuan sa apartment ni Chino. Hindi ko alam kung bakit ako rito dinala ng aking isipan at medyo nagdadalawang-isip ako kung kakatok ba ako o hindi, pero mas nanaig ang parte ng aking isipan na nag-uutos sa akin na kumatok sa pintuan ni Chino ag iyon nga ang ginawa ko.

Halos magiba ang pintuan ni Chino nang malakas ko itong hampasin dahil makailang katok na ang aking ginawa pero hindi pa rin ako nito pinagbubuksan. Mabuti na lamang at mukhang hindi ko naman nagising ang mga kapitbahay nito.

Ipinagpatuloy ko ang pagkatok sa pintuan hanggang sa makarinig ako ng mga yabag ng paa.

"Tangina! Ito na bubuksan na!" Sigaw ni Chino at ilang sandali pa ay binuksan na nga nito ang pintuan at bumungad sa akin ang katawan nito na tanging boxer lang ang suot. Kinusot-kusot pa nito ang mata kaya alam kong nabulabog ko ang pagtulog nito.

"Anong ginagawa mo rito, Zie? Sobrang aga pa, itulog mo nalang muna iyang libog mo." Naiinis na sambit sa akin ni Chino dahilan para mapalunok ako ng laway. Bigla kong naisip na kung sinabi ko ba kay mommy na itulog niya na lang ang libog na nararamdaman niya, titigil kaya siya at iiwan ako sa aking kwarto? Hindi niya kaya gagawin sa akin iyong ginawa niya?

"Fvck! M-May problema ka ba, pare?" Natatarantang tanong sa akin ni Chino at doon ko lang namalayan na tumutulo na pala ang luha sa aking mata. Agad ko iyong pinahid at pilit na ngumiti kay Chino.

"N-No, napuwing lang ako. Can I come in?" Tanong ko rito, bigla itong napatingin sa malaking bag na dala ko at tinaasan ako ng kilay.

"Saan ka pupunta? Bakit may dala kang malaking bag?" Tanong nito na puno mg kuryusidad.

"Can I stay in your apartment? Um, just for the week." Sambit ko imbes na sagutin ang tanong nito dahilan para mapakunot ang noo nito, ayokong marinig ang magiging sagot nito kaya inimbitahan ko na ang aking sarili at pumasok sa loob ng kanyang apartment. I don't want to hear him declining me so I spare myself from the disappointment.

"Okay ka lang ba, pare?" Muling tanong ni Chino, hindi ko alam kung nag-aalala ba ito sa akin sa tono ng kanyang pananalita o sadyang curious lang itong malaman kung okay lang ba ako.

"I'm okay." Tipid kong tugon at inilapag ko ang aking bag sa gilid ng kama ni Chino at pasalampak na humiga sa kanyang malambot na kama.

Makalipas ang ilang sandali ay nagtaka ako kung bakit hindi na bumalik sa kama si Chino, bahagyang inangat ko ang aking ulo para tingnan kung ano ang ginagawa ni Chino pero napataas lamang ang aking kilay nang makita ko itong nakasandig lang sa may dingding at mariin akong pinagmamasdan.

"What?" Takang tanong ko sa kanya.

"Gusto mo akong samahan sa labas? Magja-jogging ako." Tugon ni Chino at bahagyang ngumiti sa akin.

"Come on, sabi nila pampawala raw ng stress ang pag-jogging." Dagdag ni Chino at doon ko lang na-realize na kagaya ni Zuck ay mukhang nararamdaman din nito na hindi ako okay. Pero hindi lang ako sigurado kong epektibo nga sinabi nitong nakakawala ng stress ang pag-jogging, I don't think I'll easily forget what happened to me by just jogging. Kung sana ganoon lang kadali ang lahat.

"Okay, I won't force you to tell me what's wrong and I won't urge you to to come and jog with me." Sambit ni Chino at naglakad palapit sa akin, umupo ito sa kama at muli na namang tumingin sa akin, hindi ko alam kung nag-aalala ba ito sa akin o talagang nawiwili lang itong pagmasdan ang aking mukha. It's hard to believe that he's worried about me, I mean ilang araw palang naman kaming nagkakilala.

"Nag-away na naman ba kayo ng mommy mo?" Biglang tanong ni Chino dahilan para mapalunok ako ng laway at manigas ang aking katawan. Pinilit ko ang aking sarili na huwag maiyak. Tangina! Ayokong makita ni Chino na umiiyak ako.

"Can you please stop asking me those fucking question? I'll go and jog with you but please stop asking me." Mariin kong sambit kay Chino at padabog na bumangon sa kama. Kinuha ko ang aking bag at kumuha roon ng damit na susuotin ko para sa aming jogging.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon