03: Exhausted

2K 68 4
                                    

Zie

"Ashton?" Tawag ko sa aking boyfriend pagkagising ko kinaumagahan. Sobrang sakit ng ulo ko dahil siguro sa sobrang kalasingan ko kagabi. Ang huling natatandaan ko na lamang kagabi ay inihatid ko si Sean at ang boyfriend nito sa pinakamalapit na hospital.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at kinusot-kusot ang aking mga mata, inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto at hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil wala akong marinig na anumang ingay.

This is so weird. Nasaan na si Ashton? Sa tuwing gumigising ako at wala sa aking tabi si Ashton ay palagi kong naririnig ang pagbuhos ng tubig mula sa shower o hindi kaya ay naa-amoy ko ang mabango nitong nilulutong pagkain.

"Ashton?" Muling pagtawag ko sa pangalan nito pero kagaya kanina ay wala akong matanggap na tugon mula sa kanya. Doon na ako nakaramdam ng kakaibang kaba at takot, nagmadali akong bumaba sa kama at nagtungo sa may banyo pero laking dismaya ko nang makitang walang tao sa loob.

"Where the fvck are you, Ashton?" Mahinang tanong ko pero tanging ang hangin lamang ang nakakarinig. Nagtungo ako sa may closet at mabilis iyong binuksan, medyo nakahinga ako ng maayos pagkakita sa mga damit nito na nakasampay pa rin sa may closet, kahit papaano ay alam kong hindi ako nilayasan ni Ashton pero kahit na ganoon pa man ay hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kaunting kaba at takot at hindi mawawala ang pakiramdam na 'to hanggang sa hindi ko nakikita si Ashton.

"Ashton?" Sigaw ko habang palabas ako ng kwarto, tanging katahimikan lamang ang sumalubong sa akin na mas lalo ko pang ipinagtataka.

"This is not a good prank, baby. Lumabas ka na kung saan ka man nagtatago." Sigaw ko at sinuyod ang buong living room, nagtungo na rin ako sa may kitchen para tingnan baka sakaling nagtitimpla ito ng kape pero pagpunta ko roon ay walang tao sa loob ng kitchen, wala ring nagalaw sa mga gamit kaya alam kong hindi nagtungo rito si Ashton.

"Come on, baby. I swear kapag nakita kita ika-kantot demonyo talaga kita." Banta ko rito baka sakaling lumabas na ito kung saan man ito nagtatago pero makalipas ang halos dalawang minuto ay hindi ko pa rin nakikita ang kanyang pigura, maski ang kanyang anino ay hindi ko mahagilap.

"Where the fvck are you, Ashton?" Galit kong sigaw na umalingawngaw sa buong paligid ng penthouse, hindi ko na makontrol pa ang galit na nararamdaman ko dahil parang pinaglalaruan na lamang ako nito.

"Don't try my patience, Ashton. I swear kapag nakita kita, I'll give you punishments you can't endure." Muling banta ko rito at dumaan ang ilang minuto ay hindi pa rin nagpapakita sa akin si Ashton.

This is so frustrating, idagdag pa ang hangover na nararamdaman ko dahil sa walang sawang pag-inom ko kagabi at dahil sa nangyari kay Sean at Dave, bigla kong naalala na hindi pala ako tuluyang nilabasan kagabi kaya siguro hanggang ngayon ay tigas na tigas pa rin ang aking alaga at parang gusto nang kumawala sa aking suot na boxer brief.

"What the fvck, baby? Why are you doing this to me?" Mariin kong sigaw at tinabig ang mamahaling vase na nakapatong sa may center table dahilan para mabasag ito at magkalat sa sahig ang nagkapira-pirasong bubog ng vase.

Napaupo na lamang ako sa may sofa at sinubukang i-relax ang aking isipan. Makalipas ang ilang sandaling pagpapahinga ko sa may sofa nang marinig ko ang pagtunog ng aking doorbell, dahil sa pag-aakalang si Ashton na nagdo-doorbell ay halos liparin ko na ang patungo sa pintuan at agad iyong binuksan, peri laking dismaya ko nang makita ko si Rex na nakakunot ang mukha sa aking harapan.

"O, bakit parang pinagsakluban ng langit iyang mukha mo?" Tanong ni Rex sa akin.

"Hindi ko makita si Ashton, bro. Kanina ko pa siya hinahanap sa loob pero wala talaga, hindi ko alam kung lumabas ba ito o hindi." Tugon ko rito at sa hindi ko malamang kadahilanan ay biglang nag-iba ang ekspresyon nito at para bang nag-aalala na ito.

Sobrang weird ng araw na 'to.

"Are you taking the medicines na ibinigay ko sa'yo?" Tanong ni Rex at kusa nang pumasok sa loob, ito na rin ang nagsara ng pintuan. Hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil sa tanong nito.

"Ha? Pero wala naman akong sakit, why do I need to take medicine?" Nagtataka kong tanong at nauna nang maglakad patungo sa may living room.

"What the fvck happened here, bro?" Gulat na tanong ni Rex nang makita ang basag na Vase na nagkalat sa may sahig.

"Aksidente kong natabig kanina, hayaan mo na pupunta naman dito ngayong araw ang cleaner." Tugon ko at naupo sa may sofa. Hindi ko alam kung saan nagtungo si Rex pero pagbalik nito ay may dala na itong isang baso ng tubig at isang saucer plate kung saan may nakalagay na dalawang piraso ng tableta. Kunot noong nakatingin lamang ako sa kanya.

"Take this." Utos ni Rex at inilapag sa may center table ang dalang baso at saucer plate.

"Why? Wala naman akong sakit." Tanong ko sa kanya na puno ng pagtataka, unti-unti na rin akong nakakaramdam ng pagkainis sa kanya sa hindi ko malamang kadahilanan. Bakit niya ba ako pinapainom ng gamot?

"Don't worry, bro. Pampakalma lang naman ito, just to help you in case you're having episodes of panic attack again." Sambit ni Rex at pinipilit akong inumin ang gamot pero mariin akong umiling-iling.

"Why would I have panic attack?" Mariin kong tanong sa kanya, gusto kong malaman nito na unti-unti na akong nakakaramdam ng inis sa kanya.

"You've been having panic attacks since the day you sold him, bro. I'm sorry to burst your bubble but he's not here anymore, you've been in denial too this past few weeks. Now, take this medicine if you want to help yourself." Sambit ni Rex at parang bomba na sumabog sa aking harapan ang bawat salitang binitawan nito. Napalunok ako ng laway sa sobrang kaba at mariing umiling-iling.

"You're a fvcking liar." Nangangalaiti kong sambit sa kanya at sa sobrang inis at galit ko ay tinabig ko ang inilapag niting baso na may lamang tubig at ang saucer plate dahilan para magkandabasag-basag ito at magkalat sa may sahig.

"Get out." Sigaw ko rito pero imbes na sundin ako ay tinaasan lamang ako ng kilay ni Rex.

"Wake up and move on already, bro." Sambit ni Rex at akmang sasagutin ko na ito ng muling tumunog ang doorbell sa loob ng penthouse. Nagmadali akong nagalakad patungo sa may pintuan at binuksan iyon.

"Fvck! I thought you left me." Mahinang sambit ko at mabilis na niyakap si Ashton. Nakahinga ako ng maluwag nang pagbukas ko sa pintuan ay nabungaran ko ang kanyang mala anghel na mukha.

Rex is lying all along.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon