DR 29

3.5K 148 3
                                    

"Isang linggo nalang, birthday nyo na mga anak!" Si Mama. Ngumiti lang ako saka nagpatuloy sa ginagawa samantalang si Ally naman ay katulad ni Mama na bakas din sa mukha ang excitement.

Kumakain kami ngayon ng tanghalian sa isang italian restaurant. Nagulat nalang kami ni Ally na inaya kami nila Papa na dito kami kumain.

At ngayon na nabanggit ni Mama yun ay may kutob ako na iyon ang pag-uusapan namin ngayon kaya may ganito kaming pagsasalo.

"So, what are your plans, mga anak?" Si Papa naman ngayon ang nagsalita habang nakatingin na sa aming dalawa ni Ally.

"I want a simple celebration po, Papa." Sagot ko.

The two lady frown. It seems that they didn't agree on what I had just said.

"No, no, no!" Unang nag-react si Ally. "There's no way that I'll let that happen, Sis! This is also my birthday too! Remember?"

"Oo nga, anak. Besides, this is our chance ng Daddy mo para ipakilala ka sa lahat,"

Bumuga ako ng marahas na hininga. Bakit pa ako tinanong kung anong plano namin sa birthday namin kung ganitong may nabuo na pala silang plano para sa akin?

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Natuwa tuloy silang lahat saka nag-umpisang pag-usapan ang iba pang detalye para sa magaganap next week. Nagsasalita lang ako kapag kailangan nila ng opinyon o sagot ko pero after nun, tahimik nalang akong kumakain.

Nang matapos ang lunch namin ay bumalik na si Papa sa company nya kasama ni Mama habang kami naman ni Ally ay pabalik na sa bahay.

Nung una, gusto ko yung ideya na magkakaroon kami ng alone time ni Ally pero ngayon na nangyayari na nga, I feel suffocated. It's like I am not comfortable around her anymore after what she just said to her friends last night.

"Girl, magkwento ka naman tungkol sa naging buhay mo dati," Untag ni Kylie pagkabalik ko sa kanila.

Nauna sa akin si Kari ng ilang minuto kaya hindi kami nagsabay. Sinulyapan ko muna si Ally na nakikipag-usap nanaman kay Kari samantalang si Kari naman ay sa akin na nakatingin, mukhang may balak makinig sa akin.

I heaved a sigh. "I grow up in Quezon Province, with my grandmother. Hindi kami mayaman, sapat lang ang mga kinikita namin sa pagtitinda sa palengke para sa pang araw-araw naming gastusin. I even stopped my studies dahil hindi na namin kinaya ang mga bayarin doon,"

Blair suddenly embraced me. "That was so hard to endure, Adi."

"It's not that hard kung namulat ka sa ganung klase ng buhay, Blair." Sagot ko.

Hindi na ako nagulat kung yun ang sasabihin nila Blair sa akin. Ano pa bang aasahan ko sa kanila na mga bata palang, secured na agad ang future nila dahil financially stable na sila?

"Ngayon hindi na kayo mamomroblema, Adi. Thanks to Ally, kung hindi ka nya nahanap baka hanggang ngayon nasa ganoong sitwasyon ka parin," Si Kylie na ngayon ay nakangiti na sa akin.

Bigla ay umusbong ang galit ko sa narinig. Ano daw? Kung hindi ako nakita ni Ally? Paano nya ako makikita kung nasa hospital sya nung mga panahon na yon?!

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon