Tapos na ang isang linggo na pagstay ko kay Lola kaya heto ako ngayon at binabaybay na ang daan pauwi sa bahay namin. Marami na din akong texts na natatanggap mula kay Mama, tinatanong kung nasaan na ba ako. I just kept on replying her na malayo pa ako sa Manila.
Nauna nang lumuwas sila Lovelyn apat na araw na ang lumipas. Muntik na nga syang umalis mag-isa at iwan ang tatlo naming kaibigan dahil sa sobrang galit na naramdaman nya nung nakita nyang puro drawing ang mukha nya.
Mahaba-habang paalam naman ang iginugol ko kay Sandy bago nya ako hayaan na makaalis. May iyakan pa ngang naganap e.
"Manong, stopover muna tayo kung may madadaanan tayong kainan ha," Si Naomi. Parehas kaming paluwas na ng Manila. Hindi na ako nagpasundo sa personal driver ko na syang gustong gawin nila Mama. Sumabay nalang ako kay Naomi since nalaman kong magkalapit lang pala ang villages kung nasaan ang mga bahay namin. Idadaan nya nalang ako muna sa amin bago sya tuluyang makauwi sa kanila.
"Gutom ka nanaman?" Nabibiglang tanong ko.
"Tsk, hindi naman tayo mabubusog sa mga sandwiches na yan, Adi." Reklamo pa nito.
Nagpatuloy ang byahe namin na tahimik muli ang paligid. Napansin kong nakatulog na ulit si Naomi sa tabi ko. Wala akong ibang maisip na gawin kundi ang magbukas sa social media account ko, sa Instagram to be exact.
Sa mga nakaraang araw na hindi ko na nakakasama si Colyn, walang oras na hindi ko sya ini-stalk sa Ig nya. Hindi ako naka-follow sa kanya kasi real account ko itong gamit ko. May nakita akong post nya recently lang, kung saan kasama nya ang buong barkada including my twin sister, Ally. Katabi nya pa nga ito sa picture at ang sweet-sweet nila sa isa't-isa dahil nakapulupot ang mga kamay ng kambal ko sa bewang ni kay Kari habang ito naman ay nakangiti ng malawak sa camera. Kung ibang tao ang makakakita nito, malamang iisipin nila na may something na sa dalawa.
Pero iba ako. Ako sana ang kasama mo, Kari. Kung may kakayahan man akong pumili ng mga dapat na mangyari, mas gugustuhin kong makilala mo ako bilang ako mismo, hindi bilang isang Ally.
Ganun pa man ay nagpapasalamat parin ako sa lahat ng nangyari dahil kung hindi dahil sa pagpapanggap ko, hindi ko sya makikilala. Hindi ako magkakagusto sa kanya. Ang mali lang talaga ay nagkagusto ako sa kanya kahit na alam na alam kong gusto din sya ng kapatid ko. Pero ganon naman talaga sa karamihan diba? Kahit mali, gugustuhin parin nating gawin kasi doon tayo masaya.
Huminto nga kami sa isang kainan. Karinderya ito na may iba't-ibang klase ng ulam. Umorder na si Naomi para sa akin at pati narin ng para sa driver nya na nasa kabilang mesa lang nakapwesto.
Pagdating ni Naomi ay kumain na agad kami. Walang usap-usap at basta lang kami kumakain. Mabilisan lang ang ginawa namin dahil nakikita na namin ang traffic sa daan. Mukhang mas magtatagal kami doon kaysa dito sa pag kain namin.
"That girl that you're stalking earlier at Instagram, is she the one that you like?" Tanong agad nito sa akin pagkaupo palang namin sa loob ng sasakyan.
So, hindi pala sya tulog? "Hindi. She's just my acquaintance,"
"Don't lie to me, Adi." Seryosong ani ni Naomi. "You can fool the people around you but definitely not me,"
Napapikit ako ng mariin. "Okay, okay." Pagsuko ko. "Yes, I like her. Are you satisfied to my answer?" Sarcastic kong tanong.
Umiling ito. "No. Not until you'll finally tell me what's bothering you this past few days. Is it because of her? Or because of your stupid and selfish twin sister?"
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomanceI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison