Tahimik ko lang na binabaybay ang hallway. Napapakamot pa nga ako sa tainga ko dahil hindi pa man nagsisimula ang araw ko, ang lungkot ko na. Hindi ko maintindihan kung mood swings ko ba 'to? Or tinotoyo lang ako.
Pagpasok ko sa room, nakakabwisit agad ang nadatnan ko. Hindi ko na din maiwasan na humigpit ang hawak ko sa paperbag na dala ko ng makita kong nagtatawanan pa sila. Mukhang hindi nila napapansin na nandito na ako.
Naglakad ako patungo sa pwesto ni Kari at nilapag agad ang chocolate cake na para sa kanya. Kita ko ang gulat at pagtataka nya bago sya magpalipat-lipat ng tingin kay Ken at sa akin. Hindi ko alam kung para saan ba yung reaksyon nya na yun. Para ba yun sa cake na dala ko? O dahil sa naabutan ko silang magkasama ng unggoy na nasa gilid ko?
Alin man sa dalawa na yon ay wala na akong pakialam.
Umalis na ako agad at hindi na sya hinintay pang magpasalamat. Kung tutuusin, hindi naman talaga nya gawain yon kaya hindi na ako umaasa doon.
"Good morning," Kylie greeted at me but I didn't do the same.
Nadagdagan kasi ang inis ko dahil kita ko mula sa gilid ng mata ko na nag-uusap na sila ulit. Para bang nakalimutan na nila ang presensya ko kanina. Tinabi ni Kari ang cake sa armchair nya. Dahil sa ginawa nya ay doon ko lang napansin na may isang bulaklak na nandoon. Red rose sya. Ibig ba nun sabihin na galing kay Ken yun at tinanggap nya?
"Hoy Ally, yung ballpen!" Sita sa akin ni Kylie.
"H-huh?" Wala sa sarili kong nasabi.
Tinuro nya ang ballpen ko na nabali na sa kamay ko. The fuck? Sa sobrang gigil ko kaya naputol ko?
"You're jealous," hindi yun isang tanong kundi isang statement na sinabi sa akin ni Kylie.
Jealous? Bakit naman ako magseselos? Parang yun lang eh.
"Shut up," inis kong sabi.
Buong klase sa umaga, pinilit kong makinig kahit na nga ba distracted ang isip ko dahil sa nangyari kanina. Muntik pa nga akong mapasagot sa harapan kung hindi lang dumating ang isang professor at pinatawag ang nagtuturo sa amin ngayon.
Tuloy ay ang ingay na ng room namin ngayon. Napansin ko nanaman na tumayo si Ken at lumapit muli kay Kari. Bago pa man sila tuluyang mag-usap ay umiwas na ako ng tingin. Sirang-sira na ang araw ko!
Ang sakit nila sa mata.
"Kaysa magmukmok ka dyan, bakit hindi mo kasi sila paghiwalayin, Ally?"
I rolled my eyes in annoyance. Hindi talaga mapipigilan nitong katabi ko ang bibig nya.
"Hindi ako kulang sa pansin para gawin yon 'no."
"Tsk, dati nama—"
"Stop," I cut her off. "Iwasan mong ikumpara ang noon sa ngayon Kylie, please lang."
For the very first time, nakaramdam ako ng inis dahil sa pagkukumpara ni Kylie. Siguro kung alam lang nya na hindi ako ang kilala nyang si Averil, baka magkaroon na sya ng dahilan para tigilan na nya ang ganon.
Lunch time came at masasabi kong hindi ako nasisiyahan sa mga nangyayari. Paano ba naman, topic nila ngayon yung concert date ni Kari at Ken na mangyayari na pala mamayang gabi. Mas lalo tuloy nasira ang mood ko ng makita ko ang tilian ni Kylie at Blair sa tabi ko. Tapos si Kari naman ay natatawa at naiiling nalang.
"How about you, Ally?" Blair asked me.
"What?" Nagtataka kong tanong.
"Wala kang date?"
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomanceI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison