DR 20

3.1K 141 2
                                    

Nakatulala lang ako ngayon sa balkonahe ng sarili kong kwarto. Iniisip kung ano na bang nangyayari ngayon kila Ally sa school. Ang higpit na din ng pagkakahawak ko sa sariling kamay dahil sa sobrang kaba.

Mahahalata kaya nila ang pagbabago ngayon ng isang Averil? Isa yan sa mga inaalala ko.

Iniisip ko din si Kari. Paano na kaya mamaya nito? Paano ako haharap sa kanya pagkatapos ng lahat ng panloloko ko? Hindi ko yata kakayanin harapin ang kanyang galit at poot kung ganon. Sinabi kong maghahanda ako pero hindi ko yon ramdam ngayon. Pakiramdam ko, bumabalik ako sa umpisa. O baka naman niloloko ko lang ang sarili ko?

"Ma'am Adi, kumain na po kayo."

Doon lang ako kumilos mula sa malalim na pag-iisip. Ilang oras na din pala akong nasa ganitong posisyon. Simula nung pagpasok ni Ally sa school ay nakatanaw na ako dito sa balkonahe ng kwarto ko. Hindi ko na namalayan pa ang oras sa sobrang pag-iisip.

"Anak, bakit ngayon ka lang bumaba? May problema ba? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Mama.

"Wala po, Ma. Medyo tinanghali lang po ng gising." Pagdadahilan ko.

Agad naman ako nitong inasikaso. Tinatanong nya ako kung ano ba ang mga gusto kong kainin at sya na mismo ang naglalagay nito sa plato ko. Medyo nahihiya na nga ako at pinapatigil ko na sya ngunit sya itong makulit.

"Gusto ko lang pagsilbihan ang bunso ko," madamdaming saad ni Mama.

Nauna kasi ng limang minuto si Ally sa akin kaya kung tutuusin, sya ang Ate sa aming dalawa.

Ngayon sa ginagawa nya, pakiramdam ko wala na akong kulang. Na kumpleto na ang buo kong pagkatao. Lahat ng hinihiling ko kay God, nangyari na. Mukhang kailangan kong magsimba para makapagpasalamat sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Puro kwentuhan lang ang nangyari sa pagitan namin ni Mama. Kinwento nya ang mga nangyari sa kanila sa States pati narin ang paggising ni Averil doon. Maging ang bawat reaksyon ng kambal ko nung nalaman nyang nandito na ako sa Pinas at hinihintay na ang pagbabalik nya.

Sa mga kwento pa lang ni Mama, kita kong sabik na sabik si Ally sa presensya ko. Sa mga unang kwento pa lang sa akin ni Papa noon, alam ko naman na matagal na akong hinihintay ni Ally. Nitong dalawang araw nga na lumipas, hindi talaga kami napaghiwalay. Pinakita nya sa akin isa-isa ang mga binili nyang regalo para sa akin sa mga nagdaang okasyon at birthday namin. Maging ang mga litrato nya simula bata hanggang ngayon, pinakita nya din. Kinwento nya pa nga ang kabataan nya.

Kaya ganun na din ang ginawa ko. Halos tutok na tutok sya sa bawat pangyayaring binabanggit ko sa kanya. Kung minsan ay nagtatanong sya pero madalas ay tahimik lang syang nakikinig. Binanggit ko na nga din sa kanya ang pagsali ko sa battle of the bands sa school na sya namang ikinatuwa nya lalo. Pero hindi parin talaga maiwasan na mabanggit sa ang pangalan ni Kari sa kwento. Sobra nga ang inis nya nung nalaman yung tungkol kay Ken e. Pero nilinaw ko naman sa kanya na wala na yun. Na sumuko na ang binata kay Kari.

Buong hapon kaming nag'bonding ni Mama. Tinuruan nya akong magbake ng cookies at cakes. Nagpapasalamat pa nga ako na ginawa namin yun nang sa ganon ay hindi ako maburyo sa bahay at isipin nanaman ang mga mangyayari mamaya sa pagdating ni Ally.

Nakaligo at nakabihis na ako matapos naming magbake ni Mama. Nakaupo lang ako muli sa pwesto ko kaninang umaga dito sa balkonahe, naghihintay sa pagdating ng kambal ko kasama ng barkada.

Inabot na ako ng gabi kakahintay ng dumating ang kambal ko.. na mag-isa lang at walang kasama. Mukhang malalim ang iniisip nito at bahagya pang nakakunot ang noo nya ng makasalubong ko sya sa sala. Nakaramdam ako agad ng kaba.

"A-ally.. what happened?" Bungad ko.

Umupo ito sa sofa at marahan na hinilot ang kanyang sentido. "Adi, kung okay lang.. wag na muna sana nating sabihin sa kanila. Hindi pa siguro ito ang tamang oras para doon,"

Naiwan akong nakatitig kay Ally. Bakit naman hindi pa ito ang tamang panahon para don? Gusto nya bang pahabain pa ang panloloko namin sa mga kaibigan nya? Tsaka paano na si Kari? Hindi nya na malalaman ang katauhan ko.

Pero hindi ba't hindi mo pa kaya harapin ang galit ni Kari sayo? Sabat ng aking isip.

"Kung hindi ngayon, kailan natin sasabihin Ally?"

"Just give me time to at least bond with them, Adi. Matagal akong nawala. Ayokong galit nila ang unang harapin ko pagkatapos ng mga nangyari sa akin. I'm sorry if I choose to do this, Adi. Believe me, I want to clear things out but It's just that.. I think this isn't the right time to do that,"

Huminga ako ng malalim bago sya niyakap. "It's okay. I understand,"

"Thanks, Sis." Yumakap din ito sa akin.

Pagkahiwalay namin ay inaya ko na sya agad sa hapag. Nandoon na din ang magulang namin at hinihintay na ang pagdating namin.

Nagsimula kaming kumain. Masaya kami muling nagkwentuhan na tila ba hindi kami nagsasawa sa nangyayari. Ilang beses na din kaming ganito at sa totoo lang, ang sarap sa pakiramdam na napupuno ng halakhak ang buong hapag.

Ngunit may kung ano akong napapansin kay Ally. Kung minsan ay nahuhuli ko syang nakatulala lang sa pagkain na nasa harap nya. Katulad kanina ay mukhang nasa malalim parin itong pag-iisip. May problema ba sya?

Kaya nung natapos kaming kumain ay hindi na ako nakatiis at tinanong sya sa kanyang kwarto.

"What's the problem, Ally?"

Nakapajama na ito at nakayakap sya ngayon sa tuhod nya. Kita ko ang pangamba sa kanyang kabuuan kaya linapitan ko na ito sa pwesto nya.

Tinitigan nya ako. Yung titig na tagos hanggang sa kaluluwa ko. Yung titig na.. inaalam kung may tinatago ba ako sa kanya. Nagsimulang kumabog ng matindi ang puso ko.

"Adi.. will you please be honest to me?" Nahigit ko ang aking hininga. Mariin ko nanamang hinawakan ang laylayan ng damit ko na para bang doon ako humuhugot ng lakas sa mga oras na ito.

"Do you like her?.. Do you like Colyn?"

Ang puso ko ay para ng lalabas mula sa dibdib ko. Sa tindi ng pagkabog nito ay kahit yata anong uri gamot na pampakalma ay hindi ito tatalab. Heto na ba? Dapat ko na bang aminin kay Ally? Siguro nga dapat ko ng gawin yon. Ayoko na din itong patagalin pa. Ayoko ng ilihim pa ito sa kanya...

Pumikit ako ng mariin. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sana sagutin ang tanong nya ng muli itong nagsalita na syang naging dahilan para maging duwag nanaman ako.

"I don't know what I would feel if you have feelings to her, Adi. Hindi ko na alam ang gagawin. Mahal ko na si Colyn. Sya nalang ang taong nakikinig sa lahat ng hinaing ko. Sya nalang yung taong nagstay sa tabi ko. Wala na akong iba pang hiniling kundi ang magustuhan nya din ako, Adi."

I can't take it anymore. Hindi ko na kayang makita si Ally na ganitong nanghihina ng dahil kay Kari at sa akin. Naturingan akong importante sa buhay nya, pero heto at nagbibigay ako ng sakit sa buong pagkatao nya.

"Kaya kung mayroon ka man na nararamdaman para sa kanya, pigilan mo o kaya kalimutan mo na. Ayokong magkaroon nanaman ako ng hinanakit sa parehas na dahilan. Ibigay mo nalang sa akin si Colyn, Adi. Parang awa mo na, please..."

Sa mga nakikita ko palang ngayon sa kanya, alam kong hindi nya lang basta mahal si Kari. Malaki ang koneksyon nito sa buhay nya. Kung sana, hindi ako nawala sa pamilyang ito, ako pa sana ang gumawa sa mga nagawa na ni Kari sa kanya. Hindi yung ako pa yung dahilan ng pasakit nya sa pamamahay na ito. Dinamayan ko sana sya katulad ng ginawa ni Kari.

Huminga muli ako ng malalim. Ally, my twin sister deserves her more. Walang-wala ang nararamdaman ko kumpara sa nararamdaman ng kapatid ko kay Kari. Wala akong laban sa lahat ng pinagdaanan nya at sa lalim ng pagmamahal nya sa taong gusto namin...

"D-don't worry, hindi ko kayo guguluhin ni Kari. I only see her as a friend, nothing more, nothing less. Do not treat me as your rival, because I don't have feelings to your girl. Believe me, Ally."

The moment that I told her all of that shit, I considered this situation as my deepest regret for the rest of my life.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon