DR 31

3.5K 127 2
                                    

"Care to share what is that secret of yours, Ally and Adi?"

"B-blair..." mahinang usal ni Ally.

Napakuyom ang kamao ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Takot, galit, inis, lahat-lahat!

"Ally, they need to know the truth." Sabi ko habang nakahawak na sa kanyang braso.

Tiningnan nya ako ng masama. "I will. Don't tell me what to do, Adi. Wag kang mag magaling,"

"What the hell, Ally?" Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Hindi ako nag mamagaling, okay? I'm just saying that—"

"Shut the fucked up!" Ani ni Ally. I flinched a bit. "Get the hell out here, Addison. Habang nakakapagtimpi pa ako sayo," 

Naiwan akong nakatitig nalang sa kanya. Nagsusukatan na kami ng tingin ngayon. Ramdam ko na din ang galit nya sa akin. Para itong bagyo na nagsisimula ng manalanta. Hindi ko din inaasahan na makikita ko ang ganitong side ni Ally.

Naiinis ako! Gusto kong iuntog sa pader si Ally para magising sya mula sa pagiging hibang nya. Kahit ano namang panahon o oras ang mangyari, mabubunyag parin ang katotohanan!

"Let's go," Si Sandy. Hinila nya ako palabas ng condo ni Ally.

Habang naglalakad na kami palabas, ang isip ko ay naiwan parin sa condo ng kambal ko. Sa sobrang occupied ng utak ko, ngayon ko lang napansin na nakasunod na pala pati ang grupo ni Lovelyn sa amin paglabas namin ng building.

Papasok na sana kami sa sasakyan ng magsalita si Naomi.

"I'm sorry, Adi." Lumapit ito sa akin ng nakayuko.

Nagtataka ko tuloy syang tiningnan. "Why are you saying sorry, Naomi?"

"I..."

Bumuga ako ng marahas na hininga. "What? What are you trying to say, Naomi?" Nawawalan na ng pasensya kong tanong.

"I was the one who told the truth to Colyn, Adi."

Right after what she just said, the people around us gasp and express their own reactions. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong matuwa dahil sa ginawa nya? O dapat ba akong magalit dahil pinangunahan nya ang kapatid ko sa pagsabi ng katotohanan?

Alinman sa dalawa ang gawin ko ay wala naman na yung saysay pa. Nangyari na. Tapos na.

"You don't have the rights to tell that to her, Naomi. It's between Ally and Adi! Labas kana doon!" Bakas ang inis ni Sandy sa ginawa ng kaibigan.

"I'm sorry, okay!" Naiiyak na sambit ni Naomi. "Kinumpirma ko lang ang mga tanong ni Colyn! The fact that she's right on her suspicions to you and your selfish twin sister, doon pa lang bistado na yang kapatid mo!"

Napahilot ako sa sentido ko ng bigla itong sumakit. Parang gusto ko nalang mawala na parang bula sa mga oras na ito.

"Tama na yan. Pag-usapan nyo nalang 'to kapag malamig na mga ulo nyo. Sa ngayon, magpahinga na muna kayo." Gumitna na sa amin si Lovelyn. Marahil ay ramdam na nya ang namumuong tensyon sa pagitan naming tatlo ni Naomi at Sandy.

Inakay ako ni Lovelyn papunta sa sasakyan namin. Maging si Sandy at Naomi ay tahimik lang na sumunod. Isa-isa na ding nagsipasok sa kanya-kanyang sasakyan sila Riva, Klair, Quinn at Lovelyn.

Nag-umpisa namang magmaneho ang driver namin. Paalis pa lang kami sa lugar ay pinikit ko na agad ang mga mata ko. Mas madiin pa dahil lalong sumakit ang ulo ko sa mga nalaman.

Kinabukasan ay nagpunta ako agad sa condo ni Ally. Nalaman kong hindi sya umuwi sa bahay at doon nagstay. Nag-aalala ako dahil baka kung ano na ang ginawa nya doon kagabi. Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kambal ko.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon