DR 16

3.2K 134 6
                                    

The whole practice is so breathtaking. Sobrang gagaling ng mga cheering squad. Talagang nagsisitaasan ang mga balahibo ko sa mga stunts nila. Lalo na yung paghahagis! Mas nakatutok ang paningin ko kay Kari na swabeng-swabe lang na umaangat sa ere at sobrang lambot ng katawan kung gumalaw. No wonder she's the captain of this squad.

Pumalakpak ang mga kasama ko. Ako naman ay nakangiti lang. Tiningnan ko si Kari na ngayon ay sumulyap sa akin. I just thumbs up, smiled and timidly nodded at her. She did smiled at me.. a genuinely smile. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon, dinala ako sa ulap. Iba ang epekto ng mga ngiti nya sa akin.. iba ang epekto ng isang Kari Nicolyn Seda sa akin.

"Ang galing ni Colyn," Puna ni Klair. "Nangingibabaw yung ganda nya. Talagang sya ang mapupuna sa intramurals. Sure ako don," dagdag nito.

"Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mo sya nagustuhan, Ally. She's like a goddess that came from Mt. Olympus," Si Riva. Umiiling pa ito habang nagmamasid sa mga cheering squad.

Natapos ang practice at lumapit agad si Wilma sa amin. Nagtatanong kung maganda ba yung practice nila and we just said 'yes'. Nahinto lang kami sa pag-uusap ng lumapit si Kari sa amin... o sa akin?

"Are you free tonight, Ally?"

Napatulala ako kay Kari. Sa sobrang pagkabigla ay naituro ko pa ang sarili ko na naging dahilan para mapairap si Kari sa akin. Nakakuha pa ako ng batok kay Riva.

"Sino pa ba ang Ally dito satin?" Natatawang ani nya.

Sinamaan ko muna sya ng tingin bago bumaling muli kay Kari na naghihintay sa sagot ko.

"Y-yes," sagot ko.

Napangiti sya agad. "Okay, wait me here." Nagmamadali itong umalis. Magpapalit na yata ng damit since tapos na nga ang practice nila.

"Yiiiee, may date sila." Panunukso sa akin ni Wilma.

Lahat yata ng dugo ay napunta na sa mukha ko. Nakaramdam din ako ng init sa magkabilang pisngi. Mas lalo tuloy nanukso si Wilma sa akin na sinaluhan pa ng dalawang magjowa na kasama ko.

Mga baliw 'to! Kinikilig tuloy ako. Amp. Char! Ang rupok ko shet. Tinanong lang ng ganon, yes agad sinagot ko. Akala ko ba kakalimutan na? Bakit may pag 'yes' pa akong sinabi sa kanya? At bakit nakaramdam ako ng excitement sa mangyayari?! Fuck this. Para akong tanga na kumuha ng bato at ipupukpok ko sa sarili ko. Lahat ng mga pinagsasabi ko, kinakain ko. Pagdating talaga kay Kari, nagbabago ang takbo ng utak ko. Nawawala ang kumpyansa kong kalimutan 'tong nararamdaman ko kay Kari.

"Let's go?" Fresh na fresh na si Kari pagbalik nya. Basa pa ang buhok nya at may light makeup pang nakalagay sa mukha nya. Ang kanyang pabango ay namumutawi sa pwesto ko. Na para bang hinihikayat akong singhutin ito ng singhutin dahil sobrang nakaka adik ang amoy nito.

Nagpaalam ako dalawang magjowa na kasama ko. Nakakuha pa ako ng asar mula sa kanila bago kami nakalayo.

"Galingan mo, Ally! Goodluck!" Pahabol ni Riva.

Hindi ko nalang ito pinansin at inilingan nalang. Kasabay kong maglakad si Kari. Ang kaninang galak na aking nararamdaman ay napalitan ng isang kaba. Ngayon lang nag sink in na makakasama kong muli si Kari.

"Pinauwi ko na yung driver mo kaya sa akin kana sasabay. Ihahatid narin kita sa bahay nyo,"

Pangalawang beses na nyang sinabihan ang driver ko na umuwi na. Hindi ko nga alam kung paano nya nagawa yon eh.

"I texted him just so you know," biglang sabi nya. Mukhang nakita nya sa itsura ko ang pagtataka.

Natahimik nalang ako at sumunod sa kanya. Maya-maya lang ay narating na namin ang sasakyan nya at sabay kaming pumasok doon.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon