Zie
"Where are you going?" Tanong ko kay Rex at Gabriel pagkagising ko kinaumagahan at naabutan ko silang kapwa bihis pero hindi iyong porma na pupunta sila sa isang corporate meeting, para silang pupunta sa kagubatan sa mga damit nila.
"Pupunta kami sa ubasan nina Gabriel, ngayon kasi nila aanihin iyong mga hinog na bunga." Tugon naman ni Rex dahilan para mapataas ang aking kilay.
"Para ba iyan sa wine na pinoproseso niyo ngayon?" Tanong ko kay Rex at mabilis itong tumango-tango.
"So we're not training today?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Come on, Zie. It's our first day here in my Hacienda, we'll start the training tomorrow." Tugon naman ni Gabriel at kahit na tumutol pa ako sa sinabi nito ay wala rin naman akong magagawa dahil hinila na nito si Rex at mabilis na naglakad palabas sa mansion.
Tangina! Anong gagawin ko sa loob ng mansion ngayong araw na 'to?
And as if on cue, biglang lumabas sa kanyang kwarto si Nick na naka trunks at sando at may bitbit din itong maliit na bag.
"Where are you going?" Tanong ko sa kanya na nakakunot-noo. Puta naman, mukhang ako lang ata ang hindi na-inform na walang training ngayong araw na 'to.
"I'm going to the beach, sabi kasi sa akin ni Gabriel may malapit na beach daw dito, magpapahatid lang ako sa driver ni Gabriel. Wanna join me?" Imbita ni Nick na nakangiti, hindi ko mapigilang mailang dahil pati ngiti nila ni Ashton ay parehong-pareho kaya minsan kapag tumitingin ako kay Nick ay hindi ko mapigilang mapagkamalan itong si Ashton.
"Come on, Zie. Wala ka namang gagawin ngayong araw dito diba?" Tanong ni Nick, wala sa sariling napatango-tango ako.
"Good, pack your things hintayin na lang kita sa labas." Sambit ni Nick at agad akong tinalikuran, naglakad na ito palabas sa mansion. Hindi ako natinag sa aking pagkakatayo at nakatingin lamang ako sa papalayong pigura ni Nick. Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway nang dumapo ang aking tingin sa kanyang pang-upo na sobrang hapit sa suot niyang swimming trunks.
"Tigil-tigilan mo ang pagtitig sa pang-upo ko, Zie." Tease ni Nick na hindi tumitingin sa akin.
"I'm not staring at your butt." Depensa ko sa aking sarili at mabilis na tumalikod at naglakad patungo sa aking kwarto. Isa-isa kong hinubad ang aking suot na damit at boxer pagkapasok ko sa aking kwarto at agad nagtungo sa may closet, kumuha ako ng isang trunk at isang hawaiian shirt at isinuot iyon, hindi na ako nag-abala pang magsuot ng brief o kaya boxer dahil hapit na naman sa akin ang suot kong trunks.
Kinuha ko rin ang aking Dior sling bag at ipinasok doon ang aking ipapalit sa mababasa kong damit mamaya. Kumuha rin ako ng isang tuwalya pero nang makitang hindi na ito magkasya sa maliit kong bag ay iniwan ko na lamang ito sa kama at nagpasyang manghiram na lang kay Nick.
Isinukbit ko ang sling bag sa aking braso at lumabas na sa aking kwarto, pagkalabas ko sa mansion ay naabutan ko ang nakaparadang itin na kotse sa aking harapan at nakatayo roon ang isang lalaki na sa tindig pa lang ay alam ko nang hindi lang ito isang typical na driver, mukhang tauhan ito ni Gabriel.
"Pasok na po kayo, sir." Magalang na sambit ng lalaki at binuksan ang pintuan. Tinanguan ko lamang ang lalaki at pumasok na sa loob ng sasakyan.
"I'm so excited Zie. Hindi kasi ako dinadala ni Rex sa mga beach noon." Nakangiting sambit ni Nick at napakapit sa aking braso, hindi ko alam pero sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat ay may kakaibang kuryente na dumadaloy sa aking katawan. Nang mapansin ni Nick na natigilan ako sa kanyang ginawa ay mabilis siyang bumitaw sa akin at lumayo.
"Sorry." Sambit ni Nick at tumingin sa labas ng bintana, parang bigla itong nahiya sa akin.
"It's okay, Nick, you don't need to ask for an apology." Tugon ko rito pero hindi pa rin ito tumitingin sa akin kaya hindi ko na ito kinulit pa.
"Wala na po kayong kailangan sir? Aalis na po tayo." Tanong nang driver.
"Wala na, let's go." Tugon ko naman sa driver, tumango lang ito at binuhay na ang makina ng kotse at ilang sandali pa ay tinatahak na namin ang daan patungo sa beach na sinasabi ni Nick.
Tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan, wala ni isa sa amin ang gustong magsalita, nakakapanibago dahil nakilala ko si Nick bilang napakadaldal na lalaki.
Hindi naman masyadong malayo ang beach mula sa mansion nina Gabriel kaya makalipas ang ilang minuto lamang ay narating din namin ang beach.
"This is the most peaceful beach I've ever been to." Mahinang sambit ni Nick at binuksan na ang pintuan ng kotse at lumabas. Hindi ko mapigilang mapangiti pagkakita sa mukha nitong sobrang namamangha sa lugar. Sumunod akong lumabas sa sasakyan at inilibot ang aking paningin sa paligid ng karagatan. Sobrang ganda sa lugar na ito, maputi ang mga buhangin at napakalinaw ng tubig sa dagat na humahampas ng malalakas na alon.
"Parte pa rin ba ito sa Hacienda ni Gabriel? Parang tayo lang kasi ang tao rito." Tanong ko sa driver pagkalabas nito sa sasakyan.
"Ay hindi na po ito pag-aari ni Don Gabriel, kay Don Rex po itong private resort na ito." Tugon naman ng driver dahilan para mapataas ang aking kilay.
Ngayon ko lang na-realize na sobrang dami ko pa palang hindi alam tungkol kay Rex. I never knew he has a private resort.
"Take your time po sir, dito lang po ako maghihintay sa inyo ni sir Nick." Sambit ng driver at nang marinig ko ang pangalan ni Nick ay agad kong inilibot ang aking tingin para hanapin ito.
Nakita ko itong nasa baybayin na at sinasalubong ang bawat paghampas ng alon sa dagat.
Wala sa sariling naglakad ako patungo rin sa baybayin pero malayo sa kinaroroonan ni Nick, ayoko itong storbohin pa sa ginagawa dahil nakikita kong nagsasaya ito.
Umupo ako sa pino at maputing buhangin, sariwa ang simoy ng hangin at hindi masyadong mainit ang klima kaya napakasarap umupo rito.
"I hope you're okay wherever you are right now." Bulong ko sa hangin at hindi ko mapigilang makaramdam ng paninikip sa aking dibdib, parang unti-unti akong kinakain ng aking konsensya.
Hindi ko maiwasang isipin kung ano na kaya ang kalagayan nito ngayon, kung nakakakain ba siya ng tatlong beses sa isang araw, kung nakakatulog ba siya, kung okay lang ba siya. Pero kilala ko si Luciano, at kahit na ayoko mang aminin alam kung wala sa mabuting kalagayan ngayon si Ashton.
They might be torturing him right now.
"You okay, Zie?" Agad akong nag-angat ng mukha at nakita ko si Nick na seryoso ang mukha. Bahagya itong ngumiti at tumabi sa akin.
"Yeah, okay lang ako." Tugon ko kay Nick.
"Liar, I can see in your eyes that you miss him." Sambit nito pero hindi na ako tumugon pa, ayokong aminin sa kanya na totoo ang sinasabi niya dahil ayokong isumbat niya sa akin ang lahat ng mga maling nagawa ko sa kanyang kapatid.
"Let's forget my brother today." Biglang sambit ni Nick at hindi ko mapigilang makaramdam ng inis pagkarinig sa sinabi niya, kunot-noo akong tumingin sa kanyang direksyon.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Nick na may halong pagkainis sa tono ng aking boses.
"I didn't mean it that way. If it helps, why don't we pretend that I'm Ashton today? Gawin natin ang mga bagay na dapat ginagawa niyo ngayon ni Ashton kung nandito lang siya." Suhestiyon ni Nick at bigla akong napalunok ng laway sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang sinabi nito, may parte sa aking isipan na nagsasabing sundin ko ang gusto ni Nick pero may parte sa aking puso na nagsasabing hindi.
Pero sa huli ay mas nanaig ang aking isip.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 3) ✓
RomanceZie's life was never been the same lalo na nang sunod-sunod na dumating ang mga problema sa buhay niya, he lost his company and then he accidentally sold the man he loves. Everything is out of control now and he doesn't know what to do. He was about...
