50: Muffled Cries

1.5K 44 6
                                    

Zie

"That's my story, that's how I met your father." Sambit ni Nick na ang tingin ay nasa malayo, nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at mahinang napatawa.

"Hindi ko maintindihan kung bakit parang paborito ata tayo ng tadhanang paglaruan." Natatawa kong sambit kay Nick pero sa loob-loob ko ay unti-unti na akong nilalamon ng sakit habang naaalala ang mga nangyari sa akin noon.

"Well, kompara naman sa'yo, walang-wala naman iyong pinagdaanan ko." Sambit ni Nick at pilit na ngumiti sa akin kahit na alam ko namang kanina pa nito gustong umiyak. Hinawakan ko ang kamay ni Nick at hinila ito palapit sa akin at mahigpit itong niyakap. Nang maramdaman ni Nick ang aking mahigpit na yakap ay doon na ito unti-unting napa-iyak.

"T-They abused me, Zie. They made me do things that I don't like pero wala akong magawa laban sa kanila, until I get used to it. Habang tumatagal ay natanggap ko na sa sarili ko na hanggang parausan na nga lang talaga ako. Tinanggap ko na sa sarili ko na walang magmamahal sa akin because everyone would only see me as their pastime." Ang umiiyak na sambit ni Nick at hinaplos-haplos ko ang likod nito para pagaanin ang kanyang loob.

"Iiyak mo lang 'yan, Nick. Sometimes, it's good to cry your pain away. Wala na kasi tayong magagawa para mabago pa ang mga nangyari na. What we can do is move forward, kahit na masakit. Kahit na minsan ay hindi na tayo naiintindihan ng mga tao kung bakit tayo naging ganito, kung bakit may mga desisyon tayong para sa kanila ay sobrang selfish." Sambit ko kay Nick at ipinikit ang aking mga mata, sobrang bigat na rin sa pakiramdam nitong dinadala ko.

Hindi ko alam kung kailan ang huling araw na umiyak ako. Hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at napaiyak na rin ako. Hindi ko alam pero parang lahat ng masasakit na pinagdaanan ko ay bigla na lamang nagbalik sa aking alaala.

Humigpit ang pagkakayakap ko kay Nick at ganoon din ito sa akin. Kahit papaano ay nakakagaan sa pakiramdam na may kasama kang umiyak, parang feeling ko ay hindi lang ako ang miserable sa mundong ito, na hindi lang ako may problema at hindi lang ako ang paboritong paglaruan ng tadhana.

"Minsan ba naisip mo na tayo rin ang dahilan kung bakit tayo humantong sa ganito? I always blame myself kung bakit nangyari iyon sa akin, if only I can turn back the time, siguro sumama na lang ako kay Ashton sa kanila Seb." Sambit ni Nick at kumawala ito sa pagkakayakap ko. Muli nitong itinuon ang atensyon sa karagatan.

"I don't know, if I can turn back the time, I'll probably still do the same thing." Tugon ko kay Nick at itinukod ang aking mga kamay sa may railing habang malayo ang aking tanaw.

Isang nakakabinging katahimikan ang lumukop sa pagitan namin ni Nick, wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Kapwa malalim ang aming iniisip. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto at hindi ko na matiis pa ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.

"I feel so fvcking guilty right now, Nick." Sambit ko dahilan para mapatingin ito sa akin, alam kong may ideya na ito kung ano ang tinutukoy ko.

"Ashton always save me whenever I need saving. I remember nang exam namin at ito ang nag-take ng exams ko dahil may hang-over ako kaka-party kasama iyong lalaking naka-chat ko lang sa grindr." Natatawang sambit sa akin ni Nick na garalgal na ang boses at nagbabadya na namang tumulo ang luha sa mga mata nito.

Alam kong ito ang bagay na pinipilit naming huwag pag-usapan pero alam kong kailangan namin itong gawin kung gusto pa naming ipagpatuloy itong plano namin.

"It's all my fault and I know I'm a fvcking dickhead for not doing anything to save him. I can lower my pride and beg my dad to give him back to me but I didn't. Pati si Rex ay galit na rin sa akin dahil ang katiting na pag-asa niya na matulungan si Ashton ay nawala na lamang sa isang-iglap dahil pinairal ko na naman ang pagka-selfish ko. I'm a fvcking coward and a cheater, baka nga deserve ko lahat ng nangyari sa akin." Sambit ko at hindi mapigilang mapaluha habang sinasabi ko iyon kay Nick.

"I'm scared, Zie. Natatakot ako na baka mapagdaanan ni Ashton iyong mga napagdaanan ko kay Luciano." Ang naluluhang sambit ni Nick.

"I don't know what to do anymore, Nick." Tugon ko at napaupo na lamang sa sahig habang ginugusot ang aking buhok. Wala akong nakuhang tugon kay Nick at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot nang makita ko itong naglalakad palayo sa akin.

"W-Where are you going, Nick?" Kinakabahan kong tanong sa kanya, lumingon ito sa akin at tipid na ngumiti.

"I'm calling Rex to apologize at gusto ko ring makausap si Ashton kung sakali mang mabigyan ako ng pagkakataon na makausap ang kakambal ko." Tugon ni Nick at sunod-sunod ang ginawa kong paglunok ng laway.

"What about our plan? We're still doing our plan right?" Tanong ko sa kanya at alam kong nagmumukha na akong desperado rito pero hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakali mang pati ito ay lumayo na rin sa akin.

"I don't know, Zie. Sobrang gulong-gulo pa ang isipan ko ngayon." Tugon sa akin ni Nick at tinalikuran na ako nito at naglakad palayo. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata at mabilis na dumaloy ang aking luha. Wala na akong pakialam kung may makakita paman sa akin dito na umiiyak.

Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa aking sarili kung bakit ba palagi na lang akong naiiwan? Siguro ay tadhana ko na talaga na mag-isa dahil lahat ng mga taong malalapit sa akin ay palaging nasasaktan kahit na sadya pa iyon o hindi.

"I'm so sorry, Ash." Sambit ko sa hangin, nananalangin na sanay ay tangayin ng hangin ang mga salita ko at umabot ito kay Ashton. Hindi ko hinihiling na mapatawad ako ni Ashton pero gusto ko lang marinig nito ang aking paghingi sa kanya ng patawad. Hindi ko alam kung makikita ko pa ba siyang muli o hindi na.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon