09: Suspicions

1.4K 51 0
                                    

Zie

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nakaupo sa kotse ni Gabriel, nasa unahan si Rex katabi ni Gabriel kaya hindi ko ito makakwentuhan ngayon, hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero parang may iba sa pagitan nina Rex at Gabriel, hindi ko lang matanto kung ano iyon. Parang may alam si Nick pero siyempre hindi ko naman ito kakausapin at tatanungin ito kung ano ang mayroon sa pagitan nina Gabriel at Rex dahil malamang sa malamang na pagtataasan na naman ako ng kilay at aakusahang tsismoso, ayokong mangyari iyon kaya pinilit ko na lamang na itikom ang aking bibig kahit na kanina ko pa gustong makipag-usap.

"Matagal pa ba tayo?" Kagaya ko ay mukhang nababagot na rin si Nick sa aking tabi at hindi na nito mapigilan pa ang sariling magtanong kay Gabriel.

Bahagya namang natawa si Gabriel bago nito tinapunan ng tingin si Nick ng ilang segundo pagkatapos ay muling itinuon ang atensyon sa may daan, "we're almost there, mga limang minuto na lang at mararating na natin ang Hacienda," tugon ni Gabriel.

"What is it like in that place?" Tanong ni Nick.

"It's a typical Hacienda, mayroong mansion, mga taniman at sakahan, may rantso rin pero ang pinakagusto ko sa lugar na iyon ay ang Murdock falls na sobrang ginaw ng tubig. Mababait din ang mga tao roon." Nakangiting tugon ni Rex dahilan para mapataas ang aking kilay sa sobrang pagtataka at pagkabigla sa sinabi niya. Dinig ko ang pagtawa ni Gabriel nang makitang matigilan si Rex nang ma-realize nito kung ano ang sinabi niya.

"This is not your first time sa Hacienda ni Gabriel? Why you didn't tell me that you've been there? At sa paraan ng pagkakasabi mo ay parang hindi ka lang isang beses nakapunta sa lugar na iyon." Takang tanong ko kay Rex, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makagalaw, ni ayaw nitong lumingon sa akin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Wala naman siguro siyang tinatago sa akin diba?

"Ah, um, yeah! I've been there twice for a business meeting." Nauutal na tugon ni Rex at hindi ko alam pero parang may parte sa aking isipan na ayaw maniwala sa sinabi ni Rex.

"Business meeting? Puro chain of hotels at resorts naman ang business mo, why are you having a business meeting with a Haciendero?" Tanong ko kay Rex at kagaya kanina ay natigilan na naman ito sa tanong ko at tila malalim na naman itong nag-iisip kung ano ang isasagot sa akin.

"Ah, um, we're negotiating about the distribution of the brand new wine that we will be launching in my hotels and resorts, right Gabriel?" Tugon ni Rex at pinandilatan ng mata si Gabriel na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang malokong ngisi sa kanyang mga labi.

"Diba Gabriel? Puta ka tulungan mo ako rito." Naiinis na sambit ni Rex, halos pabulong lang ang pagkakasabi niya noon na para bang ayaw niyang iparinig sa akin ang sinabi niya pero dahil sa sobrang tahimik sa loob ay narinig ko pa rin ang sinabi nito kaya mas lalo lamang napakunot ang aking noo.

"Yeah! Rex is right, Zie." Sambit ni Gabriel at hilaw namang napangiti si Rex sa akin.

"Stop interrogating them, Zie. We're not here to dig their relationship." Maarting sambit ni Nick at sabay kaming napatingin ni Rex sa gawi nito. Kung nakakapatay lang ang mga titig ay siguradong pinaglalamayan na ngayon ang katawan ni Nick sa paraan ng pagkakatitig ni Rex sa kanya.

"What do you mean?" Takang tanong ko kay Nick pero tinaasan lamang ako nito ng kilay at tumingin kay Rex na para bang sinasabi nitong mag-relax lang si Rex dahil hindi niya ito ipapahamak.

"What I mean is their business relationship, it's boring and I don't want to hear about it." Nakangising tugon ni Nick. Dinig ko ang pagbuga ni Rex ng isang malalim na hininga.

"Okay, one last thing, tell me that it's just a coincidence na kapangalan mo iyong falls doon sa Hacienda ni Gabriel." Tanong ko kay Rex at kita ko ang paglunok nito ng laway. Hindi ko mapigilang itanong ang bagay na iyon dahil nag-aalala ako kay Rex, alam ko kasing may hindi ito sinasabi sa akin at kung may problema man ito gusto kong ako ang unang makaalam niyon at tumulong sa kanya dahil na rin sa dami ng mga itinulong niya sa akin.

"It's just a coincidence, Zie. I didn't even know that Rex name is also Murdock?" Tugon ni Gabriel nang makitang hindi na alam ni Rex kung ano ang isasagot niya sa akin.

"My real name is Rex Murdock Mendez, but I don't like my second name kaya I go by the name Rex." Sambit ni Rex at tumango-tango naman si Gabriel.

Siguro nga ay coincidence lang iyon. Hindi na ako nag-usisa pa at pinili na lamang na manahimik, baka mainis na rin si Rex sa akin sa sobrang dami kong tanong sa kanya.

"We're here." Sambit ni Gabriel, magkasabay kami ni Nick na tumingin sa labas ng bintana at doon ko nakita na papasok na kami sa isang sobrang taas na gate na mayroong nakalagay sa taas na 'Welcome To Hacienda Montenegro'.

"Mukhang maganda rito, Gabriel." Komento ni Nick at halata talaga sa boses nito na namamangha ito sa nakikita niya sa labas.

Maski ako ay hindi mapigilang mamangha sa tanawin sa labas pero mas pinili ko na lamang na sarilinin ang aking nararamdaman, para kaming lumabas sa ibang bansa, mayroong matataas na puno sa labas at mga halaman, sobrang linis tingnan nito kaya napakasarap sa mata.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan ni Gabriel sa harapan ng isang mansion, hindi na ako masyadong nabighani sa laki ng mansion dahil kung titingnan ay mukhang mas malaki at maganda ang mansion na pag-aari ni Rex.

"Kagaya pa rin ito ng dati, Gab." Sambit ni Rex at bahagyang ngumiti.

"Yeah! Wala akong binago sa lugar na ito, kagaya pa rin ito ng dati nang iwan mo ang lugar na 'to." Tugon ni Gabriel na kahihimigan ng lungkot ang boses, kita kong natigilan si Rex at napalunok ng laway.

Hindi ko alam pero parang muling nabuhay ang kuryusidad na nararamdaman ko sa pagitan nila kanina. Parang mayroon talagang hindi sinasabi sa akin si Rex pero hindi ko ito pipilitin na magsabi sa akin ngayon, baka kailangan pa nito ng oras kaya hihintayin ko na lamang na maging komportable na itong sabihin sa akin kung ano man ang namamagitan sa kanila ni Gabriel.

"Let's get inside." Sambit ni Gabriel at kinuha ang dalang maleta ni Rex, kinuha ko na rin ang aking maleta at sumunod na sa paglalakad kina Rex at Gabriel.

Daddy (Book 3) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon