DR 18

3.2K 139 5
                                    

Months passed and now, we only have a week for our final exam. Actually, lahat kaming magkakaibigan ay halos nakasubsob na sa mga librong nasa harapan namin ngayon. We're at the Library and this is our fifth day here. After our class, dito na kami dumidiretso.

Masyadong mabilis ang panahon na nagdaan. Nahakot ng school namin ang lahat ng championships sa intramurals kaya madaming nagdiwang dahil doon. At dahil natapos na ang kasiyahan, balik nanaman sa pagiging estudyante ang lahat.

Nag'celebrate naman kaming magbabarkada sa pagkakapanalo naming lahat sa sinalihan na competition. We decided to celebrate it at the Bar where Jaylord parents' is the owner.

We party that night. Nagpakalunod sa alak hanggang sa gumapang na kami pauwi. Hindi naman literal na gumapang. Yung tipong bangenge na kami kinabukasan.

Wala namang magandang nangyari sa ilang buwan na pagpapatuloy namin sa pag-aaral, except sa set up namin ni Kari.

I don't know what's the real score between us. Basta, we're enjoying each other's company. Aside from that, we did a lot of things that a couple would do, except sex. We're too young for that, and besides hindi namin iniisip na gawin yon.

May tamang panahon para don. Yikes.

"Stupid," Napaikot ako ng mga mata dahil sa narinig ko sa aking katabi.. si Kari.

Well, kahit na mutual na kami ng feelings sa isa't-isa, hindi parin talaga nawawala ang mga ganyang tawag nya sa akin pati na din ang pagsusungit at pagtataray nya. Wala eh, si Kari yan. Hindi sya makilala kung hindi din dahil sa ganyang ugali nya.

"What now?" Sagot ko.

"Let's eat pares after these," saad nya. Hindi na sya nagtanong kung gusto ko ba. Basta nalang syang nagdedesisyon.

She's being a bossy again. Sa aming dalawa, sya ang mas nasusunod. Bihira ko lang sya mapasunod sa mga gusto kong mangyari. Nasasanay nalang nga ako madalas eh. Pakiramdam ko, nagiging dependent na ako kay Kari. Kahit sa mga desisyon ko, palagi kong hinihingi ang opinyon nya. Mahalaga kasi para sa akin yon. Ultimo sa mga maliliit na bagay sya ang nasusunod. I don't mind that at all though. Kasi sanay akong hindi demanding sa lahat ng bagay. Sya lang talaga yung ganon.

Sa huli, tumango nalang ako bago inabala muli ang sarili sa pagbabasa. Gusto ko din naman kumain nun e.

Lumipas ang isang oras at kanya-kanya na kaming ligpit sa mga gamit. It's already 6PM ng matapos kami at magsilabasan sa library. Nagpaalam na din ang mga kasama namin isa-isa hanggang sa kami nalang ni Kari ang matira.

Dinala na nya din ang kotse nya papunta sa lugar kung saan kami kakain ng pares para hindi nadin kami babalik pa sa parking lot ng school.

Pagdating palang namin, ang barkada agad ni Ken ang nabungaran namin. Kung noon na sagad na agad ang inis ko sa katauhan ni Ken.. ngayon ay wala na yon. Nagsimula yun nung kinausap nya ako. Sinabi nya lang na suko na sya kay Kari at hindi na nya ito guguluhin. Nagulat pa nga ako sa isa pa nyang sinabi na si Kari na mismo ang nagsabi na ayaw nyang ligawan sya ni Ken dahil sa isang dahilan. Alam nyo kung ano yon? Psh, sinabi lang naman ni Kari na nagkakagusto na daw yata sya sa akin.

Akala ko, ako ang unang nakakaalam na may nararamdaman na sa akin si Kari. Yun pala, si Ken pa mismo ang unang nakaalam. Mabuti nga at hindi sya nagtanim ng galit sa pagreject sa kanya ni Kari. Kaya masasabi kong mabait na tao si Ken. Kaya pala nung pagkatapos ko silang mahuli sa cr noon, panay na ang ngiti nito sa akin. Hindi yung ngiti na nang-aasar kundi yung sincere at totoong ngiti. Nung una ang creepy nya tingnan hanggang sa binabalewala ko nalang ito sa huli.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon