I am now at the Mall with my twin sister, Allison. Inaya nya ako kanina pagkatapos naming kumain ng tanghalian. Bonding daw naming dalawa. Pumayag naman ako agad since gusto ko din naman na magkaroon ako ng memories kasama sya. At isa pa, eto ang unang moment kung saan kasama ko syang mag-sa-shopping sa mall.
Kung noon na hindi ko pa alam na may magulang at kapatid ako, baka hanggang window shopping lang ang magagawa ko pero ngayon? Iba na ang sitwasyon. Ang dami ko na ngang buhat na paperbags na may lamang bags, clothes even accessories na bigay sa akin ni Allison. Kada bili nya, binibigay nya lang ang credit card nya sa sales lady at ayon, solve na ang problema.
Mayroon na din naman akong cards katulad nya. Ayaw nya nga lang ipagamit yon dahil gusto nya, sya ang taya ngayong araw na ito. Medyo nag-aalangan nga ako ngayon e. Nanghihinayang kaya ako! Ang laki na masyado ng nagagastos ni Ally para sa mga hindi naman gaanong importanteng bagay. Hindi naman nya pera yon lahat. Galing yon sa parents namin. Pinalaki kaya ako ni Lola na hindi gastador. Kaya nga yung laman ng Atm ko konti lang ang nababawas simula nung bigyan ako ni Papa. Naiipon lahat ng allowance ko doon kada buwan at siguro, wala pa sa 10k ang nagagastos ko doon.
Natatawa na nga lang sa akin si Papa e. Napaka kuripot ko daw. Eh ano bang gagawin ko doon? Gastusin sa mga ganitong bagay? Hindi naman ako mahilig magshopping. Ito ang isa sa pinagkaiba namin ni Ally e. Siguro kung lumaki ako sa puder nila, baka katulad na ako ni Ally.
Nag-suggest na nga si Papa na kaysa nakatambak ang pera ko sa Atm, mag-invest daw ako sa mga lumalagong company na sya namang ginawa ko. Ginagabayan lang ako ni Papa sa mga yun. He's been proud of me ever since I did that. Ang wais ko daw mag-isip at may future daw talaga ako sa business.
"What kind of food do you want?" Tanong sa akin ni Ally pagkatapos naming ilagay sa kotse nya ang mga pinamili namin.
Napagpasyahan kasi naming kumain na muna bago umuwi. Sa tagal ba naman ng pag-sa-shopping namin, sinong hindi mapapagod at magugutom doon.
"Let's go to Jollibee," Sagot ko na ikina-kunot naman nya ng noo. "What? Ayaw mo ba doon?"
"No, it's not that. Hindi ko pa kasi nata-try kumain doon."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Jusko, Ally! You missed the most precious moment in your life!"
"What do you mean by that?" Naguguluhan nitong tanong.
"Sa klase ng buhay namin noon, isa ang Jollibee sa mga nagbibigay ng saya sa aming kabataan noon."
Nakangiti pa ako habang sinasabi yon. Naaalala ko kasi nung mga panahon na dinadala ako ni Lola doon para i-celebrate namin ang kaarawan ko o ang kahit anong okasyon na nangyayari sa buhay namin.
Isang chicken joy, spaghetti at sundae lang ang ibigay sa akin ni Lola noon pakiramdam ko daig ko pa ang nanalo ng lotto. Oo, ganon kababaw ang kaligayahan ko noon! Syempre, bata pa ako noon e.
Pero ngayon, iba na ang standard ko para masabi kong kaligayahan ko na yon. Alam nyo ba kung ano na ang standard ko? Umpisahan natin sa isang pangalan na Kari. Isang Kari na kailanman ay hindi na yata magiging kaligayahan ko dahil una palang, kaligayahan na sya ng iba.
Speaking of her, hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin ang sinabi nya. Lalo na ang gusto nya pang itawag ko sa kanya. Magtatagal pa nga sya sa pagkausap sa akin kung hindi lang nagsalita si Ally di kalayuan sa pwesto namin, hinahanap si Kari. Nawala ang atensyon nya sa akin at napunta sa boses ni Ally na tinatawag parin sya kaya nakakuha ako ng tyempo para makatakas sa kanya.
"How's the food?" Tanong ko kay Ally habang nilalantakan ang spaghetti. Tapos ko na kasing kainin ang chicken joy ko.
"It's delicious," Nakangiting sagot ni Ally. Sya naman ay nasa fries na. Naunahan pa nya akong maubos ang chicken joy at spaghetti. Nagrequest pa nga sa akin na magtake-out ng bucket meal ng chicken joy.
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomanceI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison