DR 22

3.1K 133 6
                                    

Pagpasok kong simbahan ay humanap ako agad ng magandang pwesto. Sunday ngayon at naisipan kong magsimba nalang kaysa tumunganga nanaman ngayon sa bahay. Ilang araw na akong naiiwan na mag-isa doon. Sila Mama at Papa, nasa ibang bansa ngayon. Samantalang ang kambal ko ay abala sa mga kaibigan nya. Nandoon sila sa bahay ni Jaylord, nagsasaya.

Hindi ko nga maiwasan na mainggit e. Alam ko kung gaano kasayang kasama ang mga kaibigan ni Ally, lalo na sya. Kaya nga hindi ko na din mapigilan na tanungin muli ang kambal ko kanina bago sya umalis kung kailan na ba nya sasabihin sa barkada ang katotohanan. O kahit nga sana ang maipakilala man lang ako. Kahit yun nalang gawin nya pero bigo parin ako. Sa huli, ang laging sagot na natatanggap ko mula sa kanya ay 'Soon, Adi.' So kailan kaya yung soon na yun?

Nag-umpisa ang misa. Ang daming tao ngayon sa simbahan. May mga nakikita akong buong pamilya na nagsisimba, mga magjowa, may mga magkakaibigan at mayroon din naman na katulad ko, na nag-iisa lang. Ang lonely ko! Huhu.

Nakinig lang ako sa bawat salita na binibigkas ni Father hanggang sa pakiramdam ko, may nakatingin sa akin. Naging alerto ako at the same time ay nailang. Pasimple kong nilibot ng tingin ang buong paligid.. hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa isang bulto ng tao na di kalayuan mula sa pwesto ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Sa sobrang gulat ay napaiwas ako agad ng tingin at yumuko. Shit, this can't be...

Natapos ang misa na hindi man lang ako naging payapa. Kumakabog ng malakas ngayon ang dibdib ko sa sobrang taranta at takot. Paanong hindi ko 'to mararamdaman eh may nakakita sa akin na estudyante mula sa school ni Ally at ang mas malala ay naging kaibigan ko pa! Hindi ako handa na magpanggap bilang Ally ngayon!

"Allison!" Rinig kong tawag nito sa akin.

Nagmamadali akong lumabas ng simbahan. Sumiksik na nga ako sa mga tao para lang mawala na ako sa paningin nya pero hindi ako nagtagumpay dahil nahawakan nya agad ako sa braso.

"What is your problem?!" Bungad nito sa akin pagkahinto namin.

"L-lovelyn.." mahinang usal ko.

"May nagawa ba akong kasalanan, Ally? Bakit mo ako iniiwasan?" Kita ko na frustrated na sya sa mga napansin nya sa akin. Nanatiling nakahawak ang kanyang mga kamay sa braso ko. "Kahit sa school, hindi mo ako pinapansin! Ano bang problema mo?"

Napapikit ako ng mariin. Ally, what did you do? Bakit hindi mo tinatrato ng maganda sila Lovelyn?! They're my friends for God's sake!

"Tell me, Ally. Lahat kami naguguluhan na sa mga inaasta mo. Kung daanan mo nalang kami, parang hindi mo kami naging kaibigan! Para lang kaming hangin sayo!"

"Lovelyn, wag ngayon.. please." I pleaded.

Kumunot ang noo nya. Nagtitimpi syang bumitaw sa braso ko. Mabilis na din ang paghinga nya na para bang pinapakalma nalang nya ang sarili.

"Let's talk somewhere," sabi nya sabay hawak muli sa braso ko at hinila ako papunta sa kotse nya. "Hop in," malamig na ani nya kaya napasunod ako agad.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko. Napapakagat na din ako sa ibabang labi ko. Hindi ko na alam ang gagawin o sasabihin. Nabablangko ang utak ko.

Tahimik lang syang nagmamaneho ngayon. Ramdam ko ang tensyon na namumuo sa pagitan namin. Alam kong pinipigilan lang ni Lovelyn na bombahin ako ng mga katanungan dahil nasa gitna pa kami ng daan. Kaysa ituon sa kanya ang atensyon ko ay tumingin nalang ako sa bintana.

Sa kakatingin ko sa bintana, ngayon ko lang napansin na papunta kami sa bahay ni Riva kaya agad akong nataranta at naalarma.

"Stop the car, Lovelyn."

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon