"Apo, bakit ba nagmumukmok ka dyan sa kwarto mo? Lumabas ka dyan at harapin mo ang mga kaibigan mo aba,"
Umagang-umaga, ang sermon agad ni Lola ang pinang-almusal nya sa akin.
Kahapon lang nakaalis si Ally. Pagkatapos namin syang ihatid sa airport ay nagpunta naman ako agad dito kay Lola. Simula nung makarating ako dito ay nagkulong lang ako sa kwarto, umiiyak dahil nalulungkot parin ako sa desisyon na pag-alis ng kambal ko.
Kaya din ako nagkulong sa kwarto dahil ayoko munang harapin ang mga kaibigan ko, lalo na si Naomi. Hindi parin naman kami nakakapag-usap simula nung birthday ko. Ewan, ayoko pa syang harapin ngayong ganito ang lagay ko.
Maya-maya lang ay nadinig ko na ang papalayong yabag ni Lola kaya napahinga ako ng maluwag.
Napatingin ako sa teddy bear na nasa tabi ko. Malungkot ko itong tiningnan. Kung isang photo album ang binigay ko kay Ally, ang sa kanya naman ay itong teddy bear. Sinama ko ito dito dahil masarap itong yakapin sa tuwing natutulog ako. Ang lambot nya kasi masyado e. Nag-umpisa nanamang tuloy pumatak ang luha mula sa mga mata ko dahil naalala ko nanaman ang kambal ko. Tsk, Ally kasi eh!
Inabot na ako ng tanghalian ng nagpasya akong bumaba. Aba, tao parin naman ako kaya nakakaramdam pa din ako ng gutom 'no!
"Adi!" Sinalubong ako ng yakap ni Sandy pagdating ko sa kusina.
Nakita ko din si Naomi na nakaupo na sa hapag habang nakatingin ng malungkot sa akin. Saglit ko lang syang tiningnan bago ko tuluyang kinausap si Sandy na hanggang ngayon ay parang tarsier na nakakapit parin sa akin.
"Bitaw na oy! Masakit sa batok," Reklamo ko na agad naman nyang ginawa.
Lumapit ako sa hapag at naupo na sa tabi ni Lola. Kaso nga lang, hindi pa nag-iinit ang pwetan ko sa upuan ay isang pinong kurot sa tagiliran ko ang natanggap ko mula kay Lola.
"Aray 'La!" Gulat kong singhal.
"Aba, sumisigaw kana ngayon, Addison?"
"H-hindi po. Nagulat lang po ako, Lola.." pagtanggi ko.
Dinig ko ang mahihinang pagtawa ng dalawa sa harap ko kaya pinagsisipa ko nga ang mga binti nila. Agad naman silang tumigil at inubo pa nga si Sandy habang si Naomi naman ay napainom ng tubig.
Natapos kaming mananghalian at ngayon nga ay nasa kwarto ko na silang dalawa. Kakaibang katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. Ngunit hindi din naman ito nagtagal dahil hindi na nakatiis si Sandy.
"Ganito nalang kayo?" Para syang nanay namin na naii-stress na sa kanyang mga anak. "Wag nyo na ngang patagalin 'tong misunderstanding nyo! Nakakainis naman kayo eh,"
Nagkatinginan kami ni Naomi saglit bago nagtawanan. Nagtataka tuloy si Sandy sa nasaksihan nya. Saka lang sya nakabawi at inisa-isa kami ni Naomi sa paghampas ng unan.
"Mga bwisit talaga kayo!" Ani nya habang panay pa din ang hampas sa amin ng unan.
"Aray!! Tama na, ano ba!" Reklamo ko.
Tumigil naman na ito saka nagkrus ng braso sa kanyang dibdib habang nakanguso.
"Pwede ng sabitan ng timba yang nguso mo sa sobrang haba. Akala mo ba, cute ka dyan? Mukha kang pato, oy!" Pang-aasar sa kanya ni Naomi.
Ngunit hindi man lang ito pinansin ni Sandy. Napailing nalang tuloy ako sa nakikita. Isip bata talaga.
Panibagong katahimikan nanaman ang nangingibabaw sa apat na sulok ng kwarto ko pero this time, hindi na si Sandy ang bumasag nito kundi si Naomi.
"I'm sorry, Adi..."
Nanatili akong tahimik at inabala ang sarili sa pagyakap sa teddy bear na bigay ni Ally. Hahayaan ko muna syang magsalita at ipaliwanag ang side nya.
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomanceI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison