Kari Nicolyn Seda
Pagkauwi ko sa park, isang masamang balita agad ang bumungad sa akin. Kung paanong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa manikang dala ko, maging ang isang baso ng scramble sa kabilang kamay ay hindi ko na alam. Basta nalang ako biglang nanghina at napaupo sa sahig.
"Wala na sya, Clarissa..." Ani ni Don Kevin sa akin pagtapak ko palang sa bahay namin.
Kasama ni Don ang kanyang asawa na syang naging mabuti sa akin simula nung magka-isip ako.
"H-hindi po.." mahinang usal ko, hindi naniniwala. "Sinungaling po kayo, hindi yan totoo!"
"Anak," dinaluhan ako ni Donya Lian at niyakap habang nagwawala na ako. "Yun ang totoo.. wala na ang Mama mo."
"H-hindi!" Pilit na pagtanggi ko parin.
Paanong wala na si Mama?! Kanina lang ang saya pa naming kumain ng tanghalian! Pinagluto nya pa ako ng paborito kong spaghetti dahil very good daw ang grades ko sa school! Kaya hindi ako naniniwala!
Ngunit isang araw, nasa pinto pa lang ako ng lugar kung saan nakaburol ang ina ko, hindi ko na ito muling tinanggi pa. Ang litrato pa lang nito sa ibabaw ng kabaong ang nagpapatunay na wala na sya, na wala na akong ina.
Paano na ako? Paano na ako gayong ako nalang ang mag-isa?
Ang mga nakakaawang tingin ng mga tao sa paligid ko ang syang dumadagdag sa bigat ng saloobin ko. Hindi pa nga ako tuluyang nakakalapit ay parang gusto ko nalang tumakbo palabas at magtago para maiwasan ang mga tingin na yon sa akin.
Sa mura kong edad, nawalan ako ng ina. Sya na nga lang ang meron ako, pati sya iniwan na din ako. Parehas sila ni Papa na nasa heaven na. Minsan, iniisip ko kung masaya ba doon sa heaven? Kasi nandoon parehas ang magulang ko. Na baka mas masaya sila doon, kaysa dito na kasama ako.
I was six years old back then kaya puro ganon ang iniisip ko. Walang kamuwang-muwang sa buhay at tanging pakikipaglaro lang kay Abby ang alam.
Si Abby.. ang batang babae na tumulong sa akin nung binu-bully ako nung tatlong lalaki. Ang batang babae na palaging nagpapangiti sa akin sa tuwing ang lungkot-lungkot ko dahil pinagalitan ako ni Mama. Ang batang babae na nagpapatahan sa akin sa pamamagitan ng pagbigay nya ng scramble na syang paborito namin. Ang batang babae na gusto ko laging makita at makasama... ang batang babae na gusto kong maging akin balang araw.
Kaya nga ngayong malaki na ako, dala-dala ko parin ang alaala namin. Kung dumating man ang panahon na may mawawala sa akin, mas pipiliin kong mawala nalang ang lahat basta manatili ang alaala na yun sa akin.
"Hi, Colyn!"
Nakabawi lang ako mula sa malalim na pag-iisip ng batiin ako ni Ally.. ang taong makulit na syang kinaiinisan ko pero hanggang don lang yon. She's still my friend, but she doesn't treating me the same. Wanna know why?
"Kailan mo ba tatanggapin na may gusto ako sayo? Na nahulog ako sa isang Kari Nicolyn Seda?"
Napaikot ako ng mata. See? May gusto sya sa akin. Dapat nga i-consider ko yung feelings nya sa akin kasi... kamukha nya si Abby. Kamukha nya yung first love ko. Pero kung sya nga yun, bakit wala man lang akong maramdaman na kahit ano para sa kanya? Bakit wala man lang epekto ang ngiti o kahit ano mang ginagawa nya sa akin?
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomanceI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison