04: Rescue Plan

3K 73 3
                                        

Zie

"Akala ko iniwan mo na ako, baby." Mahinang bulong ko kay Ashton at marahang inamoy-amoy ang kanyang leeg bago ko ito pakawalan sa pagkakayakap. Hindi ko alam pero sobrang na-miss ko si Ashton na para bang ilang taon ko na itong hindi nakita.

"I'm not Ashton." Sambit nito na ikinakunot ng aking noo, sobrang seryoso ng pagkakasabi nito kaya hindi ko alam kung umaarte lang ito o hindi kaya ay binibiro niya ako.

"Enough with the pranks, baby, kanina pa kita hinahanap. Sobrang nag-alala ako nang paggising ko ay wala ka na sa tabi ko at hindi kita mahagilap sa buong penthouse. Saan ka ba galing?" Sambit ko rito pero ang seryosong mukha nito kanina ay hindi pa rin nagbabago.

"I'm not Ashton." Mariin nitong sambit at nanlaki na lamang ang aking mata sa susunod nitong ginawa, bigla kasi ako nitong sinampal ng sobrang lakas sa pisngi na feeling ko ay parang tumabingi ang aking mukha sa sobrang lakas.

"What the fvck? Para saan ang sampal na iyon?" Tanong ko na hindi na rin mapigilang magtaas ng boses dahil sa nakaramdam ako ng pagkainis sa ginawa nito.

"That was for selling my twin brother to some mafia boss. You were partying all the week habang hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kakambal ko. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay buhay pa ito and this is all your fault." Puno ng hinanakit na sambit nito at sinuntok-suntok ang aking dibdib, hindi ako nakaramdam ng sakit sa malalakas na pagsuntok nito sa aking dibdib. Hindi ko na nagawa pang pigilan ito sa ginagawa nang rumehestro sa aking isipan ang sinabi nito.

"Nicklaus?" Banggit ko sa pangalan nito dahilan para mapahinto si Nick sa pagsuntok sa aking dibdib.

"Yes! I am Nicklaus and Ashton is my fvcking twin brother na binenta mo. How could you, Zie." Sambit nito at napalunok na lamang ako ng laway sa sobrang hapo, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Nick.

"Don't you dare act as if you're having an amnesia, Zie." Dagdag ni Nick at dahan-dahang tumulo ang luha sa mga mata nito. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay parang nasasaktan ako nang makita ko itong umiiyak, hindi ko namalayan ang aking sarili na hinigit ko na pala si Nick at mahigpit itong niyakap.

"I'm so sorry, Nick." Mahinang sambit ko at hindi ko na rin maiwasang mapagaralgal ang aking boses dahil ilang sandali pa ay alam kong magsisimula na ring tumulo ang aking luha.

"Fvck! What have I done?" Tanong ko sa aking sarili at kumawala sa pagkakayakap kay Nick, napaatras na lamang ako hanggang sa maramdaman ko sa aking likuran ang maginaw na pader, doon na nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata.

Akala ko panaginip lang ang lahat ng iyon, akala ko kapag nagising ako ay makikita ko ang nakangiting mukha ni Ashton.

"It's been two weeks, Zie. Dalawang linggo na mula nang ibenta mo si Ashton at imbes na gumawa ka ng paraan para mabawi siya, anong ginawa mo? Nagpakalasing ka sa iba't ibang club at nakikipagtalik sa kani-kaninong lalaki. Pwede mo naman sigurong ibalik na lang ang pera diba? Hindi mo pa naman siguro nagagalaw iyong pera. Akala ko ba mahal mo ang kakambal ko?" Sambit ni Nick habang ako ay nakatingin lang sa kawala.

Mariin akong umiling-iling.

"I can't take him back, I don't know. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko." Tugon ko kay Nick at mukhang hindi nito nagustuhan ang narinig dahilan para lumapit ito sa akin at pinagsasampal ako sa aking dibdib.

"Puta naman, Zie. Sobrang daming paraan para mabawi mo siya, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring ginagawa, o baka naman ayaw mo na talagang bumalik pa ang kakambal ko." Sambit nito dahilan para mapahinto ako sa pag-iyak, mahina kong tinulak ito at tiningnan ito sa mga mata na puno ng galit.

"Don't you dare accused me with that!" Sambit ko at akmang lalapit na naman sa akin si Nicklaus para siguro sampalin na naman ako nang may pumigil dito.

"That's enough Nick, wala rin namang mangyayari kung magbabatuhan lang kayo ng mga masasakit na salita." Sambit ni Rex at niyakap si Nick. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay tila mas lalo lamang akong nakadama ng galit nang makitang tumugon si Nick sa mga yakap ni Rex.

Siguro ay nagseselos lang ako. Ashton and Nick looks almost identical.

"We need to come up with a solid plan to rescue Ashton." Sambit ni Rex at hindi ko mapigilang pagtaasan ito ng kilay. Habang nakatingin ako sa mukha ni Rex at Nick, alam kong sobrang nag-aalala na sila kay Ashton, bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili.

"I'm such an asshole." Sambit ko at hindi mapigilang suntukin ang pader sa aking gilid sa sobrang galit na nararamdaman ko sa aking sarili. Hindi ko tuloy mapigilang itanong sa aking sarili kung bakit hindi ko man lang nagawang subukan na bawiin si Ashton, kung bakit nagpakasasa na lamang ako sa alak para pansamantalang makalimutan na ang lahat.

"Enough with the self pity, bro. Let's talk in the living room, Nick can you get the first-aid kit?" Sambit ni Rex at nauna nang lumakad patungo sa may living room, sumunod na rin si Nick.

Habang naglalakad ako ay bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking kamay at nang tingnan ko ito ay doon ko lang napansin na masyado palang napalakas ang pagkakasuntok ko sa may pader dahilan para magdugo ang aking kamay.

"Do you have plans on what to do?" Tanong ni Rex pagkaupo ko sa may sofa, hindi ko nakita si Nick sa may living room, siguro ay hinahanap pa nito ang first aid kit na inutos sa kanya ni Rex.

"No!" Tugon ko at napabuga na lamang ng hangin sa sobrang stress.

"Well, I have one." Sambit ni Rex dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Ano?" Tanong ko sa kanya na puno ng kuryusidad. Kahit papaano ay nagkakaroon ako ng pag-asa sa sarili na maitatama ko ang aking kamalian.

"It was Luciano who bought Ashton, you knew him well, bro." Sambit ni Rex at hindi ko maiwasang mag-igting ang aking panga dahil bigla akong nakaramdam ng matinding galit pagkabigkas nito sa pangalan ng lalaking bumili kay Ashton.

"Don't tell me my hunch is right?" Tanong ko kay Rex, mukhang alam ko na kasi kung saan patungo itong usapan na 'to.

"That's the only way I can think of, bro. Luciano is the most dangerous mafia boss that ever walk in this country at alam kong isang tawag mo lang sa kanya at sabihin mo na ibabalik mo ang pera kapalit ni Ashton, alam kong papayag iyon basta ikaw." Paliwanag ni Rex pero tiningnan ko lamang ito ng masama.

"No! Hinding-hindi ko iyan gagawin. Sigurado akong may iba pang paraan, think of another way huwag lang iyon. You know me damn well, Rex. I'm not talking to that man, ever again." Mariin kong sambit kay Rex at tumango-tango naman ito, alam kong sa lahat ng tao ay siya ang mas makakaintindi sa akin kung bakit ayokong gawin ang plano na sinasabi niya.

"I don't know what to do anymore, bro. Ni hindi nga natin alam kung nasaan na si Ashton ngayon." Sambit ni Rex at sumandig sa may sofa.

"I have a plan, pero sobrang risky nito." Sambit ko dahilan para mapataas ang kilay ni Rex.

"What?" Tanong nito.

"I need to be in the mafia world." Tugon ko na ikinanlaki ng mga mata ni Rex, hindi nito inaasahan ang ideya ko.

"Why? For what?" Takang tanong ni Rex.

"I need to take down Luciano's gang if I want Ashton back at magagawa ko lang iyon kung sasali ako sa isang mafia group na gustong patumbahin si Luciano." Sambit ko at hindi ko mapigilang mapangisi dahil sa naisip kong ideya.

"You're not saving Ashton, gagawin mo lang iyan dahil gusto mong maghiganti kay Luciano." Sambit ni Rex at tinaasan ko lamang ito ng kilay at ngumisi sa kanya.

Daddy (Book 3) ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon