PROLOGUE

10.4K 196 3
                                    

Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang magandang kotse na nakaparada ngayon sa tapat ng bahay namin. Pinapaligiran ito ngayon ng mga chismosa't chismoso naming kapit-bahay. Sa sobrang ganda ba naman ng kotse, halos gawin na nila 'tong background picture nila at malamang, ipopost pa nila yan sa kanilang social media. Tsk, gagaleng.

Pero katulad nila ay nagtataka at naguguluhan na din ako kung bakit may ganyang kagandang kotse sa tapat ng bahay namin ngayon.

"Adi, ang yaman nyo pala!" Sigaw sa akin ng isang matandang babae.

"Hindi naman po sa amin yan," sagot ko nalang saka ko binuksan ang gate at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.

Kagagaling ko lang sa palengke. Nagtinda pa kasi ako ng mga gulay doon kaya pagdating ko sa bahay, gusto ko ng mahiga agad pero hindi yata yun mangyayari dahil may bisita kami ngayon.

Pagtapak ko palang sa sala namin, naabutan kong umiiyak na ang lola ko. Sa sobrang gulat ko sa nakita ay nabitawan ko agad ang mga basket at bayong na dala ko saka sya dinaluhan. Tiningnan ko ng masama ang lalaki sa harap nya ngunit naiwan akong nakatulala. Hindi ko malaman kung bakit wala man lang akong maramdaman na galit sa kanya? Na para bang matagal ko na syang kilala..

Mas lalo yata akong naguluhan dahil ng magtama ang tingin namin.. nakita ko kung paano nagsimulang mamasa ang mga mata nya.

Bakit ganito? Bakit ayoko syang makitang umiyak? Bakit.. nasasaktan akong nakikita syang ganyan sa harap ko?

Ngunit isang salita ang nangibabaw sa apat na sulok ng sala namin na syang naging sagot sa lahat ng katanungan na naglalaro sa isip ko...

"Avery.. anak." Madamdaming tawag sa akin ng lalaki.

At dahil doon ay mas lalong napaiyak si Lola sa tabi ko. Ako man ay naiiyak na din pero mas lamang sa akin ang pagkalito. Paanong? Wala na akong magulang. Namatay sila sa isang sunog. Kaya paanong naging tatay ko ang taong nasa harap namin ngayon?

"Hindi ko po kayo maintindihan, Sir. Mali po yata kayo ng pinuntahan. Paanong.." naguguluhan ko paring sabi.

"It's a long story, Avery. But to make it short, I am your father.. your biological father."

Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Lola na umiiyak parin pero nakaya padin nyang tumango sa akin. Na tila ba kinukumpirma nyang tama ang sinabi ng lalaki sa harap namin.

"I will explain anything for you later but for now, we need to go to the hospital, anak."

"B-bakit po?"

"Your sister, Averil got involved into a car accident." The hell? S-sister..

Bakit ba sunod-sunod akong ginugulat ng taong ito ngayon? Una, sya daw ang tatay ko. Pangalawa, may kapatid ako? Gustuhin ko man magtanong kay Lola ngayon tungkol sa nangyayari ay hindi ko magawa. Bukod sa umiiyak parin sya hanggang ngayon, mukhang pati sya ay nagulat din sa nalaman.

Kaya ngayon ay nasa sasakyan na kami at paluwas na kami ng Maynila. Ayaw ko man na iwanan si Lola pero sya na mismo ang nagpumilit na sumama ako sa tatay ko kaya wala na akong nagawa pa. Habang nasa byahe ay pinaliwanag nya ang lahat. Sinagot nya ang bawat katanungan ko. Maging ang totoong nangyari kung bakit napunta ako sa puder nila Lola.

Namatay kasi sa sunog ang kinikilala kong magulang. Parehas silang nurse sa isang pribadong hospital at nagkataon na parehas silang nadamay sa sunog na nangyari. Yun ang kwento sa akin ni Lola.

Yun pala, nung araw na nasagip ako ng kinikilala kong magulang at naibigay ako kay Lola ay ang araw na nahiwalay ako sa tunay kong magulang. May kakambal daw ako at yun nga ay si Averil. Matagal na daw nila akong hinahanap at ngayon lang sila nagkaroon ng impormasyon na may nakakita na daw sa akin. Sakto naman na naaksidente ngayon ang kakambal ko.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon