Nanatili ako sa pinto ng bahay namin na nakatitig lang sa mga taong nasa harap ko. Ni hindi ko maihakbang paabante ang aking mga paa dahil pakiramdam ko ay inugat na ako doon.
"Addison," Si Lovelyn, palapit ngayon sa akin. Tiningnan ko sya ng may pagtataka. Bakit sila nandito? Mas okay pa sana sa akin kung si Lovelyn lang pero hindi eh. Kasama nya pati sila Quinn. Sila Quinn na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa akin.
Huminga ng malalim si Lovelyn. "I'm sorry, Adi. They are so persistent. I already make excuses to your sudden treatment towards us but they keep on bombarding me a lot of questions," Napakamot pa ito sa kanyang kilay bago nagpatuloy. "Hanggang sa nadulas na ako at ayon, nasabi ko na sa huli."
"Oh, Apo?" Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Lola na galing sa kanyang kwarto. "Nandito nga pala ang mga kaibigan mo. Naku, ang gaganda pala nila! Kasing ganda mo," Papuri ni Lola.
Narinig ko naman ang mga tawa ng mga bugok. Mas lalo na si Riva na ngiting aso ang itsura. Muntanga. Pero nagpapasalamat ako sa ginawa ni Lola dahil kahit papaano ay nabawasan ang mabigat na tensyon na namamagitan sa aming lahat.
"Maiwan ko na muna kayo ha," paalam nito sa amin bago umalis sa bahay.
Umupo ako sa may bakanteng upuan na malapit lang sa kanila. Tiningnan ko sila isa-isa. Alam kong pinipigilan nalang nila ang kanilang sarili na magtanong sa akin at mas pinili nalang nila na makinig sa mga dapat kong sabihin.
Humawak muna ako sa laylayan ng damit ko na syang nakakagawian ko ng gawin lately bago ako tumikhim at nag-umpisang magsalita at sabihin sa kanila ang kung ano mang dapat nilang malaman.
"I am not Averil Allison Mallari." Pag-uumpisa ko. "I am her twin sister, Avery Addison Mallari." I added.
Nadinig ko ang mahinang singhap ng mga kasama ko, except kay Lovelyn na nakatingin lang sa aming lahat.
"I pretended to be her because she got herself into a car accident recently and fell into coma. Our parents decided to transfer her at States for her fast recovery. Naiwan ako sa bansa na may kailangan gawin na pabor mula sa mga magulang ko,"
"And that is to pretend as Ally," Sabat ni Klair. Tumango lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
Nag-umpisa na din na magsalita ang iba pa hanggang sa sinuway na sila ni Lovelyn dahil alam nyang may dapat pa akong sasabihin.
"I'm sorry guys," Paumanhin ko. "I just needed to do that for the sake of our family. Pero hindi ako nagpapanggap na kaibiganin kayo. That was my true intentions, walang halong pagpapanggap doon."
"Grabe," Una kong narinig ang reaksyon ni Quinn pagkatapos kong magsalita. "Tingnan mo nga oh! Tumataas ang balahibo ko sa braso!" Tinaas pa nito ang braso nya sa harap namin.
"Sa una pa lang may mali na eh," Si Klair, hindi pinansin ang OA na reaction ni Quinn. "Kung tingnan kami ng kambal mo, kakaiba. Yun pala hindi sya yung Ally na nakasama namin. Ikaw pala yon,"
"Hayaan mo, hindi na din namin sya papansinin!" Si Riva naman na naiinis padin sa ginawang di pagpansin sakanila ni Ally.
"Ano ba, wag ka ngang ganyan." Sita ko. "Hindi lang alam ni Ally kung paano kayo pakisamahan dahil in the first place, wala naman syang alam sa pagkakaibigan natin. Ang alam lang nya kasama ko kayo sa sinalihan kong competition," Pagtatanggol ko kay Ally.
Tsk, kahit na nga ba hanggang ngayon naiinis parin ako sa ginawa ng kambal ko sa kanila, mas nanaig parin sa akin ang katotohanan na kapatid ko sya at kailangan kong ipagtanggol sya kahit papaano.
Kinabukasan ay nagpasya kaming magpunta sa isa sa mga beach resort ng lugar namin. Sinama ko din si Sandy at Naomi na go na go naman sa gala. Ngayon nga ay nag-uusap na silang lahat malapit sa dagat. Nakasuot na ng kanya-kanyang swimsuit samantalang ako ay nakaupo lang sa may cottage, kumakain. Naka white two-piece bikini narin naman ako na pinatungan ko lang ng tuwalya.
BINABASA MO ANG
Deepest Regret
RomanceI fell in love with this woman... and this woman is the person that my twin sister like. - Addison