DR 12

3.2K 135 3
                                    

It's been a two weeks already when we started to practice for the upcoming battle of the bands. Parehas kami ni Lovelyn na nakapasa sa audition na naging dahilan para mas lalo kaming maging close.

Isang linggo nalang din ang natitira para sa competition na yon kaya grabe na ang pagpapractice namin. Even sa weekends ay hindi na din namin pinalagpas.

"Kinakabahan ako," Si Love habang kumakain ng tinapay sa tabi ko.

Linggo na ngayon at kasalukuyan kaming nagpapahinga mula sa buong hapon na pagpapractice.

"Sus, ikaw? Kakabahan?!" Sabat ni Klair, ang guitarist namin.

Hindi ko pa pala nasabi sa inyo na puro babae kami sa banda. Nakakatuwa nga dahil unang araw palang ng practice namin, nagclick agad kami sa isa't-isa.

"Tingnan mo nga si Ally, chill lang! Dapat ikaw din 'no," Si Riva, ang lead guitarist ng grupo.

"Ayan, inaasar nyo nanaman si Love! Tigilan nyo na yan at magsimula nalang tayo para matapos na practice natin," natatawa kong saway sa kanila.

Sumunod naman sila agad at nagpractice kami sa loob ng isang oras.

Kinabukasan ay nakasabay ko si Riva sa pagpasok sa school. Parehas kami ng course at katabi lang namin ang room nila kaya walang problema kung magsasabay kami.

"Ang ganda mo talaga," Puri nya sa akin.

"Baliw ka, tigilan mo nga!" Natatawang sagot ko.

Ganyan na sya nung unang pagkikita palang namin. Naiilang ako nung una syempre pero kinalaunan ay nasanay na din. Hindi lang naman kasi sya sa akin ganyan. Pati na din sa ibang kasama namin.

"Totoo naman! Kung yayain kitang makipagdate sa akin, papayag kaba?" Nakangisi nyang tanong.

"Alam mo mas okay kung si Klair nalang ayain mo,"

Nakita kong bumusangot ang mukha nya ng marinig ang pangalan ng taong kinaiinisan nya.

"Ayoko nga! Baka mamaya isang minuto pa lang kaming magkasama, sumakit na tainga ko sa sobrang daldal nun!" Sagot nya.

Nagtatawanan tuloy kami sa daan kaso naudlot lang ng may tumawag sa akin kaya napahinto kami sa paglalakad.

"Kari," sabi ko ng makita ko syang nasa likod lang namin ni Riva.

"Una na ako," Paalam sa akin ni Riva. Hinalikan nya pa ako sa pisngi bago nya kami tuluyang iwan ni Kari.

"Tsk, what was that?" Iritadong tanong ni Kari sa akin.

I just shrugged and then continue to walk. Ganon din ang ginawa nya kaya kami na ngayon ang magkasabay.

"Kamusta practice nyo?" Tanong ko.

"It's good," Maikli nyang sagot.

"Okay,"

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Sa nakalipas na dalawang linggo, hindi na kami masyadong nakakapag-usap ni Kari. Bukod sa parehas na kaming busy sa kanya-kanya naming gawain.. mas pinili ko nalang na wag ng masyadong ma'attach sa kanya.

Hibang ako nung inisip kong hayaan muna ang nararamdaman kong ito para kay Kari. Alam kong hindi ko na dapat kinunsinti itong pagkagusto ko sa kanya una pa lang nang sa ganon ay maagapan ko pa ang sarili ko. Ayokong mahirapan sa huli.

Alam ko namang una palang, talo na ako. Walang patutunguhan itong nararamdaman ko dahil gusto sya ng kakambal ko.

"Lately, hindi kana nagdadala ng chocolate cake ah?" Puna sa akin ni Kari.

Totoo din. Kahit na madalas magbake si Manang nun, hindi na ako nagdadala. Pati yon, hininto ko na din. Yung mga nakasanayan kong gawin sa kanya, tinigilan ko na.

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon