DR 7

3.1K 131 3
                                    

"What the? Kari, Uuwi na ako!" Inis kong sabi sa taong humihila sa akin ngayon.

Pinagtitinginan na kami ng mga kapwa namin estudyante. Marahil ay nagtataka sila sa nakikita nila sa amin.

Ngayon kasi ang simula ng practice nila Kari at ang kaninang plano ko na umuwi sana ng maaga ay napurnada ng dahil sa kanya. Hinila ba naman ako nung nagsabi akong uuwi na! Maging si Kylie ay nagugulat sa paghila nya sa akin pero sa huli ay natatawa nalang na sumunod sa aming dalawa.

"Shut up," she hissed. "You're going with me wether you like it or not!"

"Sapilitan ba 'to? Practice nyo yun, bakit kasama ako?! Hindi naman ako member ng cheering squad eh!" Pagrereklamo ko.

"I don't care, and shut the fuck up!"

"Sumama nalang tayo," natatawang sabi ni Kylie.

Napasimangot nalang ako at hinayaan ko nalang na hilahin ako ni Kari hanggang sa makapasok kami sa gymnasium.

Bumati sa amin ang mga members ng cheering squad. Katulad ng ibang estudyante ay nagugulat din sila na hila-hila ako ng Captain nila. Napangiti nalang tuloy ako ng alanganin sa kanila at bumati din. Samantalang si Kari naman ay naka'poker face at dedma lang sa paligid.

"Stay here and don't you ever do something stupid,"

Pagkatapos nyang sabihin yun ay iniwan na nya ako kasama ni Kylie. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng katabi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Talagang nakakapanibago si Colyn ngayon,"

"Ang dami mo namang napupuna. Observant ka girl?"

Tinawanan nya lang ako saka ako nginitian ng nakakaloko.

Buong practice nila, kung hindi ako nanonood, nagcecellphone lang o di kaya nagdadaldalan kami ni Kylie. Minsan din nararamdaman ko nalang na panay ang sulyap sa akin ni Kari. Baka akala nya siguro tatakas ako para makauwi na. Sus, kung kaya ko lang edi sana kanina ko pa ginawa.

Nagulat ako sa pagsiko ni Kylie sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay. Pero imbis na ako ang tingnan nya, nakatingin sya sa harap namin at may tinuturo sya sa akin.

"Tawag ka," sabi nya pa.

Nilingon ko naman ang tinuturo nya at si Kari yun. Nakaangat ang kilay nya sa akin at nagroll eyes pa. Tinaasan ko nga din ng kilay.

"Abot mo sa akin ang tubig at bimpo ko," utos nya.

"Ano? Hinila mo ako dito para maging alalay mo?" Naiinis kong tanong.

She smirked at me. "Why? May angal kaba don?"

Narinig kong nagpipigil ng tawa si Kylie sa tabi ko kaya sya naman ngayon ang siniko ko. Ayan tuloy ang sama na din ng tingin nya sa akin.

"Oo! Bahala ka dyan!" Sagot ko.

"Ako nalang gagawa, Colyn." Nanlaki ang mga mata ko ng sumulpot sa gilid namin si Ken at akmang kukunin na ang sports bag ni Kari. Nandoon kasi yung mga gamit nya.

"Hoy, tumigil ka unggoy." Inis kong singhal saka ko hinablot ang sports bag na hawak na nya.

Nilabas ko ang tumbler at bimpo ni Kari. Kita ko ang ngiting tagumpay nya. Napaikot nalang tuloy ako ng mata.

"Oh," padabog kong binigay sa kanya.

"Nagdadabog kana ngayon? Wag kana nga. Si ken nalang," sabi nya sabay lakad palapit kay Ken.

"Subukan mo," nagbabanta ang mga tinig na sinabi ko sakanya.

Hindi nya ako pinansin. Patuloy lang syang naglakad at talagang tinawag pa nya si Ken. Eto namang si unggoy, ngiting-ngiti sa kanyang lumapit.

Alam ko namang nang-aasar lang sya sa akin. At ako naman itong napipikon na talaga. Sa sobrang inis ko, padabog kong binaba ang sports bag ni Kari sa bench. Sinamaan ko pa si Kari ng tingin pati na din si Ken na nakatayo na ngayon sa harap nya bago lumayas sa lugar.

Magsama sila.

Dinig kong ang pagtawag ni Kylie sa likod ko pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. Kahit walang ginagawa si Ken sa akin na masama, pakiramdam ko sobrang laki ng kasalanan nya sa akin para maging ganito kalaki ang galit na nararamdaman ko sa kanya ngayon.

Tapos etong si Kari, ay nako! Hindi naman talaga ako pikunin e. Pero bakit napakadali ko yatang napikon ngayon dahil sa ginawa nya?

Ang gulo talaga! Ayaw ko ng ganito!

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon