"I miss you, Avery..." madamdaming saad ni Averil habang nakayakap sa akin.
"A-averil.." Mahinang usal ko.
I can't explain what I am feeling right now. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Naiiyak ako at the same time, natutuwa kasi nagising na si Averil.
"Ang sarap nyong pagmasdan,"
Narinig ko ang tinig ni Mama kaya napatingin ako sa kanya. Katulad naming dalawa ni Averil ay umiiyak na din ito. Katabi nya si Papa na nakangiti lang sa amin.
"Mama.. kailan pa po kayo dumating?" Nabibigla kong tanong.
"Kanina lang, anak. Your sister wants to see you agad nung sinabi kong nakita kana namin. Kaya after nyang magpahinga ng isang linggo doon, hindi na sya nag-aksaya ng panahon at nag book agad kami ng flight."
"We just wanted to surprise you, Avery." Dugtong ni Papa.
Nagkatinginan kami ni Averil. Geez, kinilabutan ako ngayon sa totoo lang. Parang nakikita ko lang ang repleksyon ko sa tuwing nagsasalamin ako. Ang pinagkaiba nga lang namin ay ang buhok namin. Maikli kasi yung kanya samantalang yung akin ay medyo mahaba.
"Let's have a dinner. Mamaya na kayo magkwentuhan mga anak,"
Dumiretso kami sa hapag. Ang dami ngang nakahain sa mesa. Daig pa nito ang handa namin ni Lola noon tuwing fiesta.
Para akong nasa hot seat ng pamilya dahil lahat sila ay ako ang tinatanong tungkol sa naging buhay ko nung mga panahon na hindi pa nila ako nakikita.
"Kamusta ka sa States, Ally? I'm.." napahinga ako ng malalim. "I'm glad you're back," Sabi ko para narin malihis sa akin ang topic nila Mama.
Nagkaroon ako ng alangan sa huli kong sinabi. Ang hirap lang ng sitwasyon ko ngayon sa totoo lang. Parang nasa roller coaster ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong masiyahan sa mga nangyayari ngayon o hindi.
I should be happy but how can I? Sa tuwing nakikita ko si Ally, biglang sumasagi sa isip ko na hanggang dito na lang ang nararamdaman ko para kay Kari. Na wala na akong dapat pang asahan para sa aming dalawa. Ang saklap lang.
Nang matapos ang hapunan namin ay agad akong hinila ni Ally papunta sa kwarto nya na hanggang ngayon ay ginagamit ko parin. Actually, maayos naman na talaga ang kwarto na para sa akin pero mas pinili kong gamitin parin ang kay Ally. Gusto ko kasi ang ideya na kahit wala ang presensya ni Ally sa paligid ko ay ramdam ko parin nandito sya dahil sa ambiance ng kwarto na ito.
"Sinabi ni Mommy sa akin ang pagpapanggap mo bilang ako sa harap ng ibang tao, Avery." Bungad nya ss akin. "Are you okay? Nahirapan ka ba? Tell me, Avery."
Huminga ako ng malalim. "Nung una, oo. I even lied to them that I have amnesia kasi nagduda sila sa mga kilos ko. Kambal nga tayo pero hindi naman tayo magkaprehas ng kilos, Averil."
"I'm sorry about that, Sis. You accepted that big favor para lang sa akin and I'm so much thankful because of that. Thank you, Avery." Naluluhang ani ni Ally.
"Okay lang ba kung Adi nalang itawag mo sa akin? Kasi hindi ako kumportable sa Avery." Nahihiyang sinabi ko. Napakamot pa nga ako sa tainga ko e.
Narinig ko naman ang hagikgik ni Ally sa tabi ko kaya natawa nalang din ako sa ginawa ko.
"Same here, Sis! Kaya nga Ally ang tawag sa akin ng barkada. Oh, speaking of barkada, kamusta sila?!" Kung kanina ay naiiyak na sya ngayon ay tuwang-tuwa na. Marahil ay nasasabik syang malaman kung ano na bang balita sa mga kaibigan nya.
"Sila Kylie at Jaylord, going strong parin naman sa relationship nila samantalang si Blair at Cody, nasa ligawan stage parin."
"Tsk, ang hina talaga ni Cody!" Komento ni Ally habang umiiling pa. "How about Colyn? Now that you two meet, I'm pretty sure you already know that I like her, right?"
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomanceI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison