DR 4

3.5K 130 0
                                    

Sa buong reporting namin, naka'poker face lang ako at hindi man lang magawang ngumiti kahit saglit. Ang daming tanong pa na nangyari bago kami tuluyang natapos. At dahil magaling kaming magpaliwanag, lalo na si Kari, ay nakarinig pa kami ng papuri mula sa terror na professor namin. Aba, deserve ko ding marinig yun dahil halos alas tres na ako dinapuan ng antok. Sa loob ng mga oras na yun, pinag-aralan ko ang mga irereport ko. Hindi lang naman yun ang dahilan ko eh. Bukod sa kailangan kong aralin ang topics na nakatoka sa akin, hindi din ako makatulog.

Pilit kasing nag re'replay ang sinabi ni Kari sa akin kagabi. Nahirapan din akong magfocus dahil doon. Mabuti nalang at mas pinilit kong iwaglit muna pansamantala ang alaalang yon para makatapos ako agad sa gawain ko.

"Oh, sure ako kay Colyn talaga yan." Nakaturo pa ang daliri ni Kylie sa paperbag na nasa armchair ko. Yan agad ang sinabi nya sa akin pagkaupo ko. Hindi man lang ako pinuri sa ginawa kong pagrereport e.

May laman kasing chocolate cake ang tinuro nya. Nagbaon ako ulit at plano ko sanang ibigay 'to kay Kari mamayang lunch. Kahit nakakainis ang mga pinagsasabi nya kagabi, hindi ko parin matiis na hindi sya maalala kanina nung naglabas ng chocolate cake si Manang habang nag-aalmusal kami.

"Para sa kanya nga," sagot ko. "Kaso ikaw na magbigay ah,"

"Bakit ako, aber?" Nakataas ang isang kilay nya sa akin. "Kapag nahawakan ko yan, kakainin ko agad yan. Di yan makakarating sa kanya bahala ka," pananakot nya pa.

Inis ko syang inirapan at hindi nalang sya kinibo. Wala na akong choice kundi ibigay ko 'to mismo sa kanya.

Natapos na ang klase at ngayon nga ay naglalakad na kami papuntang cafeteria. Tahimik lang kaming dalawa ni Kari samantalang si Kylie naman ay nakikipag-usap sa aming dalawa. Puro nga pagtango at iling ang sinasagot namin ni Kari sa kanya. Hindi man lang nakakahalata na hindi kami ayos ng dalawang kaibigan nya.

Nadatnan namin si Jaylord, Blair at Cody na nasa usual spot namin. May mga pagkain na din na nandoon at kaming tatlo nalang ang kulang para makapagsimula ng kumain.

Bago pa man tuluyang makaupo si Kari sa upuan nya, pinahawak ko na sa kanya agad ang paperbag. Nagtataka man sya sa ginawa ko ay tinanggap nya nalang ng makitang chocolate cake ang laman nun.

The whole lunch time, kumikibo naman ako kapag ako ang kinakausap nila pero kapag hindi na, hindi na ako nakikisali pa sa usapan nila. Ang madalas ko nalang ginagawa ay ang pagsulyap kay Kari na ilang beses ko na ding napapansin na nakatingin din sa akin. Nagtataka pa nga ako dahil hindi nya man lang ako tinatarayan or sinasamaan ng tingin. Basta nakatingin lang sya sa akin.

Nakokonsensya kaya sya sa sinabi nya sa akin kagabi? Nakatulog kaya sya ng mahimbing? Argh. Marahan akong umiling. Bakit ba ang dami kong tanong?!

"Sasali kaba ulit sa photography contest?" Tanong sa akin ni Blair.

Photography? Hala, wala akong talent don. Yun pala ang hilig ni Averil? Pano na 'to? Cooking kasi ang pinaka hobby ko at hindi yang pagkuha ng mga pictures!

"My God! Don't tell me, hindi?" Kylie is now furiously asking me.

"Hindi talaga," sagot ko. "Ayoko munang sumali."

"Why is that? Noon nga wala pang ina'announce excited kanang sumali." Si Cody.

"Noon yon. Nung hindi pa ako naaaksidente," kalmado kong sagot.

Kalmado pero sa loob-loob ko, hindi na ako mapalagay. Wala talaga akong pag-asa sa photography! Hindi ko nga alam humawak o gumamit ng camera. Okay na nga ako sa camera ng mga phone lang eh.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon