"Kari Nicolyn Seda na po,"
Yun na ang hudyat ko para tuluyan ng lumapit sa kanya.
I grab her arm. Nagulat pa itong napaharap sa akin maski ang tatlong ginang na kausap nya.
"Addison!" Nagugulat na aniya.
"Ay jusko namang bata ka, Adi! Ba't ka naman bigla-bigla nanghihila?" Sabi sa akin ng isang ginang, yung kausap kanina ni Kari.
"Pasensya na po, pero kailangan ko lang pong kausapin si Kari."
Naguguluhan parin naman ako hanggang ngayon sa mga nangyayari. Biruin mo, nasa harap ko ngayon ang taong hindi ko inaasahan na makita sa mga oras na ito. Sa lugar kung saan ako lumaki, kung saan ako nagka-isip. How come that she's here? Don't tell me...
"Let's go somewhere... Abby,"
After nyang sabihin yun ay sya naman itong humila sa aking braso palayo sa plaza.
"What the hell is going on here, Kari? Why are you here? Are you stalking me?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
Hindi nya man lang ito pinansin lahat. Sinamaan nya lang ako ng tingin kaya agad akong nanahimik.
Maya-maya lang ay napapansin ko na ang daan na tinatahak namin. Hindi naman kasi madilim sa mga dinadaanan namin dahil sa mga poste na may ilaw kaya malinaw ko tuloy na nakikita na nasa park na kami. Dumiretso kami sa duyan at doon kami umupo.
Tanging lagaslas lang ng mga dahon ang ingay na nangingibabaw sa pagitan namin. Maging ang ihip ng hangin ay nagsisilbing magandang tinig sa aking pandinig ngayon.
"So, Kari? Care to explain why are you here?" Panimula ko.
"I don't know if you're just pretending to be stupid or talagang stupid kana talaga?" Tila ba napipikon na nitong ani.
Napakunot ang noo ko tuloy sa kanyang sinabi. "Pwede bang sagutin mo nalang ang tanong ko?"
Nakakainsulto man ang kanyang sinabi ay hindi ko na iyon pinansin pa. Naguguluhan ako! At kailangan nyang masagot ang mga tanong na nabubuo ngayon sa isip ko.
Bumuntong-hininga ito. "Really, Abby? Hindi mo talaga ako maalala?"
"Abby? What the hell? Alam nating parehas na hindi Abby ang pangalan ko, Kari."
"But that was I called you when we we're young, Adi. You're my Abby..." Napabuga ako ng marahas na hininga. Pero agad din naman akong namula dahil sa kanyang huling sinabi.
My Abby? The heck! Ano ba, self?! Kalma! Naguguluhan kapa! Mamaya kana kiligin!
Napatingala ito sa langit at pumikit lang saglit, bago nya akong tiningnan muli. "I told you that this place is a paradise for me, didn't I?"
"Yeah, and this place also reminds you of your first love, right?" Sagot ko naman.
Ngumiti ito.. yung abot hanggang kanyang mata bago nya ako tinanguan. Ang ganda talaga!
"Right. Hindi mo talaga matandaan, Adi?" Umiling ako kaya napabuntong-hininga syang muli. "Dito sa lugar na'to... dito tayo nagkakilala. Ako yung batang bungi na binu-bully nila Dennis noon,"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig saka ako marahan na umiling-iling. Tiningnan ko pa sya mula ulo hanggang pa. What the hell?
"Ang panget mo, bungi!"
"Oo nga! Wag ka nga dito! Hindi pwede ang bungi dito!"
"Siguro nadapa ka tapos una mukha no? Kaya siguro nabungi ka! Hahahaha!"
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomansaI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison