DR 23

3.1K 128 1
                                    

"Why did you tell her the truth, Adi?" Bungad sa akin ni Ally pagkauwi namin sa bahay.

Nagpapalit na ako ng damit ko dito sa kwarto ng bigla syang pumasok. Halata ang inis sa kanyang kabuuan pero mas pinili ko nalang na maging kalmado. Kahit na sa kaloob-looban ko, para na din akong sasabog katulad nya. Kailangan kong magtimpi dahil kung parehas kaming galit sa mga oras na ito, hindi kami makakapag-usap ng maayos.

"Because she deserves to know the truth," sagot ko sabay upo sa edge ng kama ko.

"Adi, sinabi ko na hindi pa ito ang tamang oras diba?"

"At kailan ba sa tingin mo ang tamang oras para doon, Ally?" Seryoso kong tanong. Sinalubong ko ang kanyang tingin. "Sinasadya na nating lokohin ang mga tao sa paligid natin! You're being unfair! Hindi lang sa kanila kundi pati narin sa akin, Ally!"

"I'm just trying to adjust and be ready for the revelation, Adi. Why couldn't you understand that? Sa lahat ng tao, ikaw ang dapat na mas makakaintindi sa akin dahil kapatid kita."

Napakapit ako ng mahigpit sa bedsheet ng kama. Para bang doon ko piniling humugot ng panibagong pasensya.

"Eh ako ba, Ally? Naiintindihan mo ba ako? Yung nararamdaman ko ngayon, alam mo ba?" Natahimik sya dahil doon, lalo na at nakita nyang nag-uumpisa na akong maging emosyonal.

"You choose to distance yourself to my friends, Ally. Sinabi ko sayo na kaibigan ko sila Lovelyn diba? So I already expected na pakikisamahan mo din sila ng maayos kagaya ng ginawa ko sa mga kaibigan mo, Ally. Pero anong ginawa mo? Dinadaan-daanan mo lang sila na para bang hindi sila naging importante sa buhay ng kapatid mo,"

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi ko. Sunod-sunod ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Masakit na din ang puso ko dahil sa mga nangyayari ngayon.

"It feels like I am your dark secret, Ally. Why can't you be honest to me? Na wala pa talaga sa plano mong ipakilala ako at sabihin sakanila ang totoo? Na hindi kapa handa? Na natatakot ka lang sa mga sasabihin nila, lalo na ni Colyn?"

Nanlaki ang mga mata nya. Naging malikot ito pero maya-maya lang ay napapikit ito ng mariin. Mabilis na din ang kanyang paghinga na para bang pinapakalma nalang nya ang sarili. Katulad ko ay nauubusan na din sya ng pasensya at tanging pagtitimpi nalang ang naisipan nyang gawin sa akin.

"You know what? This is just wasting my time, Adi. Magpahinga ka nalang," Biglang sagot nya sabay labas ng kwarto ko.

Napangiti ako ng mapait. Damn you, Allison. Mukhang tama ako eh?

---

"A-aray! Teka nga, Sandy!" Reklamo ko.

"Wag ka kasing malikot! Paano matatapos 'to kung ganyang para kang kiti-kiti!" Inis namang singhal nito sa akin.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Lola, sa Quezon Province to be exact. Kinabukasan pagkatapos naming magtalo ni Ally, nagpasya nalang akong lumayo muna at magstay pansamantala kay Lola.

Nung una, ayaw ng mga magulang ko lalo na si Mama pero sa huli, napapayag ko na din sya. Nag-iwan nalang ako ng note kay Ally sa kwarto nya bilang pagpapaalam ko. Hindi parin kami ayos pero sana, sa pagbalik ko ay makapag-usap na kami ng maayos.

Dito sa lugar na ito, pakiramdam ko dito ako nabibilang kung saan kilalang-kilala ako ng mga tao sa paligid ko. Kung saan kilala ako bilang Addison, hindi bilang Allison.

"Oh, tapos na. Mukhang malalim ang iniisip mo, friend." Puna ni Sandy sa akin.

Niligpit nya muna ang mga gamit na pinanglinis sa sugat ko sa noo bago sya muling tumabi sa akin.

"Sa ilang buwan na pagtira ko doon, pakiramdam ko hindi ako belong doon. Na para talaga kay Allison yun. Heto lang naman ang bahay na nagbibigay ng satisfaction sa akin, Sandy. This is where I belong, this is my home."

"Hindi ko din naman kasi maintindihan ang kambal mo, Adi. Mukhang yan yung side effect nung pagkakatulog nya ng ilang buwan eh." Nagkamot pa ito sa kanyang ulo na para bang katulad ko ay hirap na hirap din. Natawa tuloy ako. Bwisit din 'to e.

Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyaring pagtatalo namin ni Ally.

"Sana lang talaga maging okay na kami ni Ally. Hindi kasi ako mapanatag na ganito kami. Hindi ko alam ang mga gagawin, Sandy. Bago sa akin ang lahat ng pakiramdam na ito. Ganito pala kapag nakipagtalo ka sa kapatid mo, 'no?"

Lumabas kami nang maghapon na. Makikipagkita kami ngayon kay Naomi sa Mall. Tuwang-tuwa pa nga ang bruhang kasama ko dahil manlilibre sa amin si Naomi.

"Why don't you consider her feelings to you instead of that woman, Colyn?" Out of nowhere nyang tanong habang naglalakad na kami papasok ng mall.

"Tigilan mo nga ako, Sandy."

"What? Kay Naomi sure kana doon. Kay Colyn mukhang wala ka ng pag-asa doon. Tagilid kana kumbaga,"

"Kung natuturuan lang ang puso, baka hindi na ako ganitong nahihirapan at naiipit sa kanilang dalawa ni Ally."

Hanggang sa makarating kami sa meeting place ay yun ang pinag-uusapan namin. Nakita naman namin agad si Naomi na nakatayo sa tapat ng Penshoppe kaya heto na at nagtatalon-talon na ang kasama ko palapit sa kanya.

"Waaaahh! Naomi! Oh my God, I miss you!!!"

Napatampal ako sa noo ko. Bahagya pa akong lumayo sa kanila at nilinga ang paligid. May ilan na nakatingin ngayon sa kanilang dalawa at sa akin. Peste, nakakahiya talaga 'tong kasama ko!

Natatawa naman na yumakap sa kanya si Naomi. "Namiss din kita!" Bigla ay napatingin ito sa akin at kumindat. "Hi, Adi!" Bati nya pa.

I rolled my eyes in annoyance. Nagsama na ang dalawang bwisit sa buhay ko.

Pumasok agad kami sa Penshoppe at namili ng damit. Actually, silang dalawa nga lang since wala ako sa mood mamili ng mga gamit.

"Look, bagay 'to sayo." Sumulpot si Naomi na may dalang t-shirt. Hinarap pa ito sa akin. Napakunot ang noo ko pero ang kaharap ko ay nakangiti lang sa akin. Lumapit pa nga ito at bumulong pa sa tenga ko.

"Pero mas bagay ako sayo," she said then winked again at me.

"Eh kung ihampas ko sayo ang hanger ng damit na yan, Naomi? Nanlalandi ka nanaman eh," inis kong tugon na tinawanan nya lang.

"Pikon mo naman!"

Nakailang shops pa kami na pinasok hanggang sa nagsawa na sila at pumasok na sa greenwich. It's already 5PM kaya ramdam na din namin ang pagod at gutom.

"Sa school nalang kung saan ako nag-aaral ikaw mag enroll, Adi." Suggest ni Naomi.

Next semester kasi ay mag-aaral na ulit ako. Ang mga nakuha kong grades sa school ni Ally ay sa akin naman talaga mapupunta. Samantalang si Ally ay may mga exams yata syang gagawin para makapagproceed sa next semester. Kinausap yata ng Dad ko ang management. Iba talaga ang nagagawa ng mga mapeperang tao eh. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami na kung saan walang pera, baka mag octoberian na si Ally.

Napaisip na din tuloy ako sa sinabi ni Naomi. Maybe I should consider that? Kasi parang ayokong nasa iisang school kami ni Ally. Hanggat maaari, ayokong magkaroon ng competition sa aming dalawa ni Ally sa mga ibang bagay, lalo na kay Kari. Mas mahihirapan ako lalo 'no. Kaya bago pa man mangyari yun ay ako nalang siguro ang iiwas.

Pagkauwi ko sa bahay ay isang pulang kotse ang nakita ko sa tapat ng gate namin. Umusbong ang pagtataka sa sistema ko dahil doon. Parang deja vu lang eh? Sino nanaman ba 'to? Imposible naman na sila Ally ito dahil nagpaalam naman ako kanina sa kanila bago umalis. Mas lalong imposible kung isa sa mga barkada ni Ally ang may-ari nito.

Nasagot lang ang mga tanong sa aking isip ng makita ko si Lovelyn, Riva, Klair at Quinn na ngayon ay nakaupo na sa sofa namin.

The hell? What are they doing here?!

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon