DR 10

3.3K 133 0
                                    

Dumating ang Lunes at nakatambay kami ngayon sa garden ng school. Pagkatapos kasi ng unang subject namin sa umaga, nagkaroon ng meeting ang mga professors kaya heto at dito namin naisipang magpalipas ng oras.

"Puro na din pala kayo practice ngayon, Cody 'no?" Si Kylie. Katabi nya si Jaylord na ngayon ay sinusubuan na sya ng pagkain na binili namin galing sa cafeteria.

"Oo, grabe nga si Coach sa amin eh. Sa inyo ba dude?" Tanong nya kay Jaylord.

Parehas kasi silang captain. Si Jaylord ay Captain ng soccer team samantalang si Cody ay Captain naman ng basketball team.

Ang daming nakakakilala sa grupo namin sa campus. Puro ba naman mga may katungkulan eh. Yung dalawang lalaki, captain ng dalawang sports. Si Kylie naman ay Secretary ng Student Council. Si Kari ay Captain ng cheering squad. Si Blair naman ay editor-in-chief pala ng Newspaper na nilalabas ng school at kabilang din doon si Averil, photographer kasi sya ng campus.

Kaya nagtataka sila Kylie noon na hindi sasali ang kilala nilang Averil sa photography competition ngayon.

"Ganun din. Sobrang higpit na nya ngayon. Naiintindihan ko naman kasi dude,"

Abala naman ako sa pagtipa sa cellphone ko dahil nag-uusap kaming tatlo ni Sandy at Naomi sa group chat ngayon. Nagpaplano ang dalawa na magkita kami ulit next weekend eh.

Naomi Esquivel: Ikaw naman kaya ang lumuwas ng Maynila Sandy?! Hindi yung feeling VIP ka na kailangan naming puntahan palagi ni Addison.

Napatawa ako sa nabasa. Oo nga pala, dito na din pala nag-aaral sa Manila si Naomi. Nabanggit ko na din ang nangyayari sa akin ngayon pati narin ang pagpapanggap ko. Kaya if ever na magkita ang landas namin dito sa Manila ay hindi na ako mababahala.

Nawala lang ang atensyon ko sa cellphone ng banggitin ni Blair ang concert date na nangyari kila Kari at Ken.

"Masaya ba syang kasama? Nag'enjoy kaba girl?" Tanong ni Blair.

Nagmamasid lang ako sa dalawa. Hindi ko din maiwasang hindi makinig dahil kahit ako ay curious sa nangyari. Aba, hindi kaya ako tinigilan ng utak ko kakaisip sa kung ano bang kinalabasan sa date nila Kari.

Sana talaga panget ang kinalabasan.

"It was good. Maroon 5 kaya yon," sagot naman ni Kari. Pasimple akong napairap sa kawalan. "Ken is also a nice guy. There's nothing wrong to him. May sense of humor." Dagdag nito.

Nalukot ang mukha ko, hindi natutuwa sa narinig. Ngayong naamin ko sa sarili kong may gusto na ako kay Kari, wala na akong problema na ipakita na nagseselos ako sa mga naririnig ko ngayon. Aware sila na may gusto ang isang Averil kay Kari. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi si Averil ang kasama nila ngayon kundi ang kakambal nya na si Avery, which is ako nga.

Nagdecide na din akong hayaan na muna sa ngayon ang nararamdaman ko kay Kari. Alam kong hindi dapat pero anong magagawa ko? Kahit piliin kong umiwas at pigilan ang nararamdaman kong ito ay mahihirapan ako. Lalo na at kasama at nakikita ko madalas si Kari.

Nakabawi lang ako mula sa malalim na pag-iisip ng magtilian sila Kylie at Blair sa tabi ko. Nilibot ko tuloy ang tingin ko sa paligid at nahinto lang iyon ng mapatingin ako sa gawi ni Kari.. na ngayon ay kausap na si Ken.

Takte naman?! Natapos na ang date nila ah?! Bakit panay parin ang dikit nito kay Kari?!

"Anong ginagawa ng unggoy na yan dito?" Tanong ko kay Kylie. Tutal sya naman ang pinakamalapit sa akin.

"Nagbigay ng chocolates si Ken sa kanya."

Napaikot ako ng mata. Papansin.

Kita kong natutuwa si Kari sa ginawa ng lalaki. Panay pa ang sulyap nya sa paperbag na hawak nya, mukhang tinitingnan ang mga chocolates doon. Hilig talaga nito ang chocolates e.

"Okay lang ba kung ayain kitang maglunch sa labas mamaya?" Maya-maya lang ay tinanong sa kanya yun ni Ken.

Nag-init ang ulo ko dahil doon. Nakipagdate na nga sa kanya tapos hihirit pa sya?!

"Hindi pwede," ako na ang sumagot. "Masyado ka yatang abusado, Ken?"

Nakita kong sumama ang tingin sa akin ni Ken pero agad din yung nawala. Bumaling muli sya kay Kari, hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

Naiwan akong nakatingin kay Kari. Kita ko sa mga mata nya na hindi nya nagustuhan ang pagsabat ko sa usapan nilang dalawa.

"Maybe some other time nalang, Ken." Sagot nito kay Ken. Matutuwa na sana ako sa narinig ng tingnan nya ako ng ubod ng sama.

Umalis si Ken ng bigo pero bago pa man sya tuluyang makalagpas sa akin ay sinamaan nanaman nya ako ng tingin. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya, may kasama pang pag-irap.

"Wag kang bastos, Ally." Si Kari habang tinatabi na sa bag nya yung bigay ni Ken.

"Don't tell me, gusto mo na si Ken?"

Tinaasan nya ako ng kilay. "Ano naman sayo? Wala kang karapatan na magdesisyon sa kung ano man ang gusto kong mangyari sa buhay ko, Ally. Hindi kita magulang at mas lalong hindi kita girlfriend,"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Nung nakaraan lang nagtatanong ka sa akin ng 'Do you want me to go' ah? Iyon sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero mas pinili ko nalang na wag ng sabihin.

Ramdam ng buong barkada ang tensyon na namumuo sa pagitan namin ni Kari. Napalunok ako at inayos ko ang buhok ko na nagulo dahil sa biglaang pag-ihip ng hangin.

"Right," mapait akong ngumiti. Sinulyapan ko si Kari at kita kong nabigla din sya sa sinabi nya sa akin. "I'm sorry, Colyn. Hindi na mauulit,"

Pagtapos kong sabihin yun ay sinabit ko na ang bag ko sa balikat ko at nagpasya na akong lisanin ang lugar.

Hapon na at nandito na kami sa room. Nagpatuloy na ang klase dahil natapos ang meeting ng mga professor kaninang tanghali. Madaming discussion na nangyari pero ni isa doon ay wala man lang akong natutunan.

"I have announcement class," Sabi ng prof namin ng natapos na ang discussion nya. Napahinto tuloy kami sa pagliligpit ng mga gamit namin at tahimik na nakinig sa kanya.

"Pamilyar kayo sa battle of the bands diba?" Sumagot naman sila ng 'yes, Sir' kaya nagpatuloy muli si Prof. "Napag-usapan naming mga kapwa guro na bukod sa Music Club ay pwedeng mag-audition ang mga ibang estudyante doon. Kaya kung may gustong sumali ay sisimulan ang audition bukas ng 9AM, hanggang friday lang iyon. So, goodluck sa mga sasali. Class dismissed,"

Napangiti ako sa narinig at dahil doon ay napansin yun ni Kylie. "Don't tell me, sasali ka?" Tanong nya habang palabas na kami sa room.

Nasa labas na din si Kari at naghihintay sa amin ni Kylie.

"Pwede din, Kylie. Basta, bahala na." Sagot ko.

Wala naman problema kung sasali ako. Nung high school ako, palagi akong pinapakanta sa school tuwing may event kaya hindi na bago sa akin kung sakaling kumanta ako sa harapan ng maraming tao ngayon.

Paglabas namin ay tahimik naming binaybay ang hallway. Halata parin ang tensyon sa pagitan namin ni Kari pero mas pinili ko nalang na balewalain yun. Kahit gustuhin ko man na kausapin sya ay pinigilan nalang ang sarili. Baka mamaya, kung ano-ano nanaman ang marinig ko mula sa kanya.

Hanggang sa natapos ang araw na hindi kami naging ayos ni Kari. Marahil ay naiinis parin sya sa inakto ko. Naiinis din naman ako eh. Mukhang mas kinakampihan nya si Ken kanina kaysa sa akin. Pakiramdam ko tuloy balewala nalang ako kay Kari.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon