43: Flashback Part 10

1K 36 4
                                    

Zie

Isang buwang naging miserable ang buhay ko, sa tuwing tatawagan ako ni mommy ay wala akong magawa kundi ang ipagamit sa kanya ang aking katawan dahil palagi nitong tinatakot sa akin na gagalawin niya rin si Zuck at ayokong maranasan ni Zuck ang naranasan ko. There are instances na parang gusto kong barilin o kaya ay pagsasaksakin si mommy pero may parte sa isipan ko na pinipigilan ako. Kalaunan ay nasasanay na lamang ako sa ginagawa ni mommy, naging sandalan ko si Chino kahit na hindi nito alam kung ano talaga ang totoong nangyayari sa akin. Sa tuwing natatapos kami ni mommy ay agad kong tinatawagan si Chino at alam na nito kung ano ang gusto kong mangyari. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako marumi sa tuwing kinakantot ko si Chino and it made me feel better about myself, parang ito ang naging lunas ko para hindi ako tuluyang mabaliw o kaya ay makapatay.

Nasa tapat ako ng apartment ni Chino ngayon, bumibili ako ng pagkain namin para ngayong gabi. Siya dapat ang bibili ng pagkain pero nakita ko kasi si Chino kanina na mukhang aligaga at kanina pa ito kay katawag sa kanyang phone, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may problema ito sa kanyang pamilya na naiwan sa probinsya at kagaya ko ay mukhang nililihim din nito kung ano man ang problema nito.

"Sir, heto napo ang order niyo, 730 pesos po lahat." Sambit ng tindera at ibinigay sa akin ang pagkaing in-order ko, kinuha ko naman sa bulsa ko ang isang libong papel at inabot sa tindera, hindi ko na kinuha pa ang sukli at agad na akong naglakad pabalik sa apartment ni Chino. Sa isang buwan kong pamamalagi sa apartment ni Chino ay hindi ko namalayang unti-unti na pala akong nasasanay sa mga gawi ni Chino kagaya nitong pagkain na binili ko sa may tindahan sa tapat ng apartment ni Chino, hindi talaga ako sanay sa mga ganitong pagkain pero palagi kasing bumibili roon si Chino at aminado naman akong masarap talaga ang pagkain.

Habang naglalakad ako pabalik sa apartment ni Chino ay bigla na lamang tumunog ang aking cellphone, ipinikit ko ang aking mata at napamura habang humihiling na sana hindi ang taong kinasusuklaman niya ang tumatawag sa kanya. Hinugot ko ang aking cellphone sa aking bulsa at nakahinga ako ng maayos nang makitang si Zuck lang pala ang tumatawag sa akin.

"Zuck? May problema ba?" Agad kong tanong at tumingin sa magkabilang side ng kalsada at nang makitang walang paparaang sasakyan ay agad akong tumawid sa kalsada.

"What the fvck is happening, kuya Zie? Akala ko ba isang linggo ka lang mawawala? Anong petsa na, isang buwan ka nang hindi umuuwi rito and don't you dare lie to me again, tumawag ako kay dad at sinabi niyang wala siyang pinapagawa sa'yo. Ano ba talagang nangyayari sa'yo, kuya Zie? Hinahanap ka na rin nina Zach at Zeke. Tsaka, tangina kanina pa 'to si mommy umiinom at nagdudróga, kapag ako nainis dito tatawag talaga ako ng pulis." Naiinis na sambit ni Zuck at hindi ko mapigilang mapabuga ng hangin, hindi na muna ako pumasok sa loob ng apartment at sumandig muna ako sa may dingding para makapag-usap kami ni Zuck ng maayos.

"I'm sorry, Zuck. Hayaan mo at uuwi ako riyan sa susunod na araw o kaya ay magkita na lang tayo sa school. Um, I'm actually with a man right now, Zuck." Sambit ko kay Zuck, sinabi ko rito na may kasama akong lalaki para hindi na ito masyadong mag-isip pa kung bakit isang buwan na akong hindi nagpapakita sa kanila.

"Aw, that's why hindi ka na umuuwi rito sa bahay? May binabahay ka na palang iba." Malokong tugon ni Zuck at hindi ko mapigilang mapatawa sa sinabi nito.

"Nah! Basta huwag kang lumapit kay mommy, hayaan mo na siya kung ano man ang gawin niya okay? Nandiyan ba si Zach at Zeke?" Tanong ko kay Zuck.

"Nope! May sleep over si Zeke with his friends, pinasama ko sa kanya si Zach." Tugon ni Zuck at hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba nang maisip na wala siyang ibang kasama sa bahay.

"Do you want me to come over right now?" Tanong ko kay Zuck, hindi ko talaga mapigilang mag-alala para rito.

"Hindi na kuya, uuwi ka na naman next week diba? Sige na at baka naiinip na iyong lalaki mo." Natatawang sambit ni Zuck at hindi na ako nakatugon pa dahil agad nitong ibinaba ang tawag. Hanggang ngayon ay hindi talaga ako mapalagay, para bang may hindi magandang mangyayari.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon