DR 5

3.5K 138 0
                                    

Pagpasok namin sa loob, halos lahat ng atensyon nila ay nasa aming dalawa na ni Kari. Ang iba ay may nakakalokong ngiti pa sa kanilang labi habang nakatingin sa kamay ni Kari na nakahawak parin hanggang ngayon sa braso ko.

Sa harap ay may isang babae na sa tingin ko ay syang magsasalita kung para saan ba ang meeting na mangyayari. Tiningnan nya lang ako na para bang sanay na sya na nakikita nya akong malapit kay Kari.

Hindi kaya.. kasali din si Averil sa grupo na'to? Pero ano bang grupo 'to? Dance troupe kaya sila? Kasi kung oo, hindi pwede! Parehas kaliwa ang mga paa ko!

"Stupid. Hindi ka kasali dito," mahinang sinabi ng kasama ko.

"Eh kung ganon naman pala, bakit pa ako nandito? Ano bang meron? Tsaka captain kaba ng ano?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Hindi nya sinagot ang lahat ng yon at basta nalang ako pinaupo sa isang bench. Medyo malapit lang naman ako sa pwesto kung saan nagkukumpulan ang ibang babae. Nandoon na din si Kari at sa harap pa mismo talaga sya umupo. Sya na nga late tapos may gana pa syang maupo sa harap? Ibang klase.

Sa buong oras na pagsasalita ng babae sa harap, isa lang ang naintindihan ko doon. May intramurals na palang magaganap next month at kailangan ng magpractice nila Kari. Sila pala ang cheering squad ng campus. Captain sya non. Wow.. impressive. Akala ko Captain na ng barko e. Kidding.

Natapos ang meeting nila ng mapatingin sa akin si Wilma. She waved at me and I just nodded at her. Medyo hindi yata sya nakuntento doon kaya tuluyan na syang lumapit sa akin.

"Mukhang napilitan ka lang na pumunta dito ah," Puna nya sa akin.

Kanina pa din kasi ako nakasimangot na naghihintay dito sa bench. Wala naman pala akong gagawin dito pero bakit dinala pa ako ni Kari dito? Yung babaeng yon talaga, hindi na maintindihan minsan ang takbo ng utak e.

"Hinila lang kasi ako ni Kari dito," Sagot ko nalang.

"Did you just said hinila? And what? Kari?" Nabibiglang tanong sa akin ni Wilma. Kahit naguguluhan sa kanyang inaakto ngayon ay tinanguan ko nalang sya. "Well, pangalan nya talaga ang Kari so that doesn't matter right now. What matters to me is sya mismo ang nagdala sayo dito. Are you sure na ginawa nya yon?"

Tumango ako. "Wow, I didn't see these coming!" Napapailing pa sya habang sinasabi nya yon.

Sinipat ko ng tingin si Kari na nakatingin ng masama sa aming dalawa ni Wilma. Mukhang kanina pa nya kami gustong lapitan pero hindi nya magawa dahil kinakausap pa sya nung isang babae.

"Why? Ano bang problema kung ganon nga ang ginawa ni Kari sa akin?"

"Ano ka ba, everyone in this school knows that you are head over heels to Colyn. At dahil doon, kahit san man sya magpunta nakabuntot ka. Even sa mga ganitong sitwasyon! Kaya nga hindi na nagtataka si Ms. Rina nung nakita ka nyang kasama ni Colyn,"

Eh? Grabe parang ako na ang nahihiya sa mga pinag'gagawa ni Averil dito sa campus! Jusko, parang stalker na ang datingan ng kambal ko sa mga sinabi ni Wilma sa akin.

"Kung ganon, bakit parang gulat na gulat ka dyan?"

"Sabi mo kasi hinila ka ni Colyn," may diin pa ang pagkakasabi nya ng 'hinila' sa akin. Bakit? Totoo naman yun ah? Akala ba nya nagsisinungaling lang ako?

"Colyn never do that to you," nakabawi lang ako mula sa malalim na pag-iisip ng sabihin nya yun sa akin. "Kung pwede nya nga lang itali ka sa puno, gagawin nya para lang hindi kana sunod ng sunod sa kanya e. Tapos ngayon, sya pa mismo ang humihila sayo at dinala ka dito."

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon