05: Mafia Group

1.7K 59 3
                                    

Zie

"Paano ka makakapasok sa isang mafia group, bro? Papasok ka sa isang sitwasyon na ayaw na ayaw mong maging parte noon pa man. I thought you don't want to end up like your father?" Sambit ni Rex dahilan para umigting ang aking tenga at tiningnan ito ng masama.

"I'm not gonna end up like him. I'm only joining the mafia group to save Ashton." Tugon ko sa matigas na boses para malaman nito na buo na ang desisyon ko.

"Sigurado ka na ba riyan? You're going to be a drug pusher and worse is you're going to be a killer, killing innocent people for money and power. I don't think you can take it, bro." Sambit ni Rex pero tinaasan ko lamang ito ng kilay.

"Aalis din naman ako sa grupo kapag nabawi ko na si Ashton, stop worrying about me. I want you to think kung paano ako makakapasok sa isang mafia group, there must be a recruitment process or what." Tugon ko kay Rex at pinahid sa suot kong damit ang aking kamay na dumudugo.

Binalot ng katahimikan ang buong paligid, wala ni isa sa amin ni Rex ang gustong magsalita, kapwa kami malalim na nag-iisip kung paano ako makakapasok sa isang mafia group. Makalipas ang ilang minuto ay nabasag ang katahimikang bumabalot sa buong paligid ng mga yabag ng paa palapit sa amin.

It was Nick, dala na nito ang inutos sa kanya ni Rex na first aid kit.

"Sorry, medyo naligaw lang ako kaya ako natagalan." Sambit ni Nick at bahagyang ngumiti sa akin, hindi na ako tumugon sa kanya at muling ibibalik ang atensyon sa pag-iisip. Naramdaman ko na lamang na tumabi sa akin si Nick at inilapag nito ang dalang first aid kit sa may center table.

"Give me your hand." Utos nito at biglang hinawakan ang aking kamay, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nakaramdam ng daloy ng kuryente sa aking katawan ng hawakan nito ang aking kamay.

"Stay still, huwag kang malikot at lilinisin ko lang itong sugat sa kamay mo." Sambit nito at itinuon na ang atensyon sa pagpupunas ng dugo sa aking kamay. Matapos nitong linisin at lapatan ng ointment ang aking sugat ay agad nitong binalot ng bendahe ang aking kamay.

"Done," sambit nito at binitiwan na ang aking kamay.

"Okay, so what's the plan?" Biglang tanong ni Nick na ang tingin ay diretso sa akin, hindi ko maiwasang mapakunot-noo sa tanong niya.

"What do you mean?" Takang tanong ko rito dahilan para mapasimangot ito.

"What's your plan about my twin brother, don't tell me hanggang ngayon ay wala ka pa ring naiisip na paraan kung paano siya mababawi?" Taas kilay nitong sambit.

"May plano na siya Nick at hindi ka maniniwala sa pinaplano niya." Pagsali ni Rex sa aming usapan dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon ni Nick.

"So what's the plan? Let me hear it." Pangungulit ni Nick kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sabihin sa kanya ang pinaplano ko.

"I'm joining the mafia group that wants to take down Luciano's group, kapag napatumba ko si Luciano, mababawi ko na si Ashton." Lahad ko sa aking plano sa kanya pero tinaasan lang ako ng kilay ni Nick at kung makatingin sa akin ay para bang ako na ang pinakabobo sa buong mundo.

"Brilliant, kung sakali mang mapatumba niyo ang grupo ni Luciano malamang kasama roon ang kakambal ko. Tsaka, don't you think you've gone a little too far with your plan? Saang mafia group ka sasali? Bakit hindi mo na lang ipahanap si Ashton at bawiin siya kay Luciano?" Sunod-sunod na tanong ni Nick.

"Hindi ganoon kadali iyon, Nick." Tugon ko rito at napabuga na lamang ng hangin sa sobrang stress, idagdag pa itong pasulpot-sulpot na sakit sa aking ulo dahil sa sobrang kalasingan kagabi.

"You just need to hire a lot of men and order them to get Ashton, it's that simple." Sambit ni Nick na para bang mas maalam pa ito kaysa sa akin. Marahan akong umiling-iling bilang pagtanggi sa gusto niyang mangyari.

"It doesn't work that way, Nick. If only you knew how powerful Luciano is." Tugon ko rito at hindi na rin mapigilan ang sariling pagtaasan ito ng boses at mukhang hindi nito nagustuhan ang pagtataas ko ng boses sa kanya.

"And you knew how powerful Luciano is? You knew how the mafia works? I don't think so." Tanong ni Nick sa mataas na boses, bigla akong natigilan pagkarinig sa sinabi nito.

Kung alam lang nito ang lahat.

"That's enough, Nick." Pagsabad ni Rex nang mapansin nito ang pag-igting ng aking panga na parang ilang sandali lang ay handa na akong mambugbog.

"I don't know if your plan will work, bro. I think the only way to find out is to go on with the plan." Sambit ni Rex dahilan para mapatingin kami ni Nick sa kanya.

"So you're agreeing to my plan now?" Tanong ko kay Rex pero nagkibit-balikat lang ito.

"Kailangan ko na lang maghanap ng paraan kung paano ako makakapasok sa isang mafia group." Dagdag kong sambit.

"Gabriel." Biglang sambit ni Nick dahilan para mapakunot ang aking noo.

"What?" Takang tanong ko rito.

"Gabriel, I think he can help us, right Rex?" Tugon ni Nick dahilan para bumaling ang aking tingin kay Rex na tila nagulat sa sinabi ni Nick.

"If you're talking about Gabriel na nagpasunog sa warehouse ko then that's a no. Tangina! Bakit nasali sa usapan ang lalaking iyon?" Mariin kong sambit at umiling-iling.

"H-He can actually help us, bro." Nauutal na sambit ni Rex at hindi ko alam pero parang kinakabahan ito habang nagsasalita. Hindi ko mapigilang mapakunot-noo at sinubukang basahin ang kanyang ekspresyon.

"How?" Tanong ko kay Rex, kita ko ang paglunok nito ng laway bago ako sagutin.

"Marami siyang koneksyon, minsan na akong lumapit sa kanya noon para humingi ng tulong." Tugon ni Rex, napabuntong-hininga na lamang ako at pinag-isipang mabuti kung sinabi nito.

"And what did you give him in return?" Tanong ko sa kanya, alam ko namang lahat ng pabor ay may kapalit na kabayaran. Biglang natahimik si Rex, pansin ko ang paghugot nito ng malalim na hininga at sunod-sunod ang ginawa nitong paglunok. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo sa mga ikinikilos nito.

"M-Money, he just wants money in return." Tugon nito sa mahinang boses, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nagsisinungaling lang ito sa akin. Knowing Gabriel, sigurado ako na kung may pabor man itong hihingin siguro ang pinakahuling hihingin nito ay pera.

"Don't worry, ako na ang kakausap kay Gabriel." Sambit ni Rex na parang hindi mapalagay. Tumango-tango na lamang ako bilang tugon sa kanya.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon