DR 37

4.4K 144 3
                                    

Kari Nicolyn Seda

Lumipas ang mga buwan na naging mas malapit pa kami ni Ally. Kung noon na grabe ko sya kung ipagtabuyan, ngayon halos ayoko na syang mawalay sa akin.

Masaya na akong ganito ang set up namin pero may mas isasaya pa sana ako kung bibigyan na namin ng label ang mga nararamdaman namin. Hindi ko na kailangan pang hintayin si Ally.. ako na mismo ang magtatanong sa kanya kung pwede ko na ba syang maging girlfriend.

Kasi hindi na ako kuntento sa pagiging M.U namin 'no. Hindi pwedeng magseselos ako tapos wala naman akong pinanghahawakan kay Ally. Kahit na nga ba alam kong hindi ako babatuhan ng salitang 'hindi naman tayo' ni Ally mas okay parin na makasigurado! Tsaka subukan nya lang talaga pagsabihan ako nun, iuuntog ko ulo nya sa pader, tss.

Monday came and I admit that I am feeling damn nervous right now. This is the day that I choose to ask Ally to be my girlfriend. Hindi alam ng buong barkada ang plano ko ngayon. Mas gusto kong i-surprise sila at sabihin na girlfriend ko na si Ally.

I smile at that thought.. My girlfriend, Allison Mallari.

Ang aking ngiti ay mas lalong lumawak ng makita ko ang taong nasa isip ko lang kanina na papasok na sa room namin. Lumapit ito sa akin.. at niyakap ako. Yun na din ang oras na napawi ang ngiti sa mga labi ko.

The hell? Why am I feeling this way towards her right now? Bakit.. bakit pakiramdam ko, wala na akong sparks at pagkabog ng dibdib na maramdaman? Ni hindi ko man lang makapa yung saya na nararamdaman ko sa tuwing ganito sya kalapit sa akin..

Mababaliw na yata ako.

"Hi, Colyn!" Bati pa nito. Sobrang lawak ng ngiti nito sa akin kaya nginitian ko nalang din ito pabalik.

Colyn? So she's now back on her old self na ba? Bumalik na ba ang mga alaala nya?

Buong klase, lumilipad kung saan-saan ang isip ko. Napahawak pa nga ako ng mahigpit sa strap ng bag ko dahil nagkakaroon na ako ng alangan kung itutuloy ko pa ba ang plano ko o wag nalang.

Dumating ang lunch time, nilapitan ko agad si Ally. Nagulat pa nga syang inaya ko sya sa labas na maglunch.. na kaming dalawa lang. Bakit ganyan reaksyon nya? Madalas naman na namin itong ginagawa nung nakaraang araw ah?

"What do you want, babe?" I asked her pagpasok namin sa greenwich at pumwesto na sa vacant table. Ako nalang kasi ang oorder since mukhang hindi sya okay.

Ayan nanaman ang reaksyon nya nung nakita ko ang kabuuan nya. Gulat na gulat nanaman sya na para bang hindi nya inaasahan ang mga naririnig nya mula sa akin.

"What the fuck is wrong with you, Ally?" Tuloy ay hindi ko na napigilan pang tanungin sa kanya yon.

"H-huh? Ah, w-wala Colyn." Nautal pang sagot nya.

Pinalagpas ko nalang yon. Ang aking plano sana ngayong araw ay hindi ko nadin ginawa. Parang hindi pa yata ito ang tamang oras para doon. Nung nakaraan lang, sigurado na ako e. Ngayon? Sa mga nakikita at napapansin ko sa kanya? Hindi na.

Maging sa mga sumunod na araw, para syang lutang. Sa mga paghawak at pagyakap ko sa kanya, palagi syang nagugulat pero kinalaunan ay ngingiti na at yayakapin o hahawakan ako pabalik. Maging ang pagtawag ko parin sa kanya ng 'Babe' hindi parin makapaniwala ang itsura nya.

Nagulat pa nga kaming buong magbabarkada nang dinadaan-daanan nya na lang ang mga kabanda nya. Si Lovelyn nga, hindi na nakatiis yata at kinumpronta sya sa harap namin. And guess what? Kung paano kausapin ni Ally ang babae, parang ngayon nya lang ito nakita at nakuha pa talaga nyang irapan ito bago nito layasan.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon